"Good morning Ma'am. Ano pong hanap nila?" tanong ko sa kakapasok lang na customer.
"Bestida sana. May pupuntahan kasi ako mamayang gabi." nakangiting bati nya.
"Eto ma'am. Maputi ka kaya bagay sayo tong pulang bestida. Elegante din ang disenyo nyan parang ikaw." sabi ko.
"Ikaw naman. Sige, bilhin ko na yan." sabi nya kaya dali-dali kong ipinake at niresibuhan ang damit.
"Thank you po. Ingat po kayo." paalam ko sa customer.
Lumipas ang maghapon na walang bumili kaya nagsara ako ng munti kong tindahan.
Hindi pa nakakalayo ang jeep nang buksan ng driver ang radyo.
"Isang bangkay na naman ang natagpuang hubo't hubad sa isang liblib na lugar--" naputol ang balita at napaltan ng kanta.
"Ano ba namang nangyayari sa mundo?" tanong ng driver sa sarili.
"Para po." sabi ko at bumaba na pagkatapos iabot ang bayad
Agad akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto. Sumalampak ako ng higa pagkatapos magpalit ng damit hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
Kinabukasan, maaga akong gumayak para mabuksan ng maaga ang tindahan.
Nag-aalmusal ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Jean, sorry muntik na akong ma-late. Traffic kasi. haha." Nakangiting bati sa akin ng kasintahan kong si Jed.
Inihagis nya sa akin ang isang supot kaya binuksan ko ito.
"Grabe kala ko talaga mawawala na yan." sabi nya habang nagtitimpla ng kape.
Hawak ko ang isang pulang bestida na kakabili lang sa akin ng isang customer kahapon.
Binitawan ko iyon sa lamesa at itinuloy ang pag-aalmusal ko.
"Inilibing mo?" kaswal kong tanong.
"Oo. Mahirap na baka mahuli na ako. haha" sagot nya at umupo sa harap ko.
"Kailan ka ba titigil? Andami ng nadamay sa laro mo." tanong ko.
"Sinimulan mo ang larong to. Nakipaglaro lang ako sa'yo." kalmadong sagot nya.
"Sinong siraulo ang magsusuot ng damit na yan? Pagkatapos mong sabihin na isinuot yan ng dati mong gf na pinatay mo?" naiinis kong tanong.
"Sinabi ko din naman sa'yo na dun nya lang mapapatunayan na ako lang ang mahal nya pagkatapos nya akong lokohin." sagot nya bago humigop ng kape.
"Pag sinunog ko ba to, titigil ka?" naiiyak kong tanong.
"Kung gusto mong sunugin din kita. Desisyon mo yan" simpleng sagot nya.
"Saka sabi ko naman sa'yo, titigil lang ako kapag ikaw na mismo ang nagsuot nyan. Mahal mo ako di ba?" nakangiting sabi nya sa akin.
"Ewan ko sa'yo." sagot ko at inilagay sa lababo ang pinagkainan.
"Ako na bahala dyan. Wag mong kalimutan yung bestida" sabi nya.
Kinuha ko iyon bago umalis. Dumating ako sa tindahan at nag-ayos ng paninda. Di nagtagal ay may pumasok ulit na customer.
"Good morning ma'am. Ano po ang hanap nyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/353942411-288-k964229.jpg)