Huling Sandali

5 0 0
                                    


sa huling sandali
ako'y mag iiwan ng mensahe ,
hindi para sa iba kundi para sa sarili.

Malaya kana , Malaya kana sa mga
sakit na nadarama at lilisanin ang
mundo na walang ipinadamang saya.

Subalit kahit na gaano pa kasakit
Ang naranasan ko sa mga taong
Pinahalagahan ko hinding hindi ako
nagtanim ng galit sa inyo.

Tatandaan nyong minsan sinubukan kong
lumapit sa inyo, pero binalewala nyo lamang ako.
Tatandaan nyo na minsan hiningi ko ang
Atensyon nyo, pero binalewala nyo lamang ako.

Sa pagkakataon ito, wag kayong magagalit
O magtatampo kung ako naman ang babalewala
sa nararamdaman nyo. Paalam para sa
huling sandali.

Million Word Of My PenWhere stories live. Discover now