DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME.
© glossysaa
————————
Marumi ang sistema dito sa amin, at ang layunin ng organisasyon namin ay linisin 'to. Mangd*spatya.
Simula nang mamatay ang mga magulang ko ito na ang paraan ko para mabuhay dahil si Kuya ay nasa probinsya at nag aaral, kailangan kong mabuhay dito sa syudad.
Sumakay ako sa motor ni Dylan at pinaandar niya ito. Kasunod lang namin ang ilang kagrupo namin at ang iba naman ay nas aibang ruta. Ang plano kasi ay sasalubungin namin ang van na gamit ng titirahin namin ngayon. Natiktikan na namin 'to kaya alam na naman kung saan sila dumadaan.
Sabi sa amin ni Boss Roman, ito na raw ang pinakadelikado naming gagawin. Hindi basta basta ang tao'ng makakabangga namin. Para sa akin magandang experience 'to. Ako ang pinakabata sa grupo pero sinama ako sa ganitong operasyon.
Magaling lang talaga kasi ako umasinta nang ilegal.
Mahigpit akong nakapahawak sa balikat ni Dylan nabg makarinig kami ng maraming putok ng baril.
"Backup! Backup! nabaligtad tayo! Set up 'to!"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang nagsalita sa earpiece ko.
"P*tangina!" pagmumura ko at mabilis na bumalikwas si Dylan ngunit nahinto ito nang makita naming nakahinto ang mga kasamahan namin sa tapat ng isang van. "P*tangina" pagmumura ko ulit nang makitang nakatutok sa amin ang mga baril nang mga lalaking pormal ang kasuotan.
"Astrid. Kung may mangyari man sa akin—"
"Tahimik" mariing utos ko at pasimpleng binunot ang baril ko sa likod. "Sh*t" mariing sambit ko nang nag-umpisa na silang magbarilan.
Bumaba ako sa motor at kinasa ang baril, sinimulan ko na ring makipalitan ng putok, ganoon rin si Dylan. Tuloy tuloy lang ang bawat sagutan ng mga baril namin, parang hindi sila nauubos pero ang mga kasamahan ko ay paubos na.
Sa muling pagpitik ko sa gatilyo ay bahagya akong natigilan nang mapagtantong ubos na ang bala ko. Umupo ako sa isang tago’ng lugar at mabilis na kinuha sa bulsa ang bala na baon ko.
Matalino nga itong kinabangga namin, hindi namin lubos akalain na malalaman nila ang plano namin. Hindi kaya—
May traydor sa grupo namin?.
“P*tangina” bulong ko sa sarili dahil sa ideyang iyon. Nang maisaksak ko na ang bala sa baril ko ay nanlaki ang mata ko nang hindi na ako makarinig ng putok ng baril. Sinong naubos? Grupo ko ba o grupo nila?.
“Hahaha! Paano ba ‘to? Mag isa ka na lang” rinig ko mula sa di kalayuan.
“Kung nasaan ka man, huwag kang lalabas diyan. Umalis ka na!” mahigpit akong napahawak sa baril ko nang marinig ko si Dylan. Ako ba ang tinutukoy niya?. “Iligtas mo ang sarili mo para sa akin. Mahal kita, Astrid.”
Wala ako sa sariling napatakip ng bibig at namalayan ko na lang na tumulo na ang luha ko.
Dylan, hindi ka pwedeng sumuko. Hindi ka pwedeng mamatay’
“Hmp!” Nanlaki ang mata ko nnag makarinig ako ng putok ng baril. Mariin akong napapikit nang marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril kasabay nun ang tawanan ng mga lalaki. Napayukom ang kamao ko habang naririnig ang mga ito.
Gusto kong lumabas sa lungga ko pero naririnig ko sa isip ko ang mga huling sinabi ni Dylan sa akin.
“Halughugin ang buong paligid, baka nandiyan sa tabi tabi yung kasama nila.” sunod kong narinig kaya naman ay naalerto ako. “Boss, kami na ang bahala dito, hindi niyo na po kailangang bumaba.”
“Ubos na ba sila?” rinig kong tinig ng isang lalaki.
Tumayo ako at hinanda ang baril ko.
“Mukhang may natira pang isa na nagtatago, babae ‘ata. Haha mukhang may panghimagas tayo ah—”
“Umalis na kayo” rinig kong sagot ng lalaki na mukhang tinatawag nilang ‘Boss’.
“Boss? Ah haha sige Boss kayo na pong bahala.”
Mariin akong napapikit at mahigpit na napahawak sa baril ko. Kung ito na ang katapusan ko, tatanggapin ko. Pwede ko na ulit makasama ang magulang ko at si Dylan, ang kaibigan ko.
Nang marinig ko ang harurot ng mga sasakyan paalis ay tumahimik ang buong lugar. Dahan dahan akong sumilip at mabilis kong naitama ang paningin ko sa nakahandusay na si Dylan. Hindi mapigilan ang pagpatak ng luha ko, nanginginig ako sa galit. Ibinaling ko ang tingin sa paligid at wala ng tao, wala na rin ang mga sasakyan kaya mabilis akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Dylan.
“Dylan?” niyugyog ko ang pisngi niya “Dylan, w-wala na sila. Dylan, ‘wag naman ganito oh. Dylan.” niyakap ko siya habang tahimik na humihikbi. Halo halo ang nararamdaman ko; lungkot, hinagpis at galit. Si Dylan na lang ang mayroon ako ngayon, bakit kailangan pa niyang mawala? Bakit kailangang may mamatay?.
Natigilan ako nang makarinig ako ng mga yapak. Dahil hawak ko pa rin ang baril ko ay hinigpitan ko ito. Tumalim ang paningin ko at mabilis na lumingon sabay tutok ng baril. Nakatutok na ang baril sa akin ng isang lalaki’ng nakahoodie. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim at dahil na rin sa mga luha’ng nasa mata ko ngayon.
Mabilis akong tumayo habang hindi inaalis ang tutok ko ng baril sa kanya.
“Boss!” mabilis kong ibinaling ang tingin kung saan nanggaling ang isang tinig. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nasa tapat ko at naabutang bahagya niyang tinaas ang isang palad niya. Napalunok ako nang maramdamang may nagsilabasan pang mga lalaki. Diretso lang ang tingin ko sa lalaking nasa tapat ko.
“Ang sabi ko, ako nang bahala dito. Baka gusto niyong kayo na lang ang pat*yin ko?”. Sagot ng lalaki at tinutok ang baril sa mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
“Aalis na po.” sagot nila at nagsi-alisan sila. Nang kaming dalawa na lang ang natira ay ibinalik niya ang tingin sa akin.
Ibinaba niya ang kanyang baril at lumapit sa akin kaya napaatras ako ng isang hakbang, hinawakan niya ang baril ko at nang iputok ko ito ay napalunok ako dahil hindi pala nakakasa. “‘Saka na tayo magpat*yan, pag patas na.” Ibinaba niya ang baril ko.
“Pinatay niyo ang kaibigan ko—”
“Magkikita ulit tayo, Sa ngayon, kailangan mong mabuhay. Leave.”
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “Bakit mo ‘to ginagawa?”
“Gusto kong magkita ulit tayo sa hindi ganitong sitwasyon. Umalis ka na. Astrid.” sagot nito at bahagya akong nabigla dahil alam niya ang pangalan ko.
“Kilala mo ako?”
“Narinig ko lang, sa bibig niya.” tumingin siya kay Dylan at muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. “Umalis ka na, para sa kanya.”
Napalunok ako at tumingin ako kay Dylan, hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Akala ko sabay kaming uuwi’ng buhay. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki.
“Pag nagkita ulit tayo, pap*tayin kita.” banta ko at tumango siya. Mabilis akong nanakbo paalis.
———
DATE THAT BILLION HEIR
BINABASA MO ANG
Date that Billion Heir
RomanceDate that Billion Heir Start date: May 12, 2024 End date: -