Ch 2 ?

7.9K 67 17
                                    

Dapat po talaga kasi short story lang to pero ewan ko kung bakit nagkasecond part pa to. HAHAHA! baka last na rin to, gusto ko na agad tapusin, trip lang naman to eh. hahaha :))))

------------------------------

YNA'S POV

To make the story short, naging kami na nga ni Yvo. Ewan ko ba dito sa taong 'to at pinatulan ako. Mayaman naman, gwapo, I mean kayang-kaya niyang makakuha ng babaeng MAS kesa sa 'kin.

Pinalipat niya ko sa unit nya. Nung una, masaya kami. Sobrang saya. As in ginagawa lang namin ang mga gusto namin everytime. We had sex in every corner of this room. At parang hindi kami nagsasawa sa isa't isa, actually, the eagerness keeps getting stronger everytime we touch. Lahat na ng masarap at masaya, naramdaman ko kasama ang taong 'to. Little did I know that he would also bring me all torment life could give.

Nalaman ng parents ni Yvo na nagpapatuloy siya ng GRO sa unit niya ta syempre, the usual telenovela, halos kaladkarin na ko ng nanay niya at wala akong magawa kundi mahiya. Pero hindi ako umiyak. Pangako ko sa sarili ko yun mula nang pasukin ko ang trabahong to. Na dapat matapang ako at hinding hindi ko gagawin yung pagpapakatanga ng nanay ko sa tatay ko. Hinding-hndi ako iiyak sa harap ng kahit na sino, lalong-lalo na sa harap ng lalaki. Dahail matapang ako. Matapang ako.

Dapat tumatawa ako ngayon eh, kasi nakakatawa di ba? Lahat na ng kadramahan sa buhay naranasan ko na. Yung broken family, walang makain, lahat na. ngayon naman ang makaladkad. Ako na! ako na talaga hahahaha.

Umalis ako nung pinaalis ako ng nanay ni Yvo. Anong magagawa ko eh siya nagbabayad nun. Wala pa si Yvo para sanggain man lang bawat hampas at sabunot ng nanay nya. Alam kong pwede akong lumaban, hindi naman ako gaya nung mga bida sa teleserye na nagpapaapi lang lagi pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nakuhang lumaban nun eh. Siguro dahil alam ko ring totoo yung mga pinagsasabi ng nanay ni Yvo.

"Marumi kang babae ka!" 

"Hindi ka na nahiya at nagpabahay ka pa sa anak ko." 

"Ang kapal ng mukha mo!"

Mga ganyan. Nakakaemo kaya yan, try nyo. Tagos eh. Ang kapal nga naman ng mukha kong magpabahay pa kay Yvo samantalang MARUMI ako. Ang sakit lang dahil galing pa yun sa taong hindi naman ako kilala. Parang ang sarap sabihing "Namo! Malinis ako bago ako dikitan ng anak mo." Di ba? Kasi ang sakit nun eh. Tengene, ayan na yung luha ko! pero okey lang, at least walang ibang makakakita. Habang nag-eemo ako rito, naaalala ko yung moments namin ni Yvo. Nung nag-grocery kami tapos punung-puno yung push cart. Binili nya ba naman kasi ako ng napakaraming napkins. Hahahaha! Parang tanga talaga yun. Tapos nung namimili kami ng damit, tinawag nya ko tapos pinakitaan ako ng swim suit, suot ko raw sa birthday nya. Ang pervert talaga. Pero merong kinikilig ako sa nilalang na yun eh, nung nasa park kami, binigyan nya ako ng violet na cotton candy. Grabe lang kasi naman nung bata pa ko, faorite ko na yung violet at cotton candy kaya sabi ko kapag may nagigay sa kin nun nang hindi ko sinasabi, siya ang soulmate ko tapos bigla nya kong binigyan. Ang paasa lang ni destiny noh? Soulmate soulmate pa kasi akong nalalaman eh. Tapos yung mga pagkakataong yayakapin niya ko ng nakatalikod habang nagluluto ako o nakatulala lang at iniisip siya? Yung gigisingin niya ko ng kiss at hug. Yung magpipicture kami ng sobrang dami sa webcam, mga mukang tanga pose. Kinikilig ako dun kasi dati ayaw na ayaw nun ng nagpipicture eh pero dahil sa kin napipilitan na lang siya. Mas nakakakilig pala yung mga simpleng bagay lang noh? Yung minsan mukha nang childish pero ang sarap pala kapag yung taong special sa yo yung kasama mo. Tengene, kaya ayoko ng reminisce reminisce na yan eh. Hindi ko namamalayan, sumisinghot singhot na ko dito.

"I LUST YOU."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon