67

234 7 0
                                    

Haréin's POV

"Uwi na kami, Cap."

Hawak-hawak ang teddy at maliit na bag ni Hanna ay sumunod ako sa kanila palabas. Uuwi na rin kami dahil siguradong pagod na ang mga ito.

"Ingat." Tumango si Isaac kina Top na nagpaalam na umuwi.

Kumaway si Yereisha sa akin kaya gano'n din ako sa kanila

"Kami rin, Cap. Pagod na si Raine, magpapalambing pa ako." Sabi ni Yohan habang akbay nito si Raine. Pinalo sya ng babae sa tiyan na tinawanan nya lang.

Napailing ako.

"Drive safely moron." Tinawanan lang ni Yohan ang lalaki tsaka inaakay paalis si Raine.

Kumaway ako ka'y Raine at bumaling sa dalawa. Si Damian, Primo at pati na 'yung dalawang girl ay nauna nang nagpaalam na umuwi.

Samantalang si Hanna ay buhat ni Isaac na kasalukuyang natutulog.

Humarap sa akin si Isaac at tsaka ako pinagmasdan.

"Uwi na tayo?"

Tumango ako at bahagyang inayos ang suot na jacket ni Hanna.

"Hm. Kailangan mo na rin ng pahinga." Hindi ito nagsalita at para bang binabasa ang mga galaw ko. "Oo nga pala, hindi mo sinabi na kukuhanan ka ng interview pagkatapos ng game nyo." Pagbubukas ko sa topic na iyon.

Kita ko ang pag-nguso nya.

"I want to clear the rumors."

"Bakit? I mean hindi naman totoo diba? Bakit kailangan pa?" Kinunotan ko sya ng noo.

"I don't want you to overthink, I don't want to disrespect your feelings. I know you heard about those rumors. Almost all of the students at UST knows it and now they we're shipping us. I don't want that." Masuyo nyang hinalikan ang noo ko.

"I don't want you to get hurt because of that."

Napatitig ako rito. Hindi ako nakapagsalita, hinawakan nito ang isang kamay ko at bahagya iyong pinisil.

"You're my girlfriend. I want them to know that."

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang pagkabasa ng gilid ng mga mata ko. He's making me cry.

"Hey..."

Umiwas ako ng tingin.

Hinawakan nito ang pisnge ko at marahang pinaharap sa kanya.

"Why are you crying?" Gulat nyang ani.

Inirapan ko sya at pinunasan ang luha ko. "Wala."

"Bakit nga?"

"Wala nga. Tara na nga uwi na tayo para makapagpahinga na rin si Hanna." Nauna akong maglakad sa dalawa.

Nang makalayo-layo ako ay napahinga ako ng malalim. Bakit kasi nya ako pinapaiyak? Kainis.

Epistolary: More Than Words Can Say. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon