Chapter 2

9 1 0
                                    

DALAWANG-DAANG libong piso, iyan ang halaga ng na kailangan ko para sa opersyon ni Mama. Saan naman ako kukuha ng gano'n kalaking pera? Ni hindi pa nga ako nakakakita ng trabaho, e!

"Pasensiya ka na, Yna. Wala akong mapapahiram sayo. Kilala mo naman ako dakilang gastador, hindi ako tinatagalan ng pera. Sinubukan naman kitang ihiram kay Mama, kaso nasigawan lang ako. Sakto lang din kasi ang kinikita ni Papa sa pang-araw-araw naming gastos," anang ni Angela. Sinusubukan ko kasing manghiram sa kaniya.

"Naiintindihan ko, Angela."

"Pasensiya na talaga, Yna. Walang-wala rin kami."

Malalim akong napabuntong hininga. Kailangan ko talagang makahanap agad ng trabaho. Iyon na lang ang natitira kong alas para magkapera.

Sinubukan ko ring manghiram sa mga tao dito sa lugar namin. Kinapalan ko na 'yong mukha ko, kaso ni isa sa kanila, hindi ako pinahiram. Bukod kasi sa may utang pa kami sa iba rito ay sadyang madadamot talaga ang mga tao dito.

"Nagtanong-tanong na ako sa mga kakilala ko, Yna, kung may alam sila na puwedeng pasukan. Sasabihan agad nila ako kung mayroon, tapos aplayan agad natin."

Nag-try din kami sa mga mall at fast food chain, kaso hindi nila need ng tao e. Haist! Ang hirap maghanap ng trabaho. Kung kailan pa talaga kailangan na kailangan ko!

Alam n'yo 'yong pakiramdam na parang gusto mo nang sumuko, pero hindi mo magawa kasi maraming umaasa sayo. Ako ang panganay, sa akin nakaatang ang mga responsibilidad na iniwan ni Papa.

Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Angela dahil kailangan ko na ring umuwi kaagad.

Walang mag-aasikaso kila Francis at Felix dahil si Yssabelle ay nagbabantay kay Mama.

Walang kahit na anong pagkain sa bahay. Kailangan ko munang dumiskarte. Panigurado gutom na 'yong mga kapatid ko. Pagtapos ay kailangan ko ring bumalik agad sa hospital para hatiran ng pagkain sila Mama. Hindi rin ako magtatagal doon dahil maghahanap pa ako ng trabaho.

Dumaan muna ako sa tindahan ni aling Lita para mangutang. May utang pa kami rito pero susubukan ko, baka bigyan ako.

"Aling Lita?" tawag ko rito na abala sa panonood.

Mukhang hindi ako narinig kaya naman tumawag ulit ako. "Aling Lita?" Nilakasan ko na ang boses ko, pero mukhang hindi pa rin ako nito narinig.

Ang bingi naman nito!

"Aling Lita?" Sigaw na ang ginawa ko.

"Sandali lang naman!" sigaw nito pabalik. "Ano ba iyon?" Parang galit pa ito.

"Aling Lita, baka naman po puwedeng magpadagdag ng utang..."

"Utang na naman? Ni hindi pa nga kayo nakakabayad tapos uutang na naman kayo? Aba magbayad muna kayo!" Ang lakas ng boses nito, parang sinasadya niya talagang iparanig sa ibang tao.

Napayuko ako. "Pasensiya na po. Na-ospital po kasi si Mama," nahihiyang aniko.

"Ano ba 'yong uutangin mo?" tanong nito sa napipilitang tinig.

"Isang kilong bigas lang po, dalawang lata ng sardinas at dalawang pakete ng 3n1 na kape," sagot ko.

Galit man ito pero nagbibigay pa rin naman ito. "Iyon lang?" Tanong nito.

"Opo," mahinang sagot ko.

"Basta bayaran n'yo ito agad. Nalulugi ako sa inyo, e!"

"Salamat po Aling Lita..."

"E, kumusta na ba ang Mama mo?" tanong nito habang inilalagay sa plastic ang mga inutang ko.

"Under observation pa po, e," pagsisinungaling ko. Mabuting hindi na nito malaman ang tototo. Kilalang-kilala ko na kasi ito. Panigurado ichi-chimis lang nito ang mga sasabihin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

San Lazarus Series #3: When The Rain Stop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon