Knox POV
Nandito kami ngayon sa council office dahil wala naman na kaming pasok kaya dito na lang kami tumambay. Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Kyro at alam ko naman na kung ano ang dahilan.
"She's here again, Kyro. Anong plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
I heard him sighed. I know how hard it is for him to see her.
"Honestly, I don't know. Nabanggit na naman 'to sa akin ng mga magulang niya pero hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin dahil akala ko magbabago pa ang isip nito, pero ngayon na nakita ko siya mismo harap harapan ay hindi ko na alam ang gagawin."
"Kyro. . ." tawag ko sa kanya ng makita ko kung paano lumungkot ang kanyang mukha.
"Inilayo ko na siya e, ilang taon akong nagtiis. Konti na lang at makakapagtapos na ako at makakalabas dito pero hindi ko inakala na dito siya mag eenrol. Pakiramdam ko hindi naging sapat ang nagawa ko kasi alam kung darating ang araw na babalik na naman siya na madilim at masalimuot na pangyayari."
Tumayo ako at lumapit sa kanya para tapikin ang kanyang balikat. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Okay? Walang may gusto sa bagay na 'yon. Marahil ay may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ito. Don't let your guilt and regrets ruin you. You did your best, Kyro."
"It's. . . it's so hard. G-gusto ko siyang kumustahin, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. I don't want to hurt her."
Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti. "Magiging maayos din ang lahat." mahinang saad ko.
"Sana."
Bumalik ako sa pagkakaupo at hinayaan na lang muna siya na makapag isip. Naaawa ako sa kaibigan ko dahil alam kung hindi madali ang pinagdaanan niya. Alam kung sobrang bigat ng nararamdaman niya ngayon. Sa ilang taon na lumipas ay alam kung pareho lang kaming nasa dilim ng nakaraan, pareho naming sinisisi ang sarili namin sa bagay na hindi namin kasalanan.
Hindi ko makakalimutan ang nangyari noong gabing 'yon. Na kahit ilang taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa alaala ko. Ang sakit kasi hanggang ngayon ay hindi man lang namin nakukuha ang hustisya na matagal na naming gustong maabot.
Alam kung nasasaktan siya dahil kahit na nasa harap niya na ngayon ang babaeng mahal niya ay hindi man lang niya ito mahawakan at malapitan ng maayos. Alam kung kinakain na siya ng pangungulila niya pero pilit niyang pinapatatag ang sarili.
Malinaw na nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong panahon na mawala ang taong mahal ko sa akin. Hindi madali, sobrang nakakalunod ang makitang naliligo sa sariling dugo ang importanteng babae sa buhay mo. Hindi namin iniwan ang isa't isa. Pareho kaming nagluksa noon at pinangako namin sa sarili namin na makakamit namin ang hustisya bago makalabas sa lugar na ito.
Kilala na namin kung sino ang salarin sa nangyari noon. Kung hindi man kikilos ngayon si Kyro pwes ako oo. Gagawin ko na paunti unti ang plano ko. Hindi matatapos ang taon na ito na hindi ko makamtan ang hustisya sa pagkamatay ni Pauline.
*****
Kyro POV
Hindi na ako nagulat ng makita ko si Arabella kanina dahil sinabihan na ako ng mga magulang niya sa naging desisyon nito. Gustong gusto ko siyang yakapin kanina pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin 'yon dahil baka magtaka lang siya pati ang mga estudyante.
Pero unang araw niya pa lang ay nasali na siya sa gulo na kinabibilangan ng grupo nila Sol. I need to keep an eye on her. Sigurado akong pag iinitan siya ng mga 'yon.
Kung nagawa man ng University na ito na ilibing sa hukay ang mga nangyari noon para lang mailigtas ang reputasyon nila pwes ako hindi. Sisiguraduhin ko na makukuha namin ang hustisya sa nangyari sa kanila ni Pauline bago ako makapagtapos sa impyernong ito.
BINABASA MO ANG
Du Mort University : THE WHISPERED PAST (COMPLETED) To be publish in IMMAC
Mistero / ThrillerA prestigious institution known for its academic excellence and state-of-the-art facilities, Du Mort University maintains its reputation as one of the best universities in the country despite not being in the city. But unknown to most is that myster...