KABANTA 1: HIMALA

54 5 6
                                    

ALEEZA'S POV

Humihikab ako habang naglalakad papasok ng eskwelahan. Napuyat kasi ako sa kakapanood ng paborito kong serye. Kinailangan ko ng tapusin yun sapagkat kahapon ang last day ng sembreak namin.

"Bakit ngayon ka lang? Tara, bilis. May himala akong nakita," bungad ng kaibigan kong si Caroline ng magkasalubong kami sa hallway.

"Anong himala pinagsasasabi mo diyan?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Basta, bilisan mo na diyan," wika niya saka ako hinatak papunta kung saan.

Pinabayaan ko na siyang hatakin ako dahil inaantok pa talaga ako. Huminto lamang kami ng makarating kami sa nag-uumpukang tao. Teka, ano bang meron dito?

"Excuse me, padaanin niyo kami," malakas na wika ni Caroline kaya naman napatingin ang ibang estudyante sa amin. At sa isang iglap lang ay nagkaroon ng malaking espasyo upang makaraan kami.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" bulong ko kay Caroline habang naglalakad kami papunta sa bulletin board. Medyo naiilang na din kasi ako sa mga tingin sa akin ng ibang estudyante.

"Ito ang himalang sinasabi ko sa iyo," sagot niya pagkatapos namin huminto sa tapat ng bulletin board.

"Ha?" naguguluhang tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya sa akin.

"Tingnan mo ito," wika niya saka itinuro ang nakapaskil sa bulletin board.

"Overall fourth year ranking..." basa ko rito saka napatingin kay Caroline.

Tinanguan niya naman ako kaya binalik ko muli ang tingin saka binasa ang ranking mula sa baba hanggang sa taas. Syempre sa baba ko unang tiningnan dahil hindi naman ako nag-aasam ng mataas, basta makagraduate lang ako sa highschool tapos makapasok sa dream college school ko ay okay na ako. Nagtataka naman ako dahil nasa top 10 na ako ay wala pa rin ang pangalan ko.

"Top 8, Caroline Sanchez... Oemgee, nakapasok ka na sa top 10, Cally," masayang wika ko saka niyakap siya. Aba himala talaga itong maituturing sapagkat matagal na niyang pinapangarap na makapasok sa Top 10.

"Aray, Aleeza, ang higpit naman ng yakap mo," reklamo niya kaya naman binitawan ko na siya.

"Congrats, Cally!!!" masayang bati ko sa kaniya.

"Thank you..." nakangiting wika niya, "pero hindi yan yung sinasabi kong himala. Sige tingnan mo pa," dagdag niya kaya

"Eh?" tanging nasabi ko saka binalik ang tingin sa bulletin board.

"Hmm... rank 3... Farrah Gutierrez! Aba! may nakadethrone na pala sa mayabang na babaitang iyon," komento ko saka tiningnan si Cally.

"True at hindi mo ine-expect kung sino ang nakatalo sa kaniya," wika ni Cally kaya naman na-curious pa ako lalo.

"Rank 2..." napalunok ako dahil sa pangalang nabasa ko. "Aleeza Gail Samonte," pag-uulit ko dahil baka naduling lang ako.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Cally, "pangalan ko ba yung nasa rank 2?" tanong ko sa kaniya. Nakangiting tumango naman sa akin si Cally.

"Ah!!!! Oemgeeeee!" masayang sigaw ko saka nagtatatalon. Sinabayan naman ako ni Cally na tumalon. I am so happy kahit hindi ko expected ito.

"It's too early to be happy, Aleeza." Napahinto kami sa pagtalon ni Cally ng marinig namin ang matinis na boses na iyon.

"Alee, may naaamoy ka ba?" tanong sa akin ni Cally pero kay Farrah siya nakatingin.

"Ha? Wala naman, eh..." sagot ko kaya naman tiningnan niya ako.

CDS#7: So It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon