Yakap

1 0 0
                                    

Luhang patuloy sa pag patak,
Labi'y kailan kaya muling
hahalakhak.

Isip ay kay gulo,
kailan kaya muling makakabuo
ng kwentong nakakaingganyo?

Buhay ay tila humihirap
sa paglipas ng bawat numero,
Ang dating masaya napalitan na ng pagluluksa.

Nais kong magkwento,
ngunit may makakaintindi kaya nito?

Ang nais ko lang naman ay mapakinggan ,
kahit hindi na ako maintindihan.
Ang nais ko lang naman ay samahan,
Ang nais ko lang naman ay may masandalan.

Sa mga oras na di mapigilan ang
pagluha,
Isang mainit na yakap lang naman
ang gustong mapuna.

Walang salitang pakakapagpagaan
sa magulong isipan at nararamdaman,
Isang mahigpit at mainit na yakap lang.

—————

#MentalHealthAwareness
#AnxietyAndDepression

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Million Word Of My PenWhere stories live. Discover now