Chapter Four

4 0 0
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung mga sinabi kanina ni jhon,gagawin ko kaya?pero paano sila mama at papa,parang kapag ginawa ko yun,parang naging makasarili naman ata ako,pero kapag ginawa ko naman hindi na ako masasaktan,at makakatulong pa ako kila mama sa mga gastusin sa bahay,ano bang dapat kong gawin,naguguluhan na ako.

Kinabukasan nun,pagpasok ko,lutang parin ang isip ko,kasi iniisip ko parin yung kagabi,hanggang sa umupo ako sa upuan ko.

"Hello joanna,good morning"

Ano bang dapat kong gawin,medyo masyado na akong maraming pinagpipilian kapag pinili ko yung isa,maraming magbabago,kapag naman yung isa ganun din,ano ba talaga.

"Huy joanna,ano lutang,ang aga aga ang sama ng mukha mo,ano bang iniisip mo?"

Hindi ko napansin,nandito na pala si faith,nagbuntong hininga muna ako at nginitian sya.

"Naku wala lang yun,family problem lang naman,pero mamaya ayus na ako nito,sorry ah hindi kita nakausap kanina"

"Ano ka ba ayus lang naman yun,naiintindihan naman kita kasi ganyan din kami dati,hehehe,pero wag na nating ibalik pa at wag narin nating dalhin yung mga problema natin sa bahay,ang importante,maging masaya ka lang,kahit anong mangyari"

Sana nga naging katulad mo nalang ako faith,na kayang kalimutan ang problema ng basta basta,hindi nga ako nagkamali na ikaw nga tunay na nagustuhan ni angelo,kaysa sa akin.

"Tama ka,sana nga naiintindihan mo ako"

"Bakit naman hindi"

"Wala lang"

Kahit kailan hindi mo ako maiintindihan lalo na kung isa ka sa naging dahilan,pero ang sama ko namang tao kung ang bait bait nya sa akin,tapos magagalit lang ako sa kanya dahil sa ganung dahilan.

"Uy joanna,mamaya sabay tayong umuwi ah,bibisitahin ko lang si angelo,hindi daw kasi sya papasok ngayon eh"

"Bakit daw"

"Hindi ko ngarin alam eh,akala ko alam mo,kasi nasa iisang bahay kayo"

"Pero kahit nasa isang bahay kami,hindi nya naman ako pinapansin"

"Ha?!bakit naman hindi,eh kapag nga kasama ko sya ikaw nga laging binabanggit nya eh,minsan nga nagseselos na ako sa inyo,kasi maraming alam si angelo tungkol sayo,at marami karing alam tungkol sa kanya,samantalang ako wala,meron naman,pero hindi lahat,hindi katulad mo"

"Marami akong alam sa kanya kasi nga kababata ko sya,tsaka wag kang magseselos sa aming dalawa kasi kahit anong selos mo,ikaw parin ang tunay na mahal ni angelo"

"I dont think so"

Napatingin ako sa kanya,imposible naman ata yang mga sinasabi nya

"Bakit hindi eh,kitang kita naman"

Nginitian nya nalang ako,pero kitang kita sa mga ngiti nya na malungkot sya,bakit kaya.

"Yes,super clinge namin kapag nasa harap ng maraming tao,pero kapag sa kaming dalawa nalang nag iiba nalang sya bigla,yung parang ang lalim lagi ng iniisip nya"

"Sa sobrang lalim,hindi mo na maabot?"

"Oo,sa mga ginagawa nya,parang gusto ko ba tuloy syang hiwalayan,pero hndi ko magawa kasi,alam kog mahal na mahal ko sya,at gagawin ko ang lahat ng paraan,para lang makalimutan nya na yung babaeng una nyang minahal"

"Babae?unang minahal?sino?"

"Hindi ko rin alam,at hindi ko rin kilala,pero sana makalimutan nya na yung babae,para mabigay ko na sa kanya yung pagmamahal na dapat na binigay ko na dati pa"

Love knows,love growsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon