Chapter # 6♥

104 2 2
                                    

Pumasok na ako sa Room.. Buti na lang at magkalayo kami ng upuan ni Annie...

Naupo na ako sa upuan ko at sumandal sa likod tapos tinakpan ang mukha ko ng libro tapos naglagay ng earphone sa tenga at nagpatigtog ng "Your Call"

Ganda talaga ng kantang ito..

Naalala ko nanaman yung dati..

FLASHBACK

"I love you Annie.."

Sabi ko sa kanya.. seryoso ako sa pagkakasabi ko nun sakanya

tumingin siya sa akin tapos..

"Alam ko naman ehh.." 

Sabay ngumiti siya sa akin.

"A-alam M-mo??"

"Oo ahhh.. ehhh halangan naman.. Eh bestfriend mo ako ehhh.. I love you din Lance.."

ngumiti ulit siya sa akin..

ngumiti na lang din ako sa kanya pero pilit lang.. Halatang fake.. ehhh masakit ehhh.. Sino ba ang di masasaktan kung sinabi sayo na mahal ka din dahil bestfriend kayo?

putek!! masyado akong nagaasume.. Kaya ayan tuloy nasaktan nanaman ako...

Kala ko pa man din kung alam niya na mahal ko siya.. Na hindi yung sa Friends, Friends,... Ang akala ko alam niya na mahal ko siya hindi basta kaibigan lang ang turing.. Hindi naman pala.. Ang hirap talaga magassume nakakasakit ng damdamin.. 

Kaya kung ako sa inyo, wag kayong magassume ha?? Baka sa huli, masaktan kayo... Mahirap na baka mamatay pa kayo sa kakaisip nun ehhh.. Pero syempre joke lang...  Pero totoo yung wag masyadong magassume ha??? 

Baka magaya lang kayo sa akin.. O baka alam niyo din naman yung feeling na ganon diba?? Assume kayo ng assume tapos sa huli, iba naman pala ang kalalabasan ng mga inaasume niyo..

Masakit diba? 

END OF FLASHBACK

Ehhh pano kung ganun nanaman ang mangyari kapag umamin nanaman ako sa kanya??  baka di niya ako paniwalaaan.. Baka sabihin niya nagjojoke lang nanaman ako sa kanya.. Baka di niya na ako kausapin kapag nakaamin na ako sa kanya? baka masaktan nanaman ako sa huli?? Naka iiwasan niya na ako? Baka? Baka? Baka?

Tama na nga yan!! be POSITIVE Lance!!! Positive lang.. Wag kang magisip ng negative.. Isipin mo na lang lahat yan pagsubok.. Tinetest ka lang ni God, Tinetest ka lang ni Annie..? Kaya wag dapat mawalan ng pagasa.. Kung di niya matatanggap na nagmahal ang bestfriend niya ? Tatanggapin ko na lang.. Kung iiwasan niya ako? tatanggapin ko na lang at ibigsabihin na rin nun ayyy, wala akong pagasa sa kanya.. Na meron pang mas nararapat sa pagmamahal ko kesa sa kanya... Kung tinanggap niya.. Ok!!! may pagasa ka!! Kung tinanggihan niya? It's the end.. Kahit na meron yung lalaking mangaagaw na yun? Baka isa siya sa mga pagsubok ni God.. Siguro pinadala siya dito para tignan kung talagang para talaga ako kay Annie... 

Ano ba pinagsasabi ko? Ehhh si God nga lang ang nakakaalam kung kanino mapupunta si Annie at kung kanuno mapupunta ako.. Wala nang nakakaalam.. Si God lang...!! Diba? Kasi siya ang nagdedesisyon ng lahat.. 

Tapos na ang music.. Tapos na rin ang drama... Kaya tama na.. Past is past diba?? Kaya dapat kalimutan ko na rin ang mga sakit.. Pero ibaon ang mga saya.. Diba? tama naman diba?

*Kring *Kring

Time na.. nagsipasokan na yung mga kaklase ko.. at ako naman hinanda ko na ang sarili ko.. Inayos ko na upo ko.. Tapos tinago ko no yung CP ko baka mamaya macapture ehhh mahirap na di ko na makakatext si Annie..

Speaking of texting her.. 

Tagal ko na siyang di natetexan haaa... Tsaka di naman na siya nagpaparamdam.. Ni isang text wala naman na.. Kahit tawag manlang.. hmmmmm..

Tinignan ko dun banda sa may pinto... Dun nakaupo si Annie.. Tapos ako naman dito sa gilid.. sa tabi ng bintana.. Nagkatitigan kami pero saglit lang..  Umiwas kasi siya ng tingin ehhh.. Ehh dapat ako ang iiwas ehhh inunahan niya naman na ako.. Ang daya! Bakit ganon? Lagi na lang akong talo kapag kay Annie.. Kapag Annie ang pinaguusapan.. Pati rin ba sa LOVE? Talo parin ako kay Annie?

Ayun discuss lang ng discuss yung teacher namin ng Filipino.. Hindi ako makaconcentrate kasi tingin ako ng tingin kay Annie.. TInitignan ko kung ano ang ginagawa niya... Ayun tulog na.. Hayyyy talaga tong babaeng to.. Lagi na lang ganyan ehhh.. Sana di siya mapagalitan Terror pa mandin yung teacher namin sa Filipino.. Lagot na.. Baka kung ano pa ang ipagawa niyan sa kanya.. noon kasi may kaklase kaming nakatulog habang nagdidiscuss siya tapos nakita niya na tinutulugan lang siya.. Tapos yun.. Binato ba naman ng Eraser? solid pa ha?? Tapos alam niyo yung pinagawa? Pinamemorize ba naman ang buong kwento ng Florante at Laura? Ehhh ang haba kaya nun... Tapos pinalabas na yung kaklase namin na nakatulog...

Hay nako Annie wrong timing ka talaga..  Alam mo naman yung nangyari dun sa kaklase natin diba?? Ayaw kong mangyari yun sayo... Ayaw kong sumabog utak mo dahil sa pagmemorize ng isang libro.. 

Kaya binato ko siya ng papel ng patago. (Oo patago.. Lagot na ayaw kong sumabog utak ko bakamabaliw ako.. Para magising...) Pero di parin siya gumagagalaw.. Hayyy ikaw talagang babae ka... Mantakin ka talaga.. 

Naka ilang beses akong binabato siya ng papel pero hay.. yun tulog parin..  Annie!! Gumising ka na!! baka mapahamak ka.. Pati rin ako... Nako talaga naman oo.. 

Habang nagbabasa yung teacher namin sa harap nagkwekwento siya tungkol naman sa ibong adrna naman ngayon ang topic... Alam ko na yan.. Napanood ko na yan.. Madali lang yan.. Kaya di ko na pinansin  kaya tuloy parin ako ng pagbabato kay annie ng Papel.. Hala! mauubos na ata tong notebook ko dahil sa kakapunit ng papel para ipangbato kay Annie... Annie!! gumising ka na!!

"IKAW MISTER! LUMABAS KA DITO NGAYON RIN! KANINA KO PA HINAHABAAN ANG PASENYA KO SAYO DI KA PARIN TUMITIGIL JAN!"

-sabay dinusuro ako ng kanyang kamay..huuuu! kakatakot! buti na lang at walang ipapamemorize sa akin.. Haha..!! habang lumalabas ako, tinignan ko muna si Annie.. Ayun gising na rin siya.. Hay salamat naman,, Ayos na to.. Kesa naman na si Annie ang maghirap diba? 

narinig kong nagbubulungan yung mga kaklase naming mga babae...

'Hala! ano nangyari? kawawa naman si Papa Lance.'

'Kanina kasi binabato niya si Annie ehhh nakatulog eh lam niyo naman na terror tong teacher natin tsaka di niya hahayaang mapagalitan na mapagalitan si Annie no? Halata naman na may gusto siya kay annie ehhh.. Sa mga kinikilos niya..'

-Nako tama ka jan!! tumpak! Pero bakit di nahahalata ni Annie yun? Ano ka ba? Tinatanong pa ba yan ehhh.. Ang   manhid kaya ng Bestfriend mo..

'ohhh?? kaya pala.. oo tama ka jan.. Halata naman na may gusto si Papa lance kay Annie ehhh.. Parang wala lang kay Annie.. Buti pa siya.. Si papa Lance na ang naghahabol sa kanya ehhh tayo? ang layo ng level natin kay Annie no? Ang swerte niya talaga.. Bestfriend na nga niya, Lover pa niya.. Hayyy.. tama na nga.. Baka marinig pa tayo no ma'am mapalabas pa tayo ng di oras.'

-Oo nga Annie bakit..? 

I'll sucrifice everything just for her.. just to make her happy.. to make her okay, even if i've been hurt by her a thousand times because of her.. But still i LOVE HER

Napatingin siya sa akin .. yung parang nagtataka,, Tapos binigyan niya ako ng.. Anong-nangyare-look? 

nginitian ko lang siya tapos umiling.. Tapos lumabas  na ako ng Room. Buti na lang at pagkatapos ng subject na yun ayy Break na.. 

 Hay salamat naman... Time na! Ito na yung pinakainaantay ko.. Ang time na aaminin ko na ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya.. Sana di na siya mapaisip na kapag nasabi ko nalahat ehhh.. Kaibigan parin yung turing ko sa kanya.. Kasi turing ko na sa kanya ay Prinsesa.. 

Prinsesa na makulit, mayabang(minsan), maingay, moody, chismosa(minsan), may topak (lagi haha), basta haha,,..  

pero kahit ganyan siya.. Mahal na mahal ko parin siya.. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal...

LUCKILY INLOVE ♥ ~On-going~ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon