9:45 A.M.
Lipatan na namin para sa panibagong subject namin, AP.
Paglagay ko ng bag ay dali-dali naman akong umupo para, magreview sa next subject.
Katabi ko si Liam at si Hera, nasa likod naman si Via at Kierra na nag-uusap para sa kanilang performance task sa ibang subject nang biglang dumating si Ma'am.
"Good morning, everyone. Our lesson for today is all about bagyo. Sino na ang nasubukang nabagyo ang bahay rito?" tanong ni Ma'am.
Nagtaas ng kamay si Via bago inayos ang salamin.
"Anong ginawa ni'yo noon?" tanong ni Ma'am.
"We did preparedness like, go bags and others to make sure if our families and our health are secure." Sagot naman nito.
"Very good! kapag alam ninyong may paparating na bagyo o' hindi kaya'y paparating na sakuna ay kailangang maging handa tayo." Aniya ni Ma'am.
"Anong ibig mong sabihin sa maghanda, Ma'am?" tanong ni Liam.
"Ang ibig sabihin ko ay, Magpre-prepare tayo ng isang bag na punong-puno ng mga bagay na importante. It ay ang tinatawag nating go bag." Sagot ni Ma'am.
"Ano-ano po ang mga laman ng go bag?" Tanong ni Kierra.
"Kung sakali man po na may bagyo na, paano nating madadala ang go bag?" tanong ni Reese.
"Ang mga laman ng go bag ay, baterya, damit, mga easy to eat foods, importanteng documents, flashlights, power banks, gadgets, mga gamot at higit sa lahat, ang tubig. " Lumapit ito si Ma'am sa lima,b"Ang go bag ay isang bag na easy to get pag kailangan na." Dagdag ni Ma'am.
"Go bag?" tanong ko sa sarili ko.
"At may Ipapagawa ako sa inyo, gumawa kayo ng sarili ninyong go bag sa inyong bahay. Kompleto ang mga nasabing laman, Ha." Aniya ni Ma'am.
Pagkatapos ng discussion ay biglang lumapit sa akin si Liam at Via.
"Sevi, pag ba maghahanda ka para sa bagyo, magpa-palabok ka?" tanong ni Liam sa akin. Tinignan ko lang siya dahil, alam kong walang katuturan ang sasabihin niya.
"Hoy Liam, tigil-tigilan mo nga si Sevi." Naasar na sabi ni Hera.
"Bakit? nagjo-joke lang naman ako ah!" Aniya nito.
"Hindi naman nakakatawa, nakaka-asar siya. Nakaka-asar."Inirapan ni Hera si Liam at lumapit kay Via.
"Guys, wait!" Aniya ni Kierra.
Lahat kami napatigil sa ginagawa namin at tumingin kay Kierra.
"Babasahin ko yung sinabi ng NDRRMC: (10:45AM, 18Oct23) Red Rainfall Warning sa Pangasinan. Asahan ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng... Lupa." Nagtinginan kami sa isa't-isa at Bumuntong hininga.
"Hay nako, naniniwala kayo diya'n? minsan, nagkakamali yung mga NDRRMC! malay mo hindi tayo madadamay." Aniya ni Liam.
"Hindi, nagpapahiwatig kasi 'yon na kailangan pa rin nating maghanda." Aniya ni Via.
"Oo nga, alangan namang babalewalain natin 'yan?" Aniya ni Hera.
"Bahala kayo, uuwi na ako. Gawin ni'yo ang gusto ni'yong gawin, at gagawin ko naman yung akin." Bumababa ng hagdan si Liam at umalis.
"Okay ka lang, Sevi? kanina ka pa nanahimik diya'n." Aniya ni Kierra.
"Guys, Kailangan nating magprepare para sa bagyo." Sagot ko.
Nagtinginan kaming lahat at tumango sa isa't-isa.
"Oh, siya. Aalis na ako." Aniya ni Hera, kasama si Via.
![](https://img.wattpad.com/cover/354146225-288-k650111.jpg)