CHAPTER 2

117 5 0
                                    

Habang bumababa sila ng hagdan ay nakatingin sa kanila ang mga bisita nila alice. Hindi tuloy niya mapigilang mailing. Para kasing alangan pa rin siya dahil hindi naman talaga siya imbitado sa party na iyon.

Agad silang nilapitan ng stepmother ni alice at hinila ang anak para ipakilala sa mga amiga nito kaya naiwan siyang mag-isa sa may sulok malapit sa buffet. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom nang makita niya ang mga nakalatag na pagkain. Meron pang fountain ng chocolate. Siguradong malulunod siya sa tamis noon pag sinahod niya ang bibig niya roon.

''You want to try ma'am?'' nakangiting tanong ng unipormadong lalaki na nakatayo sa kabilang dako ng buffet.

''Aah, hindi," aniya, pero napaisip dahil medyo natakam siya sa chocolate.  ''Sige na nga. Pwedeng pahingi ako?'' nahihiya pa ring wika niya.

''Sure, ma'am," anaman ng lalaki saka kumuha ng prutas na nakatuhog sa toothpick at dineep sa chocolate. Inabot nito iyon sa kanya at atubili naman niya iyong kinuha.

Nang isubo niya iyon ay pinigilan niya sariling mapawow dahil sa sarap ng pinaghalong tamis ng apple at chocolate. Dahil nasarapan ay sinubukan na rin niya ang iba pang prutas. Medyo nasobrahan na siya sa matamis kaya kumuha siya ng orange juice sa dumaan na waiter.

Tatantanan na sana niya ang buffet pero ngang napatingin sa iba pang pagkaing naroon ay nagdalawang-isip siya. Sayang naman kung hindi siya titikim tutal parang wala namang pumapansin sa pagkain ay siya na lang ang kakain. Tinikman niya halos lahat ng nakahain doon at nakagaanan niya na rin ng loo bang mga serbidor.

Pipihit na sana siya patalikod sa buffet nang may mabangga s'ya at aksidenteng matapunan niya ito ng hawak na orange juice.

Nang tingalain n'ya ang mukha ng nabangga ay literal na napanganga siya sa mukhang natunghayan. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa polong suot na natapunan niya ng juice. Napakagwapo nito na parang modelo na nakikita lang nya sa magasin. Matangos ang ilong nito na parang perpektong inukit ng iskultor at ang makakapal ngunit magkasalubong nitong mga kilay ay bumagay sa mga mata nitong may malalantik na pilik. At ang labi nito ay natural ding namumula-mula na para bang kay sarap halikan. Ipinilig nya ang kanyang ulo sa huling naisip. At kalian pa siya naging manyakis?

Nang tumingala ito at saktong nagtama ang kanilang mga mata ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Looking straight into his brown eyes could make her feet wooble. Parang tatangayin s'ya ng anumang hangin dahil sa biglang panlalambot ng kanyang tuhod.

"Miss, are you okay?" anito sa baritonong tinig.

Bakit pati boses mo parang musika sa pandinig ko?

"Miss! He snapped once more.

Bigla tuloy s'yang natauhan nang napatingin s'ya sa natapunan niyang bahagi sa dibdib nito at naalarma dahil nagmantsa sa puting polo nito ang orange juice. Nakabukas lang kasi ang butones ng coat nito kaya sa polo ang diretso ng juice nya.

"I-I'm sorry... H-hindi ko sinasadya... ", aniyang akmang pupunasan ng kamay ang mantsa ngunit maagap nitong nahawakan ang kamay niya. Agad naman nya iyong binawi dahil tila may kung anong kuryenteng namuhay sa mga ugat niya.

"Don't bother, next time just be mindful." Seryosong turan nito saka siya tinalikuran.

Dahil nagi-guilty ay sinundan niya ito hanggang makarating sa pasilyo.

"Mister, sorry talaga," habol niya rito. Malalaki ang mga hakbang nito at siya naman ay hirap sa paglalakad dahil sa taas ng takong ng sapatos kaya medyo malayo ang distansya nila.

Nahabol lang niya ito nang huminto ito sa tapat ng pinto.

"Mister, sorry talaga," aniya sa pagitan ng pahingal. Tila nawawalan naman ng pasensya nang harapin siya nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEAUTY AND CHARADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon