Chapter 3- Mysterious Pain

4 2 0
                                    

Ipinagtataka ko parin ang pagsakit ng puson ko last last week, wala naman akong nakitang signs ng pag dalaw pero hindi ko parin talaga alam kung anong dahilan ng pagsakit na yon, I don't know pero pinag ooverthink ko yung pagsakit na yon, it's a kind of sharp pain kasi pero matagal ko nang hindi naramdaman yung sakit na yon pero sana wag ko nang maramdaman ulit yon ang sakit kasi, ibang iba sya kumpara sa sakit ng puson ko pero ang nakakapag taka pa dito sa kanang bahagi lang ng puson ko ang sumakit.

Habang lunod na lunod ako sa pagooverthink biglang dumating ang bus papuntang LPU at agad kong hinawakan sa kamay si Cathy baka kasi maligaw pa to at agad kaming nakipagunahan sa mga taong papasakay sa parehong bus at agad din kaming nakaupo sa bandang unahan, tayuan nanaman kasi kala mo rush hour.

"Ate gusto mo talagang putulin ang kamay ko sa sobrang higpit ng hawak mo." Pagreklamo ni Cathy. "Gusto mo bang tumayo habang nasa byahe tayo? Tignan mo tayuan oh maswerte nga tayong nakahanap tayo ng upuan eh." Sambit ko, napairap nalang si Cathy sa sinabi ko.

"Ate parang kanina ka pa hindi okay ha? Tsaka namumutla ka nanaman may problema ka ba ate? Dati ko pa napapansin yan ha?" Tanong ni Cathy, iniisip ko lang yung sakit na naramdaman ko non.

"Ah wala yun iniisip ko lang kung makakapasa pa ko sa prelims tagal ko na kasing kinakabahan don eh hindi pa pinapasa samin yung test results, eh ikaw pa chill chill ka lang kasi madali pa sa senior high." Sagot ko.

"Hindi kaya no mahirap din don no." Sagot nya. "Nahiya naman kaming mga college students sa reklamo mo Cathy kung makapag reklamo ka ikaw pa tong nahihirapan sa pag aaral mo." Asik ko at inirapan lang ako ni Cathy, matapos ng halos kalahting oras ay agad kaming nakarating sa LPU, nagpaalam ako kay Cathy as we part our ways, agad akong dumeretso sa classrooms ko to attend my classes, after ng ilang oras na pakikinig, ang kaparehong sakit na naramdaman ko noon, ay naramdaman ko ulit ngayon.

Agad akong namilipit sa sakit sa aking kanang banda ng puson ko at idiniin ko ang kamay ko doon upang mapabawasan ang sakit na nadarama ko, para akong binaril sa puson ko sa sobrang sakit nito, hindi ako mapakali at pinipilit kong maging okay dahil ayokong ipahalata sa buong klase na namimilipit ako sa sakit dahil ayokong mapunta ang atensyon ng lahat sakin at ayaw kong guluhin ang klase, kinagat ko ang sarili kong daliri incase na mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, mas matindi ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa dati.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko at sinubukang indain ang sakit na nararamdaman, pero ang pagkagat ko sa daliri ko ay hindi sapat para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko ay malakas na sigaw ang kailangan kong gawin pero hindi ko maaaring gawin iyon dahil nasa loob ako ng klase ko ngayon.

Pilit kong itinaas ang kamay ko para magpaalam na magpunta ng restroom, nang mapayagan ako agad agad akong tumakbo papunta don at nang makarating ako ay pumasok ako sa loob ng cubicle at inilock ko yon saka ako naglabas ng malakas na sigaw, ang sigaw na yon ay nagpabawas ng konting sakit sa puson ko at napasandal nalang ako sa wall dahil nahihirapan ako sa sitwasyon ko, hindi ko alam kung anong ginawa ko para makaranas ako ng sakit na ganito.

Maya maya lang ay may kumatok sa cubicle kung nasan ako. "Uhm miss, narinig ko kasi yung sigaw mo, okay ka lang ba?" Tanong ng babae, hinihingal ako dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod ako, habang patagal nang patagal pakiramdam ko mas lalong lalala ang tindi ng sakit na to sa susunod na dadating ulit ito.

"I-I'm okay, nakakita lang ako ng ipis n-natakot lang siguro ako." Pagdadahilan ko habang nag hahabol ng hininga. "Sure ka bang okay ka lang miss? Iba kasi yung tono ng sigaw mo eh, pero wala naman akong nakikitang ipis dito dahil kanina pa ko nandito, kung may masakit sayo kung okay lang dadalhin kita sa clinic?" Tanong nya.

"N-no it's okay, hindi mo na ko kailangang dalhin sa clinic, baka inaabala pa kita, salamat nalang." Pagtanggi ko at umalis nalang ang babae, naghintay ako ng ilang minuto upang hintayin na mawala ang sakit sa kanang banda ng puson ko, nung huling naramdaman ko to halong 10 minutes lang nawala din ang sakit, pero pakiramdam ko mas tatagal ito kumapara sa dati.

Whispers Of Desires Where stories live. Discover now