Prologue

97 4 7
                                    

"Run, little girl. Run! Run for your life!" malademonyong saad ng isang babae na sinabayan pa 'to ng tawa ng kanyang mga kasamahan.

Sunod sunod na nagbagsakan ang luha sa aking mga mata habang halos maligo na ako sa sariling dugo. Wala rin akong tigil sa pagtakbo kahit na sobrang nahihirapan na ako para lang makaalis sa mala-impyernong lugar na 'to..

Pangarap ko lang naman ang makapagtapos ng pag-aaral sa magandang Unibersidad na 'to para makatulong sa mga magulang ko pero hindi ko inaasahan na 'to din pala ang magdadala sa akin sa hukay ng kamatayan.

"Gusto ko pang mabuhay," nanghihinang saad ko.

Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kaya kung itagal, puno na ako ng galos at sugat kaya ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko. They killed my best friend, kitang kita ko kung paano siya nawalan ng buhay sa harap ko at ngayon ay ako naman ang gusto nilang isunod. Sigurado akong mamamatay din ako sa oras na hindi ako makatakas.

"Run as fast as you can, baby girl." rinig kung saad ng isa sa mga babae na humahabol sa akin, alam kung malapit lang mga 'to kung nasaan ako.

Habang naghahanap ako ng pwede kung pagtaguan ay napansin ko ang isang kwarto na nakasarado, ang alam ko ay walang estudyante na namamalagi do'n. Wala na akong sinayang na oras at nagmamadaling pumasok sa loob. Umupo ako sa gilid ng kama habang yakap yakap ang aking sarili.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na mangyayari sa akin ang bagay na 'to. Wala akong natatandaan na ginawan ko ng kasalanan para lang maranasan 'to. Hindi ko alam kung paano o sino ang hihingan ko ng tulong dahil kahit anong sigaw ko ay walang nakakarinig sa akin sa kadahilanan na may bagyo ngayon kaya malakas ang ulan at sinabayan pa 'yon ng kulog at kidlat.

Labis ang takot na lumulukob sa buong sistema ko sa mga oras na 'to, hindi ko na alam kung sisikatan pa ba ako ng araw. Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang humingi ng himala para sa buhay ko.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga yabag sa labas kaya mabilis akong gumapang papunta sa ilalim ng kama. Pilit kung ginagawa ang lahat para lang hindi ako makagawa ng kahit anong ingay. Nasa isip ko na kailangan kung makaligtas.

"Where is she?" rinig niyang tanong ng isang lalaki.

"Find her! Sigurado akong nandito lang siya. Walang ng masyadong tao sa lugar na 'to at tulog na ang mga estudyante. We need to hurry!" saad naman ng isa pang tinig ng babae.

"What are we gonna do to her ba? We are wasting our time lang para sa girly na 'yon." singit pa ng isa.

"Can you shut up? Himbis na mag maganda ka diyan ay tumulong ka na lang. Wala tayo sa pageant para mag-inarte ka." suway naman ng isa pang boses ng babae.

"Dito pa talaga kayo magbabangayan? Mga tonta! Oh I see, mukhang alam ko na kung nasaan siya." saad ng babae habang nakatingin sa sahig, may nakita siyang bakas ng dugo dito.

Mas lalo kung isiniksik ang sarili ko sa ilalim ng kama ng marinig ko ang pabalang na pagbukas ng pinto ng kwarto kung nasaan ako.

"What are we doing here? It's so yucky!"

"Hello, little kitten.Come out now and show yourself. Wala ka ng ibang mapupuntahan pa. Huwag mo ng hintayin na hilain kita kung saan ka man nagtatago.

Halos manigas ako sa pwesto ko ng niya ng marinig 'yon. Sigurado akong alam na ng mga 'to kung nasaan ako.

"Ahhhhhh!" malakas na palahaw ko nang naramdaman kung may humila sa aking paa.

"There you are, pinahirapan at pinagod mo pa kaming babae ka!" galit na sigaw ng isa at saka malakas siyang sinampal.

Halos manginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kanila, hanggang sa itinayo ako ng dalawang babae at pagkatapos ay tinadyakan ako ng isang babae na nasa harapan ko dahilan para mapa subsob ako.

"P-parang awa niyo na, hayaan niyo na ako. G-gusto ko pang mabuhay. . .M-marami pa akong pangarap sa buhay. . ." pagmamakaawa ko.

"Really?"

"O-opo. H-hindi ako magsusumbong o kaya aalis na lang ako sa University na 'to. Basta. . . basta hayaan niyo lang akong mabuhay." saad ko.

Narinig ko ang mahinang tawanan nila. Hanggang sa lumapit ang babae sa akin at marahas na hinatak ang buhok ko.

"Arayyy! A-aray po. . ."

"Sa tingin mo maniniwala kami sayo?"

Pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakasabunot niya sa akin pero hindi ko magawa hanggang sa tinulungan siya ng mga kasamahan niya para ipasok ako sa banyo at pagkatapos ay naunang lumabas ang dalawa habang ang dalawa naman ay nasa harap ko.

"A-anong gagawin niyo?" natatakot na sambit ko.

Nakita ko naman na nagtingin silang dalawa at pagkatapos ay sabay na ngumisi at sabay na inuntog ako sa pader ng ilang beses. Puro palahaw ko lang ang maririnig sa buong sulok ng lugar at nang bitawan nila ako ay halos gumapang na ako. Nakaramdam na din ako ng pagkahilo habang masaganang umaagos ang dugo na nanggaling sa aking ulo.

Panginoon, tulungan niyo ako.

Gusto ko pang mabuhay.

Gusto ko pang makita at makasama ang mga mahal ko sa buhay.

"I think that's enough. Sigurado naman na hindi na 'yan magsusumbong. Hayaan mo na," rinig kung saad ng boses lalaki at kahit na hilong hilo na ako ay malinaw ko pa rin silang naaaninag.

"I guess you are right." segunda naman ng boses babae.

"Are you nuts? I will not let her be alive. Alam mo kung ano at sino ang mga tao na nandito sa loob ng University. You don't want to be in jail right, honey?" pigil ng isa pang babae.

Nakita kung naglakad 'to papunta sa salamin at pinukpok 'to gamit ang isang matigas na bagay dahilan para mabasag. Kumuha siya ng isang pirasong basag at saka bumalik sa akin. Lumuhod siya para mapantayan ako at walang pasabi na tinusok ang mata ko at paulit ulit na pinadaan ang matulis na salamin sa mukha ko. Halos mawalan na ako ng boses dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi pa siya na kuntento ay pinagsasaksak niya ako at dahil hindi ko na nakaya ang lahat ng ginawa niya sa akin ay napahiga na lang ako sa sahig. Hindi ko na narinig ang pag-uusap nila dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

Du Mort University : THE WHISPERED PAST (COMPLETED) To be publish in IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon