Just Not

5.8K 71 5
                                    

I met Nathan a year ago. In a wedding of my close friend who happened to be her sister.

Ako ang kumanta ng 'Runaway' habang naglalakad siya sa aisle kasama ang papa niya. At si Nathan naman ay kumanta ng 'Out Of My League' sa reception. With his cold and god-like voice? Who wouldn't fall in love with him?

During the after party, we got to talk to each other and exchange cellphone numbers later on. But he didn't text me. I don't want to be the one to text first. Babae kaya ako!

Baka busy or nanakaw ang cellphone? I told myself.

I am not indenial about my feelings for him. It was special and something unexplainable. 'Yon bang mapapangiti ka na lang habang inaalala ang unang tingin niya sa akin. Ini-stalk ko din siya sa FB, Twitter, at Instagram! But I didn't bother to add or follow him. It would be a desperate move. I still believe that women are the ones to be pursued, 'no!

Nathan is the son of the former beauty queen and a retired musician. Talentado ang pamilya nila. I know a little about their parents dahil nga kay Ana. May kapatid siyang mas bata na babae named, Lizzie, who's also a good singer and is based in New York. And of course, ang ate niya na si Ana, ang close friend ko.

Exactly a year after the wedding, Ana and Carlos called me to attend their first wedding anniversary. Kung saan dadalo ang iilan sa kanilang pinaka malalapit na kaibigan, kabilang ako, at kamag-anak nila.

Just wow!

Malamang ay makikita ko doon si Nathan. The popular Nathan Alonzo! 1 year, huh?

Dali dali akong namili ng susuotin sa beach party na 'yon na gaganapin na sa makalawa. I cannot let this opportunity pass!

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Hinatid kami ng driver nila Ana sa rest house ng mga Alonzo sa Batanggas.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay pamilyar na halakhakan ang bumalot sa buong dining room. Kaya pala, nandito rin ang mga kaibigan namin ni Ana noong nag-aaral pa ako sa DLSU. Ahead ng isang taon si Ana pero dahil sa mga kaibigan namin ay napagtagpo kami ng landas upang maging magkaibigan.

I saw Johnny and Teresa na parehong naka kulay asul na damit. Looks like they're still together!

Namataan ko rin ang mga batchmates ko. Si Drew at Allan!

Lumapit ako kay Ana at Carlos para bumati at tumungo kaagad ako sa tabi nila Drew. He's still handsome. Ang crush na crush ko noon. Pero hindi na ngayon.

"Pamela? You still look hot!"

Masiglang bati nito nang makaupo ako sa tabi nila ni Allan. Napalingon at napahagikgik naman ang mga tao sa paligid namin sa sinabi ni Drew. Nakakahiya!

"Ikaw talaga, nakakahiya! Bolero ka pa rin hanggang ngayon." Puna ko sa nakangising Drew.

Bumati pa ako sa iilan kong kakilala pati sa parents ni Ana na ngayon ko lang halos nakita. Tubong America kasi ang mga 'to maliban kay Ana na dito na talaga lumaki. Kaya pala hindi ko kilala ang mga kapatid ni Ana. Well, if I did, maybe I would have been crushing on Nathan since college.

Nagsimula ang pagpapasalamat nila Ana at Carlos sa mga dumating. Akala ko'y kaonti lang kami pero marami-rami rin pala. Knowing the Alonzo's, they are very family oriented. Hindi ko magawang igala ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng kung sino man dahil sa kamay na pilit na gumagapang sa likuran ko.

This Drew Barrameda is a total womanizer! It's obvious that he's hitting on me.

Pilit kong inuusog ang sarili ko sa tabi para hindi kami gaanong magkalapit nang lumapit sa akin si Teresa na nakangiti.

Just Not | SPG-R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon