19

2.7K 70 7
                                    

TAMING MR. COLD-HEARTED CEO


ELIAS VILLANUEVA


Namumula parin ako hanggang ngayon tuwing naalala ko yung nangyari d'on sa office ni sir. Shuta! Ang nangyari ay lagi niya akong pinapapunta d'on tuwing lunch time niya para dalhan siya ng pagkain. Pero ang nangyari ay ibang bagay ang nangyayari!


Nahuhuli pa nga kami minsan eh, tapos yung time na nagalit pa siya nun. Kasi nag resign yung secretary niya, infernes maganda rin yung secretary niya. Buti understanding siya, at valid naman reason niya kung bakit niya kailangan mag resign. Maybe yung emergency na yon is mahalaga talaga para sakaniya diba?


Kainis lang kasi, nahuli pa talaga kami nun ha! As in caught in the act siya 'teh.


Pero dahil masarap, ay tuloy parin. Pero syempre need ng punishment kaya ito, hindi ko siya ngayon dadalhan ng lunch niya for a week, hehe kakayanin naman niya 'yon, pinapadala ko nalang sa driver yung mga niluluto ko.


Nasa sala ako ngayon, yung kambal naman ay nasa library d'on sa second floor. Hinayaan ko nalang muna sila, since alam ko naman na gusto nila ng peace and quiet. Diba ganon kapag nagbabasa need focus sila sa binabasa nila. Kaya nirerespeto ko 'yon at hinahayaan ko sila.


Habang nagwawalis ako ay may narinig akong bosina ng sasakyan na papasok sa loob ng bahay.


Nagtataka naman akong tumingin sa orasan.


3:36 pm


Ang aga naman ni sir umuwi ngayon? Ano kayang meron?


Dali dali ko nang niligpit ang dumi na nakolekta ko sa pagwawalis at nilagay ko ito sa daspan at saka ko itong tinapon sa basurahan. Nilagay ko naman ang walis ay daspan sa storage room. At noong bumalik na ako galing sa storage room ay nakita ko si senyora elena at don juan na nakatingin sa'kin.


Magarbo ang damit na kanilanh suot, naka long black sleeves si don juan. Nagmu-mukha nga siyang sugar daddy eh. Kahit kasi may wrinkles na at may mga puti na ang buhok nito ay naka body build parin siya. Kaya, pupwede pang landiin. Charot lang, may senyora ba po siya guys.


"Elias, ijo. It's so nice to meet you again." Ang nakangiting saad ni senyora sa'kin. Napangiti Naman ako, lumapit naman siya sakin at yumakap.


Medyo na-shock ako sa part na 'yon, pero niyakap ko naman siya pabalik. Hindi naman nag tagal ang pagkayakap namin sa isa't isa.


Nakangiti parin siyang nakatingin sa'kin, ito believe rin ako dito kay senyora eh. Ang ganda parin, hindi kumukupas ang ganda, nakita ko mga old photos nila noong magka-sintahan palang sila ni don juan hanggang sa nag kasal.


Hindi ko alam love story nila eh, walang kinukwento si sam sa'kin. Kaya nakakairita.


"Ah, maupo po kayo. At gagawan ko po kayo ng tsaa" singhal ko sakanila.


Pinatigil naman ako ni senyora at umiling sa'kin. "It's fine ijo, me and my husband will not take long.." usal niya.


Tumango naman ako pero pinaupo ko parin sila sa sofa. Nasa side couch ako habang sila naman dalawa ay nasa mismong sofa.


TAMING MR. COLD-HEARTED CEO Where stories live. Discover now