63

228 7 0
                                    


[This will be Haréin's POV]

"Bebe! Nasa labas na ako ng bahay nyo!"

Agad kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Raine sa kabilang linya.

"Hinaan mo naman ang boses mo, baka sumakit ang tenga ko." Ani ko rito.

Narinig ko ang tawa nya. "Hala sorry! Bilisan nyo na at baka malate pa tayo!"

"Oo, pababa na kami." Pinatay ko ang tawag at nilapitan si Hanna na nakaupo sa sofa habang bitbit ang teddy bear na bigay sakanya ni Isaac kagabi.

Ngumiti ako sa kanya at masuyong hinawi ang sobrang buhok nya na tumatabing sa mukha nya.

"Let's go? Your Kuya is waiting for us."

Tumango sya at tumayo na. Hinawakan ko ang kamay nito at kinuha ang maliit na bag nya na nakapatong sa lamesa bago lumabas ng bahay.

Buti nalang ay pwede syang isama kundi ay baka hindi rin ako makapanood dahil walang magbabantay sa kanya dito.

Nakita namin si Raine na nag-aabang sa kotse nya at nasa passenger seat nito si Yereisha.

Kumaway ito sa amin na halos magning ning ang mata, "Omo! Hi bebe girl!"

Binuhat ko si Hanna at isinakay sa kotse, nakatitig sya ka'y Raine at hindi nagsasalita. Hanna is still young, she's just 5 years old who don't talk to much around people. Ni hindi sya makausap nila Raine minsan. Tahimik lang sya lagi at pinagmamasdan nya ang mga ito.

But she's talking to Isaac, tuwing nasa bahay si Isaac para bumisita ay lagi sya ritong nagpapabuhat, hindi naman sya tinatanggihan at mukang gustong-gusto rin naman ni Isaac na buhatin sya.

He's spoiling her too.

Seems like Hanna likes him.

"Daanan mo si Hyacinth, nag-chat sya sa akin. Wala raw maghahatid sa kanya." Sabi ni Yereisha ka'y Raine at bahagyang kumaway ka'y Hanna. "Hi loves."

"Okay! Let's go!"

Pinaandar ni Raine ang kotse at nag drive paalis. Hindi ko alam kung kailan pa sya natutong mag drive e hindi naman sya marunong before.

Did she took a driving leason?

Ilang minuto ang byahe namin papunta sa subdivision nila Hyacinth hanggang sa makita na namin ito na nag-aabang sa labas ng subdivision nila. Hyacinth was wearing a mini dress. The first time I saw her when Yereisha introduced her to us. Malalaman mo kaagad na maalaga ito sa sarili nya at laking mayaman talaga. And it's true that she is the campus princess of their university.

Nakakamangha lang.

"You took 10 mins before you got here." Umirap ito sa ere na iki-nailing ko.

Tho she has that kind of attitude. But anyways, she kind and nice too. Ganyan lang ata sila sa isa't isa.

"Sorry naman ah? Edi sana naglakad ka na lang papunta roon," sabi ni Raine at umirap din sa kanya.

Epistolary: More Than Words Can Say. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon