Chapter 14

4 2 0
                                    


"Daniel ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni June.

Kasalukuyan kami nag-prapractice para sa School fair bukas. Wala ako sa mood ngayon ewan ko ba kung bakit samantala yun kasamahan ko todo practice at pacute pa sa harap kunwari mga heartthrob.

"Oo ayos lang ako" sagot ko.

Pero ang totoo hindi, nakakainis naman bakit ko pa siya iniisip? Mas maganda siguro kung sabihin ko na din sa kanya yun nararamdaman ko.

Ang dami ko gustong sabihin sa kanya pero di ko magawa dahil nahihiya ako sabihin sa kanya.

Pero sasabihin ko na ba sa kanya o hindi?

Oo nagsabi na siya ng nararamdaman niya sa akin pero hindi.

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya na kaibigan lang ang turing ko sa kanya at sa halip ang sabihin ko ay ang salitang Mahal kita.

Ayoko na magalit siya sa akin ulit.

Oo ayos na kaming dalawa para kaming magkasintahan na nag-aaway.

"Sure ka ba sa sinasabi mo?" Tanong niya.

"Oo naman" sagot ko at saka na tumayo at tumugtug ng bass para sa special number namin.

Alam ko na ang gagawin ko, sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

Oo tama, sa pamamagitan ng pagkanta ko dun ko sasabihin kay Lovely na mahal na mahal ko siya at sorry sa nagawa ko sa kanya, kahit na may nagawa ako hindi tama sa kanya sana mapatawad niya ako.

"Lovely ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Lani.

Nasa library kami ngayon para sa assignment namin na ipapasa bukas bago magsimula ang school fair, kung ang iba estudyante excited sa school fair ako hindi.

"Lovely pupunta ka ba sa school fair bukas?" tanong niya.

"Hindi ako pupunta bukas," sabi ko habang nagbabasa ng libro nang bigla naman kinuha ni Lani ang librong binabasa ko.

"Lani naman di ko pa tapos basahin eh," sabi niya sa akin habang nakatigin ako ng masama sa kanya.

"Kausapain mo kasi ako, pag hindi mo ako kinausap di rin kita kakausapin," sabi niya sa akin.

"Ayos yan," sabi ko at saka umalis na sa library.

Oo wala ako sa mood ngayon, pero wala ako oras para magalit sa kanya pero seryoso siya sa sinabi niya sa akin pero gagawa ako ng paraan para mag-sorry sa kanya.

Katatapos lang ng klase namin naisipan ko na pumunta sa canteen para kumain at gawin ang assignment namin. Alam ko na weird na ako para na ako nerd neto.

"Hanggang ngayon ginagawa mo parin yan," sabi ni Adonis sa akin sabay tumabi sa akin.

"Oo naman," tipid ko sagot sa kanya at saka niya kinuha ang fries ko.

"Fries ko yan," sabi ko.

"Penge lang naman, damot mo naman," sabi niya habang nasa bunganga niya yun fries.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung ano ang problema mo, alam ko na may problema ka pero hindi mo lang sinasabi sa akin, tell me," sabi niya.

Ano ba yan Hindi ako makatigin sa kanya ng maayos Lord help me huhuhu.

"Wala ako problema, sayo na nga yan fries ko ayoko na busog na ako," sabi ko at umalis sa tabi niya pero tumayo kaagad siya at hinabol niya ako.

"Tell me your problem, I know na may problema ka so tell me Lovely please," sabi niya sa akin. Lord when kaya mo ako kukunin? Joke lang peace hehe.

"So pupunta ka ba sa school fair bukas?" tanong niya sa akin.

"Hindi," sagot ko.

"Lovely alam ko na may pro–"

"Wala na ako pinoproblema okay? Sige pupunta ako sa school fair bukas," sabi ko at saka na ako umalis papunta sa classroom ko.

Uwian na at nagpasya ako na pumunta sa amusement park nasa pila ako ng ferris wheel.

"sunod!" sigaw ng lalaki nang papasok na ako ay bigla may pumasok na isang lalaki.

"Hoy ako nauna Jan!" sigaw ko pagpasok ko si Daniel pala yun.

"Sorry pero nauna na ako," sabi niya.

"Wag ka na kayo mag-away jan!" sabi ng lalaki at saka na umandar ang ferris wheel.

"Lovely I'm sor–"

"Wag ka na mag-sorry sa akin kasi pinatawad na kita," sabi ko sabay tigin sa labas habang unting-unti umaandar paitaas ang ferris wheel.

Ang sarap sa pakiramdam na makasakay ulit dito, nakakamiss din ang sumakay dito.

Naaalala ko noon na unang beses ako sumakay dito medyo natatakot ako.

"Daddy baba na tayo!" sigaw ko sabay niyakap naman ako ni Daddy.

"Okay lang yan anak, nandito ako para sayo," sabi niya habang niyayakap niya ako.

"Lovely look, ang ganda ng buildings noh?" tanong sa akin habang nakatigin siya sa mga buildings

"Wow ang ganda!" sabi ko.

Hinding-hindi ko yun makakalimutan ang araw na yun. Oo masaya ang maging bata pero mas masaya ako ngayon, kahit na marami na ako problema sa buhay lalo na sa pag-ibig.

"Alam ko na galit ka pa sa akin," sabi niya.

"Alam ko, pero okay lang yun at least nagsorry na ako sayo," sabi ko.

"Ang ganda ng buildings noh?" tanong ko sa kanya.

"Oo bakit?" tanong niya habang nakatigin sa labas.

"Wala lang nagagandahan kasi ako eh, lalo na pag gabi," sabi ko habang nakangiti.

"Lovely, alam mo kasi may gusto sana ako sabihin sayo,"

"Ano?"

"Pwede ba mang-ligaw sayo?"

"Ha? Ligaw?!"

"Oo,"

"Alam mo kasi ehhh– pero teka nagjojoke ka ba o ano?!" tanong ko sa kanya sabay tumawa ng malakas.

"Syempre hindi, seryoso ako," sabi niya sa akin habang hinahawakan ang kamay ko.

"Alam ko na marami ako nagawang kasalanan sayo at alam ko na medyo makulit ako sayo medyo. Kaya seryoso na ako sayo Lovely," sabi pa niya.

Okay Lovely relax ka lang okay? Alam ko na medyo naguguluhan ka na sa sitwasyon mo ngayon Lovely kaya calm down, chill ka lang wag ka mastress okay.

"Seryoso ka? Sigurado ka ba?" hay naku bakit ganyan naman itatanong mo sa kanya? Seryoso nga siya eh, pero seryoso ba siya?

"Oo seryoso ako sayo," sabi niya. Eto na yun Lovely wag ka kakabahan okay? Calm down relax and chill.

"Ahhh hehehe" sabi ko.

Grabe yun pawis ko grabe para ako nasa question and answer portion ah. Lord please give me an answer para makalayo sa kanya please huhuhu.

"Oy kayo baba na kayo may sasakay pa eh," sabi ng isang lalaki finally natapos din kaya dali-dali ako umalis at tumakbo ng mabilis para layuhan siya.

Oo cute siya at mabait at guapo pero yun ugali niya nakakainis sobra akalain mo Lovely? Liligawan ka niya? Pero wait? Totoo ba yun? Liligawan niya ako?!

Philophobia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon