Dear Atasha,
Nakita ko nanaman ang mga post mo sa wall mo. Grabe sorry ha. Madalang lang kase ako makapunta dito kaya madalang din akong makapag post.
Inaabangan kita lagi sa may sakayan ng jeep kaso hindi ka na pala sumasakay ng jeep. Nakita kitang angkas sa motor ng kuya mo. Oo. Alam kong kuya mo yun. Matagal na kitang ini-stalk.
Kaya hindi na ko nasakay ng jeep kase wala na rin namang saysay kase dahil di na kita makakasabay. Kaya ginamit ko na lang ang kotse ko.
Oo. Mayaman ako.
Nasaktan naman ako sa sinabi mong nalimutan mo na ko.
Lagi na lang akong magpapakita sayo para di mo ako malimutan :)
Love,
Zeke
