Seth's Point of View
*5 years old*
Hindi ako makakalabas hangga't hindi ako matutulog sa tanghali. Ang sabi lang ng mama ko nakakatangkad ang pagtulog sa tanghali, hindi ko maintindihan pero naniwala ako roon.
"Matulog ka na Seth, anong oras na." Tugon ni mama sa akin habang pinapalo ang pwet ko para makatulog ako sa kaniyang tabi.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa dilim nalang ang aking nakikita.
Sa dulo ng aking mata, mayroong isang maliit na ilaw na parang binutasan ang dilim sa aking paningin.
Naglakad ako patungo sa maliit na ilaw na 'yon. Habang papalapit nang papalapit, lumalaki nang lumalaki ang butas. Mas lalong lumiliwanag ang aking paningin.
Pagkalapit ay dahan dahan kong hinawakan ang butas, para syang dagat na nakadikit sa padir.
Pinasok ko ang butas, pagkapasok ay bigla akong nakaramdam ng pagkalunod.
Hindi ako makahinga, pinipilit kong abutin ang itaas ngunit patuloy lang ako sa aking paglubog...
Hanggang sa...
May isang kamay na biglang bumungad sa aking harapan. Inabot n'ya ang aking kamay at tinulungan na makawala sa pagkalunod.
Bigla akong nakaramdam ng ginhawa. Napapa-ubo pa ako habang humahawak sa aking dibdib.
Tinignan ko siya habang siya ay nakaupo sa harapan ko.
"Salamat." Sabi ko sa kaniya at hinawakan niya ang aking pisngi.
"Ang cute mo naman, what's your name? Bakit ka nandito?" Tanong niya habang pinipisil ang aking pisngi.
Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita.
"Hello? Ang creepy ng titig mo ha, bakit di ka nagsasalita." Sabi niya habang pinipisil parin ang aking pisngi. Hindi parin ako umiimik.
"Ang cute mo talaga." Sabi niya nang nakangiti. Binitawan na niya ako at tumayo at tatalikod na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kaniyang kamay.
Tinignan nya ako.
"Ate, anong lugar po 'to?" Tanong ko sa kaniya. Umupo ulit siya para pumantay sa aking kinakatayuan.
"Isang lugar na tayo lang ang nakakaalam." Nakangiti siya habang ako naman ay nagtataka.
"Eh hindi ko nga po alam kung saan 'to." Tumawa siya habang napapatakip sa bibig. Tumayo sya at inabot sakin ang kaniyang kamay.
"Halika, samahan mo 'ko." Sabi niya. Nagdalawang isip pa ako pero hinawakan ko agad ang kaniyang kamay at nagpatuloy na sa paglalakad.
Puro hamog lang ang nasa paligid namin at wala akong makita ni isang tao.
Bigla kaming tumigil sa isang malaking bahay. Tinignan niya muna ako bago kami pumasok.
Habang naglalakad, "Kaninong bahay po 'to?" tanong ko.
"Dito ako nakatira." Nakangiti siya ngunit malungkot ang kaniyang mga mata. Nagpatuloy na kaming pumasok sa loob.
Nasa loob kami ng isang mansyon at sobrang magara ang mga gamit sa loob. Pinaupo niya muna ako sa isang sofa habang sabi ng, "Anong gusto mo? You want snacks? You can tell me if may gusto ka." sabi niya habang nakangiti sa akin. Umiling lang ako habang nakatitig lang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Night With You [FranSeth]
Romance"A girl that I've been seeing lately in my shadow, beneath her dazzling eyes scattered with remorse."