Entry #4
Dear Diary,
Inupdate nya yung cover pic nya!
After sometime, nag online din sya! Tapos inupdate nya yung cover pic nya!
Akala ko magsstatus sya pero hindi! Inupdate nya lang yung cover pic nya!
Tapos dun sa cover pic nya, magkasama sila.
Shemele naman e! Sabi ko sana wag nyang landiin pero shemele! Kinover pic nya agad yung picture nila! Shemeeleee!
Pero alam mo ba, parang biglang nablanko yung puso ko. Parang wala akong naramdaman. For a moment, naisip ko na 'ah.ok'
Naisip ko nga din na buti naman at nakananap na sya ng iba, na nakahanap sya nung mas deserve sya. Naisip ko nga din na tama lang pala na pinakawalan ko sya.
Kasi naman, alam kong mas ok ako kesa dun sa babae! Pwera yabang diary! Mas ok talaga ako! Mas payat lang talaga yung bago nya pero da heck? Mas maganda talaga ako diary! Wala kang karapatang umangal ok?
Hays. Nakapagpost tuloy ako sa IG ko, sabi ko 'You made me realize that I did the right thing. No regrets'
Hays, simula na kaya to ng pag papalaya ko ng feelings ko sa kanya? Shemele naman! Gusto ko na ding manglalaki! Bakit ba kasi antagal bago kami magpasukan e!
Excited na long magcollege!
Namamaligno,
Notintohappyending