Miss couple shirt

35 2 1
                                    

"Knock! Knock! Couple shirts for couples on sale! bili na po kayo, pleaaaassee?!" yun ang naaalala kong sinabi nya kung saan nagsimula ang lahat-lahat ng sa aming dalawa. Natatawa pa nga ko sa sinabi nya sa di malamang dahilan. Ang pinagtatakahan ko pa sakanya eh bakit dun sya nagtitinda? alam ko hindi allowed yun ah. Siguro may sinuhulan yun para makapag-tinda dun. Pero di ko din naman akalaing mahuhulog ako sa babaeng babaliw-baliw na yun. Di ko din malaman yung dahilan. Dahil siguro kakaiba sya. Puro ko siguro, siguro ko nga hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit nga nahulog ang loob ko sakanya. Ganto kasi yun....... 

**********FLASHBACK********** 

"Knock! Knock! Couple shirts for couples on sale! bili na po kayo, pleaaaassee?!" 

"Huwag ka nga mang-istorbo!"

"Knock! Knock! Couple shirts for couples on sale! bili na po kayo, pleaaaassee?!"

"Leshe!"

Ang aga-aga ng makarinig ako ng ilang beses na pagbagsak ng pinto. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro may problema lang sa service ng condo na 'to. Ang hindi ko lang maintndhan eh bakit halos sunod-sunod na parang kala mo ba eh nagkakgera o ano. Pero bahala nalang sila basta ko walang problema! itutulog ko nalang 'to, oppurtunity na 'to walang pasok tska finals sa monday kaya kailangan kong magpahinga para makapagreview ko, one day to go nalang kasi mamaya may gagawn pa ko. 

Makalipas ang dalawang oras nakakapagtakang nawala yung ingay nung bagsakan nung mga pintuan. Dahil sa wala na sigurong problema. Mabuti pa na bumaba na ko para mag-grocery sa ********* Supermarket. Ang pinakasikat na Supermarket dito sa lugar namin. (Pinagmalaki pa eh nu). Kailangan ko kasi bumili ng mga ingredients sa gagawin kong dishes na isesrve ko mamaya. February 13 ngayon, special day. bibisita kasi si Alice (girlfriend ko). kailangan maging isang magandang gabi ito para sakanya at syempre para sakin. (It's our Anniversary today)

Nang makalabas na ko ng unit ko. Habang ni-lolock ko ito, may humila sa damit ko na aakalain mong bata. 

"ANO BA?!" sabay harap ako.

"Couple shirts for couples on sale! bili na po kayo, pleaaaassee?!"

"WHAT?!"

"Couple shirts for couples po. Bili ka na, pleaase?"

"MAY SAYAD KA BA? PANO NAMAN AKO BIBILI NYAN?!"

"Sino po kayang may sayad satin sir? tinatanong pa po ba kung pano bibibili to? Ituturo ko po sa inyo kung pano, libreng turo lang po! Ganito po yan, ilalabas nyo po yung wallet nyo babayaran niyo kung magkano tapos ibibigay ko na po sa inyo, Ganun lang po iyon kadali sir" sabay ngiting nakakapanloko

"Ah ganun pala.ek--"

"EH TEKA! HINDI NAMAN AKO SHUNGA NO! PARA HINDI ALAM YUNG SIMPLENG BAGAY NA IYON! NILOLOKO MO BA KO?"

"Ikaw nga po ata yung nanloloko eh"

"ABA! SIRAULO KA AH!"

"Teka lang po! bat ba ang high blood nyo wala naman akong ginagawa!"

nakakapanggigil tong babae na ito! Ang sarap sapakin, kung kelan ang ganda na ng gising ko tska pa umeksena at sisirain! Kabwiset! -.-

"ANO BA BIBILI KA O HINDI?"

"BAKIT KA BA NAMIMILIT?"

"HINDI AKO NAMIMILIT! EH HINDI KA PA NGA NASAGOT KANINA PA!"

"BAKIT IKAW PA YUNG GALIT? TAMA BA YAN HA? TSKA BAWAL KA MAGTINDA DITO HA? BAKA GUSTO MONG IREPORT KITA"

"SAGUTIN MO NA KASI YUNG TANONG KO DIBA? NANG MAKAALIS NAKO DITO!"

Ang nakakahiya lang eh halos lahat ng tao na nakatira sa floor eh naglabasan at tinignan kung ano nga yung nangyayari dito sa labas.

"HOY! KUNG MAG-AAWAY KAYO, HUWAG DITO. MATUTO NAMAN KAYONG RUMESPETO"

"OO NGA!"

"MAY NATUTULOG OH!"

"DYAN PA KAYO NAGLALANDIAN"

"MAHIYA NAMAN KAYO!"

Ay nako! nakakahiya talaga! buti nalang nagbukas bigla yung elevator! kaya hinila ko na tong impokritang babaeng to papasok. 

"Hay salamat, Ikaw ha! Magtigil-tigil ka na! Dadalhin na kita sa main office ng building na 'to. Ipapahuli na kita!"

"ANO? H-hwag naman please oh! Kaya ko lang naman ginagawa ko yun kasi kailangan ko ng pangbayad para sa finals ko. Please?"

"Please Please ka pa dyan! Manahimik ka!"

"Sige nanaman oh"

"Manahimik ka sabi!"

"Ayaw ko nga sabi eh" sabay pagtadyak sakin at saktong bumukas yung pinto ng elevator at nagtatakbo palabas ng building "Babyeee! I shall return. Makulit ka eh, Peace tayo" habang ako naiwan dun na halos di maipinta ang mukh sa sakit ng nararamdaman sa ginawa nung babaeng yun. 

Isinusumpa ko na talaga yung babaeng yun, Sana lang talga di ko na siya makita ulit! Patay talaga sakin yun pagkanakita siya ulit ng dalawa kong mata. Mas mabuti pa siguro kung hindi ko na siya iisipin, di lang din makakabuti para sa akin.

Couple Shirts for couples (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon