August 24, 2014
Balita: Mayroong paparating na bagyo, ang pangalan, 'Bagyong neknek' char. Basta bagyo. Lalapag ito sa kung saang lupalop ng mundo.... Maghanda.
*Nilipat ng tatay sa ibang chanel.
"B-Bakit mo nilipat, pa?" Aniya ni Ian.
"Maniniwala ka pa ba sa mga balita ngayon? hindi ko na nga alam kung totoo pa ba mga sinasabi nila." Sagot ni Papa.
"Tama, atsaka, kita mong ang ganda nang sikat ng araw! impossibleng umulan!" Pang-aayon ni mama.
"Pero.... Hindi ba kailangan nating maghanda?" tanong ni Ian sa kanila.
"Ng ano?" natatawang tanong ni Kuya Ivan sabay tingin kay Ira na ngumingiti rin. "Panigurado, spaghetti ihahanda ko, HAHAHA!"
"Ako naman ano.... Uhm.... Ano kaya?..... AH! alam ko na! paksiw! kasing asim mo." Panloloko ni ate.
"HA. HA. Nakakatawa" Inirapan ni kuya si ate.
"Oh, bakit minsan na nga lang ako magjoke-"
"Ivan! Ira! tumigil nga kayo sa mga bunganga ninyo!" Paninita ni Mama, "Huwag mo na ring alalahanin 'yan, Ian."
Napahawak nalang sa kaniyang salamin si Ian at pumasok sa kaniyang kwarto. At ihiniga ang sarili sa higaan niya at nagsimulang magmuni-muni.
"Hayst!, wala talagang magawang tama ang pamilya ko! paano pag nag katotoo 'yon? kailangan kong maghanda para rito. Malay natin, maging totoo. Nganga kaming lahat pagkatapos." Aniya niya sa sarili niya.
"Ano bang puwedeng gawin?" kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at nag-search sa google.
"Go bag?" napa-upo siya sa kaniyang higaan at tumingin sa kaniyang bag na nakasabit.
*Tumayo ito at kinuha ang bag.
"Ano raw? ano itong..... BA'T IMPORTANT DOCUMENTS?!" Napakunot nalang siya ng noo habang tinitignan ang mga listahan sa go bag.
"Hoy Ian! ang ingay mo sa kwarto mo! no'ng tingin mo sa bahay natin?! soundproof?!" Sigaw ni mama sa labas.
Napabuntong hininga nalang siya at inilagay ang mga birth certificate at kung ano man sa bag niya.
Naglagay rin siya ng flashlight, mga extra na damit, batteries na nakaw sa kwarto ni tatay, mga limang de lata na ninakaw sa ref. (Kayo na maglagay ng iba, pa-edit nalang.)
Napa-ayos siya ng salamin niya habang nakatingin sa bag niya.
"Okay na." Nag-thumbs up siya sa bag niya bago lumabas.
Paglabas niya, nandoon lang si ate at kuya na naglalaro ng kung ano.
"Si mama at papa?" tanong ni Ian.
"Si mama nasa labas, nakikinig sa chismisan nina aling Beverly at ni Lola Tojang. Si papa, ayon... Hinahanap yung mga baterya sa kwarto nila, nawawala raw." Naasar na aniya ni Ira.
Lumabas ito para tignan ang kaniyang mga magulang.
(Wearing marites dress is a must, duster or something that people will think that you gossipers. Especially, Aling Beverly and Lola Tojang.)
"Ay, Jusko! may bagyo naman na paparating!" Aniya ni lola Tojang.
"Hoy, baket Tojang! 'yang bunganga mo pinuputukan ng asin! anong bagyong sinasabi mo?" Aniya naman ni Beverly.
"Naniniwala kayo ro'n?"tanong ni Nanay.
"Oo, jusko! sana patnubayan nawa tayo nang may kapal!" Aniya ni Lola Tojang.