Chapter 1

8 1 0
                                    

NAKATANAW ako sa binatana. Umuulan na naman, heto na naman ang kalbaryo namin.

"Mukhang hindi na naman tayo makakatulog nito," ani ni Felix ang bunso kong kapatid.

"Sana hindi na lumakas," dalangin naman Yssabelle, ang sumunod naman sa akin.

"Mababaw ang sapa, nakita ko kanina. Hindi naman siguro tayo babahain," si Francis ang sumunod kay Yssabelle, bale pangatlo siya.

"Hindi pa kayo nasanay. Panigurado magpapakawala na naman ng tubig ang dam," si Yvette ang sumunod kay Francis, siya naman ang pang-apat. Lima kaming lahat na magkakapatid.

"Huwag na kayong magtalo, ang mabuti pa ang gawin n'yo itaas n'yo 'yong mga gamit na puwedeng mabasa kapag bumaha," pagsingit ni Mama.

"Nakakainis naman, palagi na lang tayong ganito tuwing umuulan!" ungos ni Felix.

"Walang tulog, walang matinong pagkain," dagdag ni Yvette.

"Wala tayong magagawa, sa ganitong bahay tayo nakatira at ganito ang buhay na mayroon tayo, mahirap. Magpasalamat na lang tayo dahil may masisilungan tayo at walang butas ang bubong natin." Si Yssabelle.

"Bakit kasi hindi na lang tayo lumipat ng bahay," suhestiyon ni Felix.

"Hindi ganoon kadali iyon, Felix. Sa pagkain pa nga lang kulang na kulang na tayo, pang-upa pa kaya sa magandang bahay?" Si Yssabelle ulit.

"Hayaan n'yo kapag nakahanap ng magandang trabaho si Ate, hahanap tayo ng maayos na bahay," aniko sa kanila.

"Talaga ate? 'Yong may lababo?" -Yvette

"'Yong may-maayos na palikuran?" -Francis

"Tapos may kisame?" -Yvette

"At bintana?" -Felix

Natawa na lang ako sa mga tinuran nila. Wala kasi kaming lababo, kaya sa labas kami naghugas ng plato. May palikuran kami ngunit hindi ito maayos, madalas barado at wala rin itong pinto de-kurtina lang. Wala kaming kisame kaya naman sobrang init kapag tanghali, para kaming tinutusta. May bintana naman kaso wala ng salamin, tagpi-taping kahoy na lang ang nakaharang dito.

"Lahat ng gusto n'yo sa isang bahay, iyon ang titirahan natin," aniko.

"Kailan naman iyon, ate?" -Felix

"Kapag nga nakahanap si ate ng trabaho." -Yvette

"Kailan nga iyon? Para malagay ko na sa bag ang mga damit ko." -Felix

"Magsisimula na akong maghanap bukas," aniko.

"Ynarra, ano iyan? Anong pinagsasabi mo sa mga kapatid mo?" Si Mama.

"Sinasabi ko lang po sa kanila na malapit na pong umayos ang buhay natin."

"Hindi ka magka-collage?"

"Hindi na po, Ma, magtatraba---"

"Anong hindi? Mag-aaral ka. Ikukuha kita ng scholarship para kahit papaano mabawasan ang gastos."

"Pero, Ma?"

"Magitigil ka, Ynarra. Mag-aaral ka!"

"Ma, naman?"

"Anong Ma naman? Ang gusto ko mag-aral ka at iyon ang mangyayari. Sayang matalino ka."

"Ma, gusto ko pong magtrabaho muna. Nang sa ganoon medyo umayos ang buhay natin. Hindi 'yong isang kahig isang tukha tayo."

"Mas gaganda ang buhay natin---ang buhay mo kung makakapagtapos ka."

"Ma, kapag nagka-collage ako, apat na taon pa ang gugugulin ko doon. Mas mabuting ilaan ko na lang iyon sa pagtatrabho para naman matulungan ko kayo sa mga gastusin dito sa bahay, hindi po 'yong kayo na lang ng kayo ang gumagawa ng paraan. Gusto ko po kayong tulungan. Sa totoo nga lang hindi na nga dapat kayo nagtatrabho, e!"

San Lazarus Series #3: When The Rain Stop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon