II: First Nightmare

8 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa kakaibang pakiramdam na nadama ko sa aking katawan. May kung anong mabigat na bagay na sa aki'y nakadagan. Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mainit na hininga na dumampi sa aking leeg. Ako'y kaagad na nagpumiglas nang malaman kung anong nangyayare.

"Huwag kang pumalag!" Agad niyang bulyaw sa aking mukha! Idiniin niya ang kaniyang katawan upang ako'y hindi makatakas. Sabik niyang hinalikan ang aking leeg kasabay ng malilikot niyang mga palad na gumala sa aking katawan.

Nahagip ng aking mata ang matipunong binata na nakatayo lamang sa kalayuan. Parang mapipigtas ang ugat sa aking leeg sa pagsigaw upang humingi ng tulong sa kaniya, pero ang malalamig na titig lamang ang kaniyang ipinukol bago lumabas ng silid.

Ako'y napahikbi dahil tinalikuran niya lamang ako at nawala nang tuluyan ang aking lakas ng dumampi na ang kaniyang dila sa aking balat. Duming-dumi ang naging tingin ko sa aking sarili.

Tinakpan niya ang aking bibig upang patigilin ang aking pag-iyak. Ng akmang ililihis niya ang aking damit ay walang pag-aalinlangan kong kinagat ang kaniyang kamay dahilan para siya'y mapabitaw at ininda ang sakit sa pagdurugo nito.

Agad kong binalak na kumawala at umalis pero mabilis niya pa ring nahatak ang aking buhok. Bumagsak ang aking katawan pabalik sa pagkakahiga at binigyan niya ako nang malakas na suntok sa sikmura.

Kinapos ang aking hininga. Namilipit ako sa sakit at walang boses na kumawala sa akin. Ito'y nagpawala nang tuluyan sa aking lakas kaya't ganid niyang kinuha ang pagkakataon upang ako'y pagsamantalahan.

Nanginginig ang aking buong katawan nang simulan niyang tanggalin ang aking damit, pero bago pa man niya ito maisakatuparan uli ay bumukas ang pinto ng silid.

"Ipagpaumanhin niyo, ngunit ako'y may dalang balita na kailangang maihatid sa aking Kamahalan." Alintana ng matipunong binata na bumalik sa kwarto.

"Lapastangan! Alam mong ako'y abala!" Bulyaw ng kaniyang Kamahalan. Siya'y nagpupuyos sa galit. Humarap siya sa kaniya at nagtatagis ang bagang sa pagkayamot.

"Ipagpaumanhin niyo ang aking kapangahasan, ngunit ito'y mahalaga..." Paliwanag ng binata pero isang malakas na sampal ang natamo niya. Siya'y kaniyang binulyawan at binigyan pa uli ng malakas na sampal. "Iyong ibuka ang iyong bibig! Ang hatol na kaparusahan sa iyo'y base sa walang kabuluhan mong ipahahayag!"

Bagama't nasaktan ay nagpatuloy siya. "Isang liham mula sa angkan ng Archvald ang ipinadala sa bayan ng Glaiden. Iminumungkahi kong kayo'y maghanda sa paglalakbay, ayon na rin sa mungkahe ng Mahal na Reyna."

Sindak ang bumakas sa mukha ng Kamahalan. Nanginginig ang buong katawan niya at halos matisod ito sa pagmamadaling lumabas ng silid.

Nang ako'y matauhan sa nakita ay dali-dali kong tinakpan ang aking katawan sa puting kumot dahilan sa suot kong nagkagunit-gunit. Ako'y napatitig sa ginoong hindi pa tuluyang umaalis na nahuli kong nakatitig.

"Magpadadala ako ng bagong kasuotan." Sa wakas ay kaniyang sinabi matapos ng mahabang pagkakatitig bago isinara ang pinto. Ako'y napahinga ng payapa at malaki ang pagpapasalamat sa kaniya, bagama't alam kong hindi iyun intensiyon.

Dala na siguro ng pagod sa pag-iyak at takot dahil sa nangyare ay hindi ko napansin na ako'y nakatulog na. Nakaramdam na lamang ako ng kakaibang pakiramdam sa aking mga binti dahilan para ako'y maalimpungatan at ang pakiramdam na iyun ay sobrang pamilyar; sobrang pamilyar para ako'y mataranta at matakot.

May kung anong humahaplos uli sa aking magkabilaang paa. Nanggilalas ako sa aking nadama at agarang iminulat ng maigi ang namamagang mga mata. Ako'y napahikbi nang ang mukha ng Kamahalan ang siyang una kong naaninag.

Siya'y nakangisi nang malapad. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pananabik na animo'y isang natatakam na leon habang nakatitig sa kaniyang pagkain. Ramdam ko ang labis na panginginig nang makitang inilabas niya ang dila at dahan dahang binasa nito ang kaniyang ibabang labi.

Ako'y nagpumiglas nang simulan niya muli akong hawakan sa hindi kaaya-ayang paraan. Suntok at sipa ang nagawa ng aking nanghihinang katawan pero ito'y walang nagawa. Ang aking saplot ay tuluyang pinunit na nakapagpasigaw sa akin.

Pero, sa isang saglit ay napamulat ang aking mga mata. Akala ko ay nagbalik na ang Kamahalan at itinuloy nito ang maitim nitong balak. Ako'y napahinga ng maluwag dahil ito'y isang masamang panaginip lamang.

Ang maliit na kandila na nakatirik sa isang lampara ang nagbigay ng malamlam na liwanag sa buong kwarto. Ang tanging naaaninag lamang ng aking mata ay ang malaking orasan na nakasabit sa pader at ang tunog ng mga kamay nito ang siya lamang ingay na bumabasag sa katahimikan ng gabi.

Ang buong akala ko noo'y nakawala na ako sa masamang panaginip dahil bigla na lang nanigas ang buo kong katawan. Hindi ko magawang makagalaw, maliban na lamang sa aking mga mata na inililibot ang paningin sa paligid.

Sinubukan kong ibuka ang bibig at magsambit ng salita, pero ako'y walang boses! Ni mga daliri sa aking paa at kamay ay nanigas! Wala akong magawa! Tanging takot ang bumalot sa aking sistema dahil ito ang kauna-unahang beses na maranasan ko ang pangyayaring ito!

Habang ako'y nagpupumilit igalaw ang aking katawan, isang malamig at madulas na bagay ang bigla kong naramdaman sa aking mga binti papataas sa aking mga hita. Ito'y mga kamay ma tila ba'y nababahiran ng malapot na likido na sobrang nagpatindig sa aking mga balahibo!

Nagsimula akong mapahikbi at idinako ang paningin sa aking mga paa, at isang kakatuwang imahe ang aking nasaksihan, na ngayo'y nasa paanan ng aking higaan.

Ito'y nagtataglay ng itim at mahabang buhok na nagtatakip sa mukha nito, pero aninag ko ang mga kamay nito na mistulang binalatan dahil sa namumula nitong mga laman! Mahahaba ang mga daliri na mistulang kalansay ng isang bangkay!

Ako'y humiyaw sa takot ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Pinilit kong magpumiglas ngunit para akong nagyelo sa aking higaan!

Nang malapit ko nang makita ng lubos ang kakatwang imahe sa aking paanan, narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng aking silid. Sinubukan kong sumigaw upang humingi ng tulong, ngunit katulad noong una, walang boses na kumawala mula sa akin.

Isang nakasusulasok na amoy ang nanuot sa aking ilong at sa muling pagtitig ko sa aking mga hita, ang nakakatakot na mukha ng nilalang na iyun ang bumungad sa akin! 

Ito'y mistulang naaagnas dahil sa mga natutuklap nitong balat sa mukha, ang mga mata nito'y purong puti at may maliit lamang na itim na tuldok sa gitna nito at ang mga labi nito ay nakangisi na halos abot hanggang tainga at ang mga nangingitim at matutulis na ipin ay may kung anong mga himay at tirang mga laman na tila ba katatapos pa lamang nitong kumain!

Ako'y sumigaw, at sa pagkakataong iyun ay napabalikwas ako sa aking hinihigaan at mabilis na nagtungo sa pinto. Ang gulat at nag-aalalang mukha ng dalagang alipin ang siyang unang sumilay sa akin nang ito'y aking mabuksan.

月Raxxen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐃𝐚𝐫𝐤𝐢𝐮𝐬: 𝐓𝐡𝐞 𝐄𝐯𝐢𝐥 𝐄𝐦𝐢𝐧𝐞𝐧𝐜𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon