Masyado kong na-excite sa pagpayag ni Taz na ikwento ang storya niya.
Kaya eto kinukwento na niya sakin. And I agree to his story. He has the right to be bitter.
Want to know more? K, here.
"Ganito kasi yun-"
"Teka, pwede mo ba rin i-kwento yung pagkakakilala niyo? *laughs" Di ako chismosa ah, curious lang.
"Sure"
The STORY:
"hahahahaha" Taz laughed. Why? Cause this girl entered wrong cr, she entered men's cr. (sa school to)
"sorry" hiyang hiyang sabi nung babae.
'Yan ang unang pagkikita nila. Sobrang awkward daw. And I agree, hahaha.
And they met again sa birthday ng tropa ni Taz. Wag niyo kong tanungin kung anong name ng girl, dahil hindi ko pa alam, okay? Haha.
"Uy! Ikaw yung pumasok sa CR ng boys diba?" natatawang bati ni Taz nang ipakilala ni Neon sa kanya si Bella. (o, ayan alam niyo na name niya)
"Uh. Yea" nahihiyang sabi ni Bella.
"Wag kana mahiya. hahaha. By the way, Taz" nag-shake hands sila.
They exchanged numbers. Texted for 1 week, dated for 2 months then officialy, naging sila rin.
Hindi mawawala ang problema sa magkarelasyon. Mambababae/manlalalake, magsisinungaling, may pagseselosan, family problems and things like that. Pero iba sa kanila.
They just decided to end their 3-year relationship. Why? Sawa na raw sila sa isa't-isa. Well, si Bella lang naman ang sawa. Taz? He still loves her, so much. Pero ni-let go niya si Bella kasi nga ayaw niyang nahihirapan to. Then one day, just about 1month and 2 weeks after the break-up, he saw her ex-girlfriend dating her EX-boyfriend.
He tried to be calm. But he can't. Dahil yung lalaking yun ang lagi nilang pinag-aawayan nila nung sila pa. Sinugod niya yung dalawa, mala-Popoy ang dating ni Taz.
"Bakit kating-kati kang palitan ako!?" sigaw ni popoy kay basha, este ni taz kay bella.
"Don't try to act like popoy" naiinis na sabi ni Bella. *We don't know the side of her, so I can't say her expression.
"Well, don't try to act like Basha. Di mo ba alam yung 3-month rule? 3 years tayo! Yet, napalitan mo ko in just 1 and a half month? WOW" sarkastikong sabi ni Taz.
"Pare, break na kayo meaning EX ka na niya kaya wala kang pakialam kung mag boyfriend siya agad o hindi" That shut him up. EX na nga pala siya, bakit nga ba pinapakialaman niya si Bella? He is so pathetic.
And what's worst? Yung dalawa pa ang nag walk out. Mukha siyang tanga dun na pinagtitinginan ng mga tao.
"Hmmm. Baka kasi may mali sa'yo kaya ka iniwan" sabi ko nalang.
"Baka nga" malungkot niyang sabi.
"So, ilang months na ba kayong break niyang si Bella?" tanong ko.
"8 months. 8 months and 15 days to be exact"
"wow, pati araw tanda mo" mangha kong sabi.
"Yeah. Nakakainis rin dahil di ko malimutan"
"Then why don't you just find a woman who you can love? Sa kanya mo ibaling yang pagmamahal mo" suggest ko sa kanya.
"I can't. 'Di ko pa kaya ulit magmahal. Alam kong corny 'to pero hindi talaga. Why? Kasi feeling ko hindi rin magtatagal, though magtatagal, hiwalayan din ending" That's it! 'Yan yung hinihintay kong sabihin niya. Yung siya mismo magsasabi.
"Pano mo nasabing hiwalayan din ang ending?" tanong ko sa kanya.
"Tingnan mo naman yung nangyari samin ni Bella. 3 years yun! 3 years!!!"
"Chill. Don't shout okay?" inirapan ko siya.
"Sorry. So as I was saying. Natatakot rin ako para sa babaeng "mamahalin ko man" kasi baka masaktan ko lang siya. Gusto ko, bago ako magmahal ulit, maramdaman ko yung EXCITING na feeling. Not that "baka kasi ganito, ganyan" na feeling. Sana gets mo" aba, ginawa pa kong tanga.
"Gets ko! Okay, hahanapan kita ng babaeng magpaparamdam sa'yo niyan" nakangisi kong sabi.
"Wag muna ngayon. Maybe in two years" seryoso niyang sabi.
Pinalo ko nga, drama eh!
"OA mo!"
"HAHAHAHA. De, sige. Kung mapapramdam niya sakin, why not? Malaking tulong yun" sabi niya.
:)
-