Ang taas ng sikat ng araw ang sakit sa mata. Nagising nanaman ako ng ingay ng bagsakan ng pinto sa labas. Ang gulo-gulo ng unit ko, kaya minabuti ko nang tumayo at ayusin lahat ng to at sadya pa ring bumbalik lahat ng ala-ala na nangyari kagabi. Sadyang hindi ko malimutan. Ang saklap lang talaga.
Valentine's day pa naman din ngayon balak ko sana na manuod kami ng sine at pagkatapos ay pumunta ng enchanted kingdom. Kaso wala eh, syang lang yung tickets na naka-ready para sa outing namin. Kaya susubukan ko nalang na magreview wala din naman na kong gagawin ang kaso ayaw talaga ng utak ko na mag-aral dahil sa hangover ko kagabi. Kaya siguro itutuloy ko nalang to kahit mag-isa ko.
Paglabas ko nakaabang nanaman sa may tabi ng elevator yung babaeng nagtitinda dto kahapon. Di ko lang talaga siya maintindhan kung bakit pilit siyang nagtitinda dto, nagaaral naman sya kaya panigurado alam nya ang tama sa mali. Di ko nalang sya papansin at paniguradong madadagdagan lang yung sakit ng ulo ko dala nung kagabi. Kaya nagdirediretso nalang ako at di na sya inintndi pa.
"Huuy! Kuuya!" liningon ko naman sya "Ikaw yung kahapon diba? Bili ka na dali! Di mo pa sinasagot yung tanong ko eh"
sakto naman at bumukas yung elevator kaya pumasok na ko at hinayaan nalang yung babaeng yun .
Pagbukas ng elevator....
"Kuuya! Sige na bumili ka naman na oh! Please!"
"Ano bang trip mo ha? Umalis ka nga dyan wag kang humarang bago pa uli magsara yung pinto" Napaka-masunuring bata, sarap itapon sa balon
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka bumibili. Valentine's naman ngayon eh, may date naman siguro kayo ng girlfriend mo diba?"
Nang sabihin nya yun halos gumuho nanaman ang sarili ko ng bigla namang may pumasok na bright idea sa isip ko. Kaya hinila ko sya papsok ng elevator.
"O'sge bibili ako nyan pero sa isang kondisyon!"
"Ano? Wag nalang! Uuwi nalang ako!"
"Sige ka, sabi mo diba wala ka pang pangbayad para makapag-finals ka, wag ka mag-alala uubusin ko lahat yan basta gagawin mo yung usto ko."
"Sige na nga, Sguraduhin mo lang na matino yan kung hindi irereport kita sa pulis!"
"Simple lang naman yung papagawa ko sayo eh."
"Ano nga?"
"Sasamahan mo lang naman ako na manuod ng sine at pumunta ng Enchanted K."
"Ano? Sigurado ka?"
"Mukha ba kong nagloloko?"
Nakarating na kami sa Basement.
"Sakay na!" "Ano? Ayaw mo bang maubos yang paninda mo?"
"Eto na nga sasakay na!"
"Good!"
