Chapter Three

180 11 3
                                    

***
Capítulo Tres


Nagising ako sa alarm ng cellphone ko dahil first day of class ngayon and ang first class naman ay mamaya pang 9:30 pero 6:30 pa lang since kailangan ko mag ayos and also mamili ng babaunin ko kasi magluluto ako dahil hindi kaya ng utak ko ang presyo ng pagkain sa UST. Sana kumagat na lang ako ng piso kesa ibili don.

Lumabas na ako ng kwarto at hindi pa nalabas si Tasha sa kwarto nya kaya dumiretso na lang ako sa lababo para maghilamos at mumog para maka labas.

"Kuya palengke po." sabi ko sa driver ng tricycle at tumango naman ito kaya sumakay na ako at sinimulan naman nya na ang pagdrive papuntang palengke. Nakarating naman kami sa palengke nang buo pa kaya nagbayad na ko ng 20 pesos.

Nagpunta agad ako sa gulayan para bumili ng broccoli dahil balak ko mag garlic buttered broccoli dahil alternative naman yung broccoli sa shrimp and masarap sya tapos healthy pa. "Ate magkano po isang supot ng broccoli?" tanong ko sa tindera. "70 kalahati, iho." sabi nito at nagulat naman ako dahil nung last na luto ko nito 35 lang kalahati ngayon 70 na? Grabe naman ang inflation simula nung umupo ang mga nasa itaas. Puro kasi confidential funds!

"Isa po tapos paki samahan na po ng bawang, sibuyas, at cubes po na shrimp flavor." binigay naman nito yung mga sinabi ko na naka 95 ako para lang dito. Wala pang butter grabe na. Kaya dumiretso na ko sa dairy products at bumili ng kalahating butter.

Nakauwi na ko at nakita ko pa si Tasha na nakaupo sa sahig at nakatungo dahil inaantok pa yata si gaga. "Hoy hindi ka ba papasok?" tanong at yugyog ko dito dahil baka malate sya. "Teka inaantok pa ako." sabi nito at tinuloy ang pagtungo. Umiling na lang ako at pumunta sa kusina para simulan ang pagluluto.

Patapos na ko magluto nang lumabas si Tasha sa banyo at nakapikit pa sya. Wala sa mood si bading at mabuti naman. Thank God. Nang matapos ako magluto ay pumasok ako ng lwarto at kinuha ko na yung tuwalya ko at ipinulupot sa bewang para maligo dahil hahayaan ko muna mag cool down yung niluto ko para hindi mapanis kapag nilagay ko na sa container. Lumabas ako at nakita kong nagme-make up si Tasha sa sala.

"Macho mo naman pwede po ba pahawak sa abs mo?" asar nito sa akin paglabas ko ng kwarto kaya inirapan ko naman sya dahil simula na naman sya sa pang aasar nya sa akin. May abs ako pero hindi naman sobrang laki tama lang since medyo mapayat ako. Skinny legend! Jk.

Habang naliligo ay may kumatok sa pintuan ng banyo. "Lance papasok na ko! Kumuha ako ng ulam mo hehe thanks!" aba! "Hoy anong kumuh-" narinig ko naman ang pagsarado ng pintuan sa labas kaya alam kong nakalabas na si Tasha. Abat!

Nakasakay ako ngayon sa Jeep habang iniisip ko pa rin yung kinuhang ulam ni Tasha. Hindi ako maramot sa bagay pero sa pagkain ay ibang usapan na. Hindi na nga ako nataba tapos kukuhanan pa ko. Grabe naman ang pag uugali.

Nasa harapan ako ng San Martin de Porres Building which is ang Medicine and Nursing building dito sa UST pero hindi ko malaman kung papasok na ba ko dahil kinakabahan ako kaya naglakad na lang ako sa main glass door ng building at ti-nap ang I.D ko sa reader sa gilid ng pinto at kusa na syang nag unlock. Kusa na rin na present ako sa lahat ng classes ko dito sa building na ito dahil auto generated na sya. Not gonna lie, I love innovation especially kapag hindi na maha-hassle ang mga educators since deserve nila lahat. Too bad hindi nalalaanan ng pansin ng Gobyerno.

Hindi pa ko nakakalayo sa pintuan pagpasok ko nang bigla naman akong nadali sa likod dahil sa mga nagmamadaling student from Business Ad at wala naman ako sa gitna pero nadali pa rin nila ako. Hindi na ako gumawa ng eksena pa dahil for sure bad records yon tapos first day pa nagtaka lang ako dahil bakit may Business Ad student dito. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng first class ko which is Theoretical Foundation of Nursing.

Am I Flawed By Design?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon