CHAPTER #4

3 1 0
                                    

DAHIL sa wala na siyang bahay na mauuwian ay sa headquarters muna siya titira pansamantala. Si mama T na ang bahala sa kaniyang bahay ang gagawin lang niya ngayon ay sundin ang bagong mission na binigay nito sa kaniya.

Hindi niya tinawagan si Alli dahil busy din ito sa bago nitong mission. Ganun din ang ibang mga kaibigan niya kung kaya mag- isa niyang tataposin ang kaniyang mission.

Kasalukuyang nasa labas siya ng isang malaking mansion na pagmamay-ari ni Mr. Lee. Si Mr. Lee ay isang sikat at mayamang businessman. Mga nakaw na mamahaling sasakyan ang binibinta nito.

Nagbebenta din ito ng mga nakaw na alahas at pinapatay nito ang mayayaman na personal pumupunta sa mansion nito para bumili ng alahas. Ang mission niya ay patayin ito.

"Very easy." Sabi niya sa kaniyang isip.

Para magawa niya iyon ay magpapangap siya na isang costumer nito na balak bumili ng mamahaling alahas. Syempre mamahalin din ang kaniyang sinuot para mapaniwala niya itong mayaman siya.

Pinindot niya ang doorbell at biglang bumukas ang gate at may lumabas na lalaking naka black suit.

"Who are you?" Tanong sa kaniya ng lalaki.

"I'm Queenzie Salazar and I'm here to meet your boss. I want to buy a luxurious jewelry." Kaagad na sagot niya.  Syempre hindi niya sinabi ang totoong pangalan niya.

Kaagad na ngumiti ang lalaki.

"Come in." Sabi nito bago binuksan ang gate para sa kaniya.

Kaagad siyang pumasok sa loob ng mansion. Halos mga mamahaling gamit ang sumalubong sa kaniya from table, vase, chandelier lahat ay worth million pesos.

"Where's your boss? I want to meet him personally." Sabi niya sa isang kasambahay.

"This way ma'am." Kaagad na sabi nito at nauna ng naglakad at kaagad na sumunod siya.

Hinatid siya ng kasambahay harapan ng kwarto na kulay black ang kulay. Kumatok muna siya at dahandahang binuksan ang pinto.

Literal na napanganga siya sa mga alahas na nakalatag lang sa mesa. Napatingin siya kay Mr. Lee na nakangiting nakatingin sa kaniya.

"What kind of jewelry you want to buy?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.

"I want the most expensive ring that you have here." Sagot naman niya.

"The most expensive one." Sabi nito at mabilis na tumayo at may kinuha ang isang maliit na box at Ibinigay iyon sa kaniya.

Kaagad na tinanggap niya ang maliit na at binuksan iyon. Tumambad sa kaniya ang singsing na may malaking diamond sa gitna. First time niyang makahawak ng singsing na subrang mahal.

"How much?" Kaagad na tanong niya.

Sinabi nito sa kaniya ang presyo. Hindi na siya magtataka na subrang mahal ng singsing.

"I'll get this ring." Nakangiting sagot niya na ikinasaya nito.

Kinuha niya muna ang baril niya sa kaniyang bag bago sumunod kay Mr. Lee para magbayad. Nauna itong pumasok sa opisina nito kung kaya kaagad na sumunod siya.

Pumasok siya sa at kaagad na nilock ang pinto. Nakita niyang humugot ng baril kung kaya ay kaagad na binaril niya ito sa kamay at malakas itong napasigaw.

Alam niyang sounds proof ang opisina nito dahil dito nito pinapatay ang mga mayayamang costumers nito. Hindi ito makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"Who are you?" Galit na tanong nito sa kaniya.

"I'm your worst nightmare." Nakangiting sagot niya at muli niya itong binaril sa tuhod.

Muling sumigaw ito ng malakas.

LUZ DE VIDA SERIES #2 HER DARKEST PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon