39

747 29 0
                                    

39: Everything

Bigla kong naalala kung ano ang tinutukoy niya. Oo tinanong ko 'yon pero lasing ako non. Isa pa hindi rin naman niya ako sinagot. Pinahiga lang muna niya ako sa higaan niya at siya naman umupo sa gilid ko.

I smelled the t-shirt that she let me borrow.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Okay na kami diba?

"Your temperature is 37.5," sabi niya habang nakatuon ang pansin sa temperature scanner. Inilapat naman niya ang likod ng palad niya sa noo ko.

"I'll get you food okay," sabi niya at isa-isa niyang hinalikan ang daliri ko. "Saan mo ba nakuha 'to? Hindi mo rin ba sasabihin sa akin kung saan galing ang mga 'yan." Seryoso siyang nakatingin sa mga pasa ko sa magkabilang braso ko. Tapos nakita pa niya ang sugat ko sa tuhod kanina nong nagpalit ako ng shorts.

"Ah, ano natumba kasi ako nong isang araw," sagot ko.

"Tapos?"

Hindi ko alam kung bakit kinabahan na naman ako bigla. Kanina ang saya-saya ko tapos ngayon kinakabahan ako.

"'Yon lang," sagot ko.

"Fine." She said in a serious tone.

"Eh Saydie!" sigaw ko na parang bata at yumakap sa braso niya.

"Bakit ayaw mong sabihin?"

"Hindi na kasi kailangan," sagot ko.

"I'm sorry for not being present these days." She said as she caressed my arms. Alam kong galit siya dahil hindi ko sinasabi. Ayoko kasing mag-aalala siya sa akin dahil lang kay Ezekiel at ayoko ring isipin niya na dahil sa regalo ko sa kanya nagkasugat sugat ako sa kamay eh ako naman itong tanga.

"I'll just get you food."

Umalis siya at naghintay lang ako sa loob. Hindi naman siya nagtagal at nakabalik rin agad.

"Paano mga kasama mo don?" tanong ko.

"They're fine, malalaki na sila."

"Mga pinsan mo rin ba 'yon?"

"Childhood friends."

Tumango lang ako bilang sagot. Ewan ba, masaya naman ako na nagkakausap na kami ulit pero naiilang ako. Siguro dahil ilang araw rin kami hindi nag-usap. Matagal din.

"Kaya ko naman Saydie," sabi ko nang sinusubuan niya ako. Marami ngang nakalagay sa isang tray. Wala rin naman akong ganang kumain. Nilalagyan nalang niya ng sabaw ang kanin ko.

Bakit ba ako nagkasakit?

Nang matapos akong kumain ay hindi siya umalis sa tabi ko. Pinaunan nga niya ako sa braso niya at hinayaan niyang yakapin ko siya.

"Baka mahawa ka sakin," sabi ko.

"Don't worry about me, worry about yourself. I hope that you'll share everything with me someday."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kinukulit niya kasi ako kung saan ko nakuha mga sugat ko. Baka raw kaya ako nagkasakit. Ewan ba malakas naman ako kanina, ngayong nasa tabi ko siya gusto ko ng magpaalaga.

"Nabuksan mo na ba gift ko?" tanong ko at sumandal ako sa dibdib niya habang nakayakap pa rin. Ang lambot.

"Yeah. Ah. Thanks for the cake."

"Gift ko muna buksan mo ah," sabi ko at narinig ko siyang tumawa.

"Oo naman."

Sana hindi na kami mag-away. Hindi ko na ulit gagawin 'yon. Palagi siya ang una kong tatanungin at kakausapin kung may problema ako.

I know it's too early but I need her to know that..."I love you Saydie." I love her.

"Izzy..." May halong inis sa tono ng boses niya nang banggitin niya ang pangalan ko. "I love you."

"Ay bakit parang napilitan ka?"

"I'm not, it's just that...I'm shy."

Tumawa ako ng mahina at humigpit ang yakap sa kanya. Kapag siya mahawaan ng sakit ko, ewan na lang.

"Pagaling ka agad ah?" Rinig kong sabi niya at tumango naman ako bilang sagot.

"Wag ka ng magalit ng matagal ah," sabi ko. "Ang hirap kasi."

Hirap niyang suyuin pero kapag ako, oh ito magkayakap na kami agad.

"I'm sorry babe. Nagalit lang ako."

Hindi ko na gagawin 'yon. Hindi na rin ako basta makikinig sa iba at magpapadala sa mga iniisip ko.

 I'll let her know everything first. Sana ganon rin siya sa akin.

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon