Chapter 8_ Classmate

6 0 0
                                    

Baekhyun's POV

"First day of school na ngayon, pero ngayong araw palang kami magpapa enroll. Dahil siguro sa sobrang excitement kaya maaga akong nagising o di kaya tamang ang instinct ko na may magandang mangyayari sa'kin ngayong araw." - nasabi ko sa sarili ko habang minamasdan ko ang sarili ko sa salamin.

>>Fast Forward>>

Papasok pa lang kami ng mga kaibigan ko kay nagtilian na ang mga babae..hahaha (Campus Idol) .

Nandito kami ngayon sa harap ng bagong classroom namin. Andami pa ring mga babae sa sumusunod sa'min.

"Oh! ano pang ginagawa niyo jan, pumasok na kayo at mag sisimula na ako sa klase ko." - utos sa amin ng isang teacher. Malamang ito yong magiging adviser namin. At dahil mababait naman kaming studyante, pumasok na kami at agad na umupo sa likorang bahagi ng silid.

"Good morning class. Ako nga pala si Mrs. Tan, at ako ang magiging class adviser niyo." - panimula ni maam.

"Good morning ma'am." - bati naman namin sa kanya.

"Next month ay mag sisimula ng mag bukas ang mga school clubs natin kaya may mahaba pa kayong panahon upang maka pag isip kung anong club ang sasalihan niyo. Pero sa ngayon, nais ko munang magpakilala kayo sa mga ka-klase niyo.

" Ito na naman tong magpapakilala. Sawang-sawa na ako sa ganito." - bagot sa sabi ko  habang pa simpling gumagamit ng cellphone.

"At dahil may nag sasawa ng magpakilala sa likoran, sa kanya tayo mag sisimula." - utos ni ma'am Tan.

"Ano?!" - gulat na tanong nina Kris at Lay na kakagising lang mula sa pag kakaidlip.

"Bakit? Gusto niyo'ng sa inyo mag simula?" - tanong sa kanila ni ma'am.

"Ay hindi ma'am. Si Baekhyun na lang unahin niyo, total favorite part niya naman yan sa unang araw ng klase." - sagot naman ni Kris. Itong taong to ilalaglag pa talaga ako. At nag evil smile pa.

"Sige po ma'am. Ako na po ang mauuna." - pahayag ko kay ma'am.

"Annyeong haseyo! Ako nga po pala ni Baekhyun." - pagpapakilala ko sa harap ng klase.

Pagkatapos kong magpa kilala ay sunod namang nag pakilala ang mga kaibigan ko. Hanggang sa lahat ay tapos ng pakilala.

" Sandali nga lang! Sa bilang ko dalawamput siyam lang kayo pero dili sa final listing na binigay sa'kin ng registrar tatlongpo dapat kayo." - pagtataka ni ma'am Tan.

"Alam niyo ba na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mga late comers." - dagdag pa ni ma'am Tan.

"Ipa tanggal niyo na lang po sa registrar yang late comer na yan ma'am. Mukhang hindi pa yata ready na pumasok sya, eh unang araw pa lang ng pasukan late na."  - pahayag ko habang nag susulat ng lyrics sa bago kong notebook.

"Good morning ma'am Tan." - bati ng boses babae kay ma'am Tan.

"Oh! Unang araw pa lang ng pasukan eh late kana." - pahayag ni ma'am.

"Pasensya na po talaga ma'am kasi po..."

"Pa uwiin mo na lang yan ma'am." - putol ko sa paliwanag ng classmate kung late habang patuloy pa ring nag susulat.

"Hoy! Tumigil ka na jan." - puna sa'kin ni Kris.

"Ikaw ha nagpapasikat ka lang siguro sa mga girls dito kaya ang bait-bait mo. Gusto mong e sumbong kita kay ivy?" - pananakot ko kay Kris habang patuloy pa rin ako sa pagsusulat.

"Tsk!" - tanging sagot ni Kris sa'kin. Takot kasi to sa girlfriend niya eh.

"Tumigil na nga kayong dalawa jan." - awat sa amin ni maam.

"Dahil late ka miss ..."

"Meeka po ma'am." - dugtong ng babae kay ma'am.

"Okay. Dahil late ka miss Meeka, bibigyan kita ng consequence. Pwede kang pumili sa dalawa, its either sasayaw ka o kakanta ka para sa amin." - pahayag ni ma'am.

"Kakanta na lang po ma'am." - sagot naman ng babae.

"Oh cge. Mag simula kana." - utos ni ma'am.

"Nako ma'am, baka masira lang ang araw natin sa boses ng..."

## Annyeong naege dagawa
Sujubeun hyanggireul angyeo judeon neo

Huimihan kkumsogeseo
Nuni busidorok banjjagyeosseo

Seolleime nado moreuge
Hanbaldubal nege dagaga
Neoui gyeote nama

Neoui misoe nae maeumi noganaeryeo
Nuni majuchyeosseulttaen
Dugeungeoryeo

Oh neoui gaseume nae misoreul gieokhaejwo
Haruedo myeoccbeonssik
Saenggakhaejwo

Oh neoege hago sipeun geu mal
You're beautiful ## (Beautiful by Baekhyun)

"Whooah! Ang galing ah." - pagkamahang ni Chen sabay palakpak.

"Salamat. Favorite ko kasi ang kantang yan. Kahit hindi ko alam kung sino ang kumanta niyan." - sagot naman ng babae.

"Talaga? Hindi mo alam kung sino kumanta niyan?" - pagtatakang tanong ni D.O

"Ou eh." - sagot naman ng babae.

"May pa favorite-favorite ka pang nalalaman diyan, eh kasi nga ang singer ng kanta eh hindi mo kilala." - pagalit na sabi ko.

"Eh narinig ko lang naman yang kinakanta ng kaibigan ko eh. Tapos ayon, nagustohan ko na." - sagot sa'kin ng babae.
Pero sa totoo lang, aaminin kong ang ganda talaga ng boses niya.

" Sa totoo lang talaga, gusto ko talagang makilala ang kumanta ng kantang yon." - dagdag pa niya.

Sa pagrinig ko sa sinabi niya, parang gumaan ang pakiramdam ko. At parang namumula ang mukha ko.
" Ay teka sandali, bakit namumula ang mukha ko?" - tanong ko sa sarili ko ng mardaman kong nag iinit ang mukha ko.

"Oh Baekhyun, bakit namumula ka? Mag sakit ka ba?" - tanong ni ma'am sa'kin at lumingon lahat ng studyante sa'kin.

"Ah, wala po ma'am. Na iinitan lang po ako." - kunwaring sagot ko.

"Ah ganun ba. Cge miss Meeka , maaari ka ng maupo." - sabi ni ma'am.

"Eh, saan po ako pwede umupo ma'am?" - tanong ni Meeka.

"Ah, Meeka pa lang pangalan niya? Bakit hindi man lang sya nagpa kilala sa klase?" - natanong ko sa sarili ko.

"Ayon! Doon kana maupo sa tabi ni Baekhyun, total yun lang naman ang bakante." - pahayag ni ma'am sabay turo sa upoan na nasa tabi ko.

"Hindi pwede ma'am, dito na naka upo si Tao.." - naputol ang sasabihin ko sana ng makita kong wala na sa tabi ko si Tao. Lumipat na pala siya ng upoan noong nag tatanong palang itong si Meeka.

"O cge Meeka, maupo kana sa tabi ni Baekhyun." - pahayag naman ni ma'am.

At wala na akong magawa. Umupo na siya sa tabi ko. Ewan ko ba, parang naiinis ako kay Meeka dahil hindi niya man lang alam o inalam na ako ang kumanta ng paborito niyang kanta. Pero atleast sa dinami dami ng kanta sa mundo, kanta ko pa rin ang paborito niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

12 Lions fall inlove with the 12 LambsWhere stories live. Discover now