Chapter five

6 1 0
                                    

(AFTER 6 MONTHS)

Lumipas na ang maraming buwan,at kahit na anong gawin ng tadhana ko,kahit kailan hindi ko na magugustuhan ang taong sumira ng pangako ko.

"Its good to be back!!!"

"Best hindi halata"

"Ikaw talaga marydith,kahit kailan panira ka ng moment"

"Uy teka nasaan nga pala yung boyfriend mo?"

"Ayun oh,nasa kotse na pinasok na nya yung mga gamit natin,tara na"

"Ok"

Pagpasok ko sa kotse,umupo agad ako at sumandal sa balikat ni john,oo tama ang narinig nyo si jhon ang boyfriend ko.

Sa wakas sa isang oras na biyahe nakarating na kami sa bahay na binili ko para kila mama at papa.

"Anak!!"

"Mama!!"

"Kamusta ka,ang puti puti mo na,at ang ganda ganda pa"

"Syempre naman ma,sa inyo po ako mana eh,diba po pa?"

"Oo namn,wala nang mas gaganda pa sa asawa't anak ko"

At nag group hug kami,nagpaalam natin sila marydith at jhon sa amin,kaya pumasok narin kami sa loob ng bahay.

"Oh anak,kumain ka na ba?gusto mo ipaghanda kita"

"Sige po ma,salamat po"

Pagtinitingnan ko yung bahay,parang masyadong malaki para sa aming tatlo,pero ayus na ito,para hindi narin mahirapan si mama sa maliit na bahay.

"Ah ma,nasaan na nga po pala si patricia?"

"Ah sila ba?bumalik na sila sa tunay nilang bahay sa ibang bansa,kasama na nila ngayon yung mga magulang nila,alam mo bang pagka alis mo umalis din sila,pero ang balita ko,hindi daw sumama si angelo sa kanila,pumunta daw sya sa ibang lugar,hindi nga nila alam kung bakit"

Bakit nga kaya,hindi kaya may tampo parin sya sa mga magulang nya kaya ayaw nya na makita sya nito,pero hindi ko naman yan problema,kaya bahala na sila dyan

"Uhm anak sasamahan kitang mag shopping mamaya"

"Ha?para saan po"

"Ang sabi kasi sa akin nung kaibigan mong si faith,may reunion daw kayo sa school nyo bukas"

"Ah,wag na lang po ikaw nalang po yung sasamahan ko sa pagme-make over,kasi hindi nalang po ako pupunta doon"

"Sigurado ka,eh baka pumunta dun si jhon pati si marydith,baka kapag hindi ka pumunta dun baka magtampo sila sayo"

"Pag iisipan ko nalang po muna"

"Sige ikaw ang bahala,oh ito na ang pagkain mo"

"Salamat ma"

Ano kaya pupunta ba ako dun,pwede naman kasi wala na naman akong feelings para kay angelo so,pero pag iisipan ko muna

Angelo's P.O.V.

Hanggang ngayon hindi ko parin sya makalimutan,kahit na anong gawin ko hndi sya mawala sa isipan ko,kasalanan ko naman toh eh,siguro kung hindi ako sumalungat sa pangako namin eh di sana,ako ang kasama nya ngayon at hindi si jhon na yun,kailangan kong ibalik sa dati ang lhat gagawin ko ang lhat ng paraan para lang bumalik sya sa akin.

Joanna's P.O.V.

Habang nasa kwarto ako hindi ko parin alam kung sasama ba ako o hndi.

Nagulat ako ng biglang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko

"Joanna,matulog ka na,maaga pa tayo gigising bukas"

"Yes ma"

At sa dahil sa hindi ako makulit na bata,sinunod ko na ang mama ko na matulog,sobrang nakakapagod ang araw na ito.

Kinabukasan,pagkagising ko,biglang tumunog ang cellphone ko,nung tiningnan ko,nakita ko ang pangalan ng isang tao na mahal na mahal ako at ako din.

Ajhon:
Goodmorning my loves,gising ka na ba,mag breakfast ka na ah.
Alam mo namang ayaw kong nagugutom ka,kasi magagalit yang mga anaconda mo sa tiyan haha joke lang,i love you

Sa mga simpleng text nya sa akin,nabubuo na ang araw ko,kahit kailan talaga hndi sya nabibigong pangitiin ako,thats why i love him a lot

From:jopau
To:ajhon
Good morning din my loves,ang aga aga nang aasar ka kaagad,pero thanks inaalala mo ako araw araw,and i love you too

Ang sweet noh,may langgam na nga eh,pero ganito talaga kami,kaya masanay na kayo.

Bumangon na ako para mag almusal sa baba,at saktong pagbaba ko,nakita ko sila patty kasama yung mommy at daddy nya,at himala kasama nila si angelo,anyare,akala ko ba may galit,eh bakit magka kasama.

"Goodmorning po"

"Goodmorning janjan"

Tinawag nya na naman ako sa pangalan kong yun,dati kapag binibigkas nya yung pangalan na yun,feeling ko buo na ang araw ko,pero ngayon parang wala nalang,ewan ko ba,siguro dahil wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.

"Goodmorning din gelo,uhm himala ata kasama mo mga magulang mo,kasi sabi nila hindi ka naman daw sumama kila tita nung bakasyon"

"Well,ang totoo kasi nyan,nag solo flight ako,gusto ko kasing mapag isa,para malibang naman yug sarili ko"

"You mean,mag isa ka lang hindi mo kasama si faith"

"Bakit ko naman isasama yun,eh may sariling bakasyon yun kasama yung pamilya nya"

"Sabagay,pero kamusta naman kayong dalawa"

Magsasalita palang sana si angelo ng biglang sumingit si patty

"Alam nyo po kung gusto nyong mag usap na dalawa,pwede dun po kayo sa may garden"

"Ok,sorry"

"Thanks,bye"

Pagdating namin sa may garden,umupo na agad kami sa may damuhan at doon tinuloy ang pag uusap.

"Ano nga uling tanong mo?"

"Ang sabi ko,kung kamusta na kayong dalawa ni faith"

"We're friends"

"What?!anong friends?!ang ibig sabihin ba nun,hiwalay na kayo?!"

"Oo bakit,parang gulat na gulat ka yata"

"Bakit hindi eh,sa tuwing makikita ko kayo,ang sweet sweet nyo pa,tapos biglang ganito,hiwalay agad"

Sasagot palang sana sya ng biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Sorry ah,sagutin ko lang,si jhon toh eh"

"Sige lang"

Lumayo ako ng konti,para hndi nya ako medyo marinig.

"Hello my loves,anong kailangan mo"

"Wala,na miss lang kita,uhm teka pupunta ako mamaya sa reunion,pupunta ka rin diba"

"Uhm-oo,medyo pag iisipan ko pa pwede"

"Sige lang,teka nasaan ka ngayon"

"Nandito lang ako sa bahay,dumating kasi yung tita ko kaya,kailangan nandito kaming lhat"

"Ah oh sige may gagawin din pala ako,maya nalang kita tawagan,bye my loves,i love you"

"Bye my loves,i love you too"

Nung pag harap ko sa pwesto kung saan nakaupo kanina si angelo,bigla nalang syang nawala,ewan ko ba kung bakit,eh sandali lang naman akong nawala,ang bilis nya namang ma-bored,maka pasok na nga.

Love knows,love growsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon