PROLOGUE

325 5 0
                                    

Matamang sinisipat ni Beauty ang mga nakahilerang lalaki sa harapan niya.

"Ikaw, ikaw at ikaw, props men kayo," aniyang saby-sabay tinuro ang tatlong kalalkihan at kakamot-kamot naming umatras ang mga ito. "The rest would be Japanese soldiers," ani naman niya sa mga natirang lalaki. Pawang may pagkasingkit ang mga ito kaya papasang hapones.

"Beauty, nandito na ang mga bakla!" anunsiyo ng matalik niyang kaibigan na si Lara.

Agad naman siyang bumaba ng stage at sinalubong ang mga bagong dating at sinuri ang mga ito. Pawang mga naka-make up ang mga ito pero mas angat sa talto ang nasa gitna dahil bukod sa ito ang pinakamatangkad ay may kakaiba rin itong taglay na ganda. Makinis ang kutis nito at bumagay sa mga mata nitong kulay brown ang malalantik nitong false eye lashes. Matangos din ang ilong nito at alam niyang natural ang mamula-mula nitong mga labi na para bang kay sarap halikan. Iyon nga lamang ay 'di sila talo. Ito ang tipong siguradong pagkakaguluhan ng mga kababihan kung naging straight lang ito. Kaso sa lantik pa lang ng mga kamay at balakang ay tila talo pa siya sa kalandian.

"Bez, ito si Rosa, Si Nica at Esmeralda," pakilala ni Lara sa tatlo."Ano sa tingin mo?"

"Pwede na sila. Nica ikaw ang gaganap na Marcova," aniyang ang tinutukoy ay ang nasa gitna na angat ang kagandahan sa dalawa.

"Talaga?! Paano ba 'yan mga bakla, mas angat ang beauty ko sa inyo," pang-aasar nito sa dalawang kasama.

"Tse! Pilik mata lang ang laban mo sa aming dalawa," nakaingos naming turan ni Esmeralda.

"Correction, at kinis ng kili-kili," nakaingos na wika ni Nica.

Natatawa lang sila ng kaibigan. Sigurado siyang mas magiging masaya ang preparasyon nila ng play dahil sa mga ito.

"Okay lang ba sa inyo kahit gabihin tayo sa pagre-rehearse?" kapagkuwan ay tanong niya sa mga ito.

"But of course, Mama Mia! Kahit ma-haggardo Versoza pa kami keribels lang 'yon basta ma-showcase ang beaty naming mga beki!" ani Nica.

"Good. Ganyang attitude ang gusto ko. Curious lang, ano ang totoong mga pangalan niyo?"

Biglang nalukot ang mukha ng kanina lang ay tuwang-tuwang si Nica.

Unang sumagot ay si Rosa. "Rolando ako sa umaga. Rosana Roces sa gabi," pakendeng-kendeng pa na wika nito.

"I'm Elmer under the fiercing sunlight and Esmeralda at night!" turan naman ng isa pa na parang nagpapakilala sa beauty pageant.

Inaantay nilang si Nica naman ang magpakilala pero hindi ito umiimik.

"Hoy bakla ikaw na," ani Esmeralda.

"Ayoko, ang shwanget ng name ko, eh," nakangusong wika nito.

"Bakit ano ba'ng totoong pangalan mo?" tanong niya.

"N-Nico..." mahinang sambit nito saka ngumuso.

"Weh?" sabay na wika nila Rosa at Esmeralda. Lalo tuloy siyang na-curious sa pangalan nito.

"Okay fine!" anitong napilitan na rin. "Nico, short for...Nicomachus," dugtong nito na tila ba hiyang-hiya.

Bahagya lang siyang natawa 'di tulad ni Lara at ng dalawa dahil kilala niya ang pinaghalawan ng pangalan nito. Si Nicomachus ay isang philosopher. Pinag-aralan nila iyon sa Ethics noong college.

"Sige tama na 'yan, sumunod kayo sa akin at ibibigay ko sa inyo ang script niyo," aniya saka nagpatiuna na sa mesang malapit sa stage.

Siya ang acting director slash script write ng play na iyon na pinamagatang 'Marcova, The Comfort Gay'. Isa iyong educational play na itatampok sa iba't ibang kolehiyo at high school sa Metro Manila at kalapit na probinsya. Ilang taon niya na ring ginagawa iyon kasama ang matalik na kaibigang si Lara. In short, iyon na ang kinabubuhay niya magmula nang magtapos ng kursong Theater Arts sa isang kilalang Unibersidad sa Maynila. Marunong din naman siyang umarte pero mas hilig niya ang pagdi-direk at pag-gawa ng kwento kaya doon siya nag-focus.

Ang play na iyon ay ipapalabas na sa susunod na dalawang buwan kaya naman puspusan na ang kanilang paghahanda.

BEAUTY AND CHARADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon