"Anak ko, nakikita mo ba ang baboy na iyon?" Turo ni ama sa isang baboy malapit sa ilalim ng puno ng mangga.
"Opo, ama. Ano ang aking gagawin?" Sagot ko.
"Ihanda mo ang iyong bolo, pana, at palaso. Tamaan mo ang baboy sa katawan gamit ang iyong pana at palaso. Kapag tumakbo ito ay wag ka mag alinlangang habulin. Sa sakit na natamo nito at hindi ito makakalayo." Kalmadong saad ni Ama.
Inihanda ko ang sinabi ni Ama at dahan dahang lumapit sa baboy. Itinutok ko sa katawan ng baboy at itinira.
Natamaan ko!
Binitawan ko ang pana tsaka palaso at hinabol ang baboy sa gubat.
"Teka, Alunsina!" Rinig ko ngunit di ko ito pinansin
Tama nga si Ama. Hindi ito makakalayo dahil sa tama.
Patakbo akong nilapitan ang baboy at sinaksak ng bolo sa leeg.
"Magaling!" Narinig kong puri ni Ama habang pumapalakpak mula sa likod. "Kinabukasan ay magsasanay ka naman sa pakikipag laban." Inabot n'ya sa akin ang pana at palaso ko at binuhat ang baboy.
"Anong dahilan at bakit bukas pa, Ama? Kaya ko pa naman ngayong araw." Reklamo ko.
"Batid kong kaya mo pa, anak ko. Ngunit kinakailangan na nating bumalik dahil mag uumpisa na ang cañao." Naglakad ito papalabas ng gubat. Muntik ko na makalimutan! Nangako nga pala ako kay Tala na pareho kaming maghahanda.
"Oo nga pala. 'Yan ho ba yung iaalay natin, Ama?" Tanong ko at tinignan ang baboy na walang buhay.
"Sana, kaso pinatay mo." Natatawa itong tumingin sa akin. "Paano natin ito iaalay kung patay na."
Oo nga pala!
Napakamot ako sa ulo sa hiya.
Pagkabalik namin sa nayon ay sinalubong ako ni Tala ng yakap. May dala dala s'yang lufid.
Ginawa n'ya?
"Para sa 'yo, mahal ko." Inabot n'ya sa akin ang lufid. Ang lapad ng ngiti n'ya. Nag init ang pisngi ako sa nakita.
Ang ganda n'ya.
"Salamat." Aalis na sana ako subalit bigla ako nito kinalabit. "Hm?" Pagharap ko ay Pinunasan n'ya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki n'ya.
"Hihintayin kita sa cañao, isuot mo ang gawa ko ha?" Tumalikod ito at naglakad papalayo.
Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis. Sinuot ko ang gawa nito.
Nakita ko si Ama na buhat buhat ang Dabakan. "Tutugtog ka, Ama? Akala ko ay kaibigan mo yung tutugtog." Tanong ko."Pinagkuha ko sila ng buhay na baboy." May diin ang salitang 'buhay'
Hehe. Ama naman. Nagpaparinig ka ba?
"S'ya nga pala anak ko, bagay sa iyo ang lufid. Iyan na ba ang susuotin mo?" Tumango ako bilang sagot.
Lumabas ako ng bahay at saktong naghahanda na sila
Sila ama at ang kan'yang mga kasamahan ay sa musika at sa mga hayop na magiging alay.
Sila Ina at ang kan'yang mga kaibigan ay sa pagkain at paghahanda ng kahoy.
"Magandang hapon sa ating lahat! Ang araw na ito ay isang espesyal na pagdiriwang ng Cañao para sa ating tribo! Nagpapasalamat tayo sa mga espiritu ng ating kalikasan at mga ninuno sa masaganang ani." Naagaw ang atensyon naming lahat sa nayon sa malakas na saad ni Ama.
Inapuyan ni Ama ang naglalakihang kahoy at troso na magkapatong patong.
"O mga diwa ng gubat at sapa, nagpapaabot kami ng aming taos-pusong pasasalamat sa inyo. Sana'y pagpalain ang aming tribo at ang lahat ng dumalo sa araw na ito." Dagdag ni Lola Sanlaon.
Umpisa na ng Cañao.
Hinila ng mga kasamahan ni Ama ang dalawang baboy, isang Kalabaw, at limang manok na iaalay sa aming Bathala at Ninuno bilang pasasalamat sa magandang ani.
"Diwa ng kalikasan at mga dating kalahi, sana'y sumama kayo sa aming pagtitipon ngayong araw. Ipinapahayag namin ang aming taos-pusong paggalang at pasasalamat sa inyong mga biyaya. Narito ang aming alay." Mahinahong sambit ni lola Sanlaon tsaka naglabas ng patalim. Hinawakan ng maiigi ng mga kasaman ni Ama ang Kalabaw.
Sa isang iglap ay wala nang buhay ang kalabaw. Sumunod na inalay ay ang dalawang baboy at limang manok.
Nanatili kaming tahimik nang ilang segundo.
"Umpisahan na ang tugtugan at sayawan!" Sigaw ni Ina.
Tumugtog sila ama ng nakakakapag pa indak na tugtugin. Lahat ay sumayaw, maliban sa akin.
'Asan ka, Tala?'
"Ako ba hinahanap mo?" Naramdaman ko ang pagyakap ni Tala mula sa likod kaya humarao ako dito. Di ako nakapag salita dahil bukod sa napaka ganda nito ngayon sa kanyang kasuotan ay ang sarap din sa pakiramdam ng yakap nito.
"S-Sayaw tayo?" Nautal pa ako. Narinig kong humagikgik si Tala.
Hinawakan ko ang dalawa n'yang kamay at sabay kami na sumayaw.
Ang mga tao dito ay natutuwa na makita kaming sumayaw. Maging ang mga magulang naming pareho ay natutuwa.
Humihiyaw pa.
Sana'y hindi na ito matapos.