June 14, 2015

20 0 0
                                    

Entry #2

Dear Diary,

Binisita ko yung page nya sa Ask.Fm. May nagtanong sa kanya kung sino daw yung kasama nya sa school.

Sabi nya.. Si Angelika?

Tapos may nagtanong ulit. Sabi ang ganda daw nung kasama nya, bagay daw sila.

Sabi nya.. Kaklase ko lang yun. I hope so. Jk.

Natorete ako. Tangina Diary! Sabi ko sa kanya makakahanap din sya nung taong mamahalin sya hindi kagaya ko na lagi lang syang pinagtatabuyan pero bakit ganito ako ngayon? Bakit natotorete ako?

Diary, alam mo ba pakiramdam ko naman tama yung ginagawa ko. Kasi baka pag hinabol ko na naman sya at bumalik sya, masaktan ko na naman sya!

Ang tanga tanga ko diary! Yung huli naming pag uusap, ang bilis lang. Nagtataka nga ako kung bakit biglang ang bilis nyang kausap. Basta umoo na lang sya. Akala nya kasi nahihirapan na ko sa kanya. Ang totoo nyan, bumitaw ako kasi alam kong mahihirapan sya sakin.

Tanga kasi ako diary! Alam mo ba yun? Akala ko lagi hindi pa ko nakakamove on sa damuho kong EX, kaya ayun! Pinakawalan ko sya kasi pakiramdam ko hindi ako buo para magmahal.

Pero sana pala pinag isipan ko muna. Sana pala hindi ko na lang sya kinausap nung araw na yun! Tangina kasi! Ang bobo ko! Pasensya ka na kung mura ako ng mura huh? Di ko na kasi alam kung kanino ko sasabihin!

Natotorete,
Notintohappyending

Diary Ng PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon