Maagang nagising si Shantell dahil maaga pa siyang papasok sa eskwelahan. Mabilis na bumangon siya sa kaniyang kama at kaagad na pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya ng kaniyang school uniform at kinuha ang kaniyang bag bago lumabas sa kaniyang kwarto.
Dumiritso siya sa kusina at nadatnan niya ang kaniyang ina na busy sa pagluluto ng kanilang agahan.
"Good morning mama." Nakangiting bati niya sa kaniyang ina. Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.
"Good morning my baby." Nakangiting sagot din sa kaniyang ng kaniyang ina bago siya nito hinalikan sa pisngi. Napakunot ang kaniyang nuo ng hindi niya nakita ang kaniyang ama.
"Where's my papa?" Kaagad na tanong niya sa kaniyang ina.
"Maaga siyang umalis." Sagot naman ng kaniyang ina.
Umupo na siya at nagsimulang kumain at ganun din ang ginawa ng kaniyang ina. Tuwing umaga ang mama lang niya ang palagi niyang kasama dahil palaging umaalis ang kaniyang ama upang magtrabaho sa hospital.
Isang doctor ang kaniyang ama kung kaya ay palagi itong wala sa kanilang mansion. Proud siya sa kaniyang ama kung kaya ay pinapangako niya sa kaniyang sarili na kapag malaki na siya ay magiging isang doctor din siya tulad ng kaniyang ama.
Ang kaniyang ina naman ay isang businesswoman. Meron siyang nakakabatang kapatid at Shenna naman ang kaniyang pangalan. Nasisigurado siyang ito ang magmamana ng business ng kaniyang ina.
"Mama." Narinig niyang malakas na sigaw ng bunso niyang kapatid.
Kaagad itong nilapitan ng kaniyang ina at kinarga para pakainin.
"Sumakay ka na lang sa school bus niyo dahil walang maghahatid sa'yo ngayon." Sabi sa kaniya ng kaniyang ina.
"Wala po ba tayong driver?" Nagtatakang tanong niya.
"Absent si manong Dencio dahil nagkasakit ang anak niya." Sagot naman ng kaniyang ina.
"Okay po mama." Sagot na lang niya at tinapos na ang pagkain. Kaagad na nagpaalaam siya sa kaniyang ina bago siya lumabas at hinintay sa labas ang kanilang school bus.
Habang naghihintay siya ng kanilang school bus ay marinig siyang isang malakas na pagsabog na galing mismo sa loob ng kanilang mansion.
Mabilis na bumalik siya sa loob ng kanilang mansion. Kaagad niyang hinanap ang kaniyang ina.
"Mama." Kinakabahang tawag niya sa kaniyang ina. Maraming nagkalat na basag na vase sa sahig kung kaya ay dahandahan lang siyang naglakad.
Malakas na napasigaw siya ng bigla na lang may humila sa kaniyang kamay. Kaagad na tinakpan nito ang kaniyang bibig para hindi siya makasigaw ng malakas.
"Wag kang sumigaw anak." Bulong nito sa kaniya.
Umiiyak na niyakap niya ang kaniyang ama.
"Ano pong nangyayari papa? Na saan po si mama at Shenna?" Sunodsunod na tanong niya sa kaniyang ama.
Pumasok sila sa kaniyang kwarto at nakita nadatnan nila ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ina na nakaupo sa kama.
"Makinig ka sa akin anak." Sabi sa kaniya ng kaniyang ama habang hawak ang kaniyang dalawang kamay. "Gusto kong sundin mo lahat ng sasabihin ko. I want you to be brave my Princess dahil ikaw lang ang maaasahan ng mama at papa mo." Seryosong sabi sa kaniya ng kaniyang ama.
"Bakit po ganiyan kayo magsalita papa? Para po kayong namamaalam." Naiiyak na tanong niya sa kaniyang ama.
"Basta palagi niyong tandaan na mahal namin kayo mga anak." Naiiyak naman sabi sa kanila ng kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
LUZ DE VIDA SERIES #2 HER DARKEST PAST
RomanceShantell Santana Gray is certified green minded doctor that you've ever meet but don't be fooled by her craziness because she can kill a person in a blink of an eye... She is survivor... She chose to live for her family... She needs justice for th...