Chapter 2
Gumawa narin si Mae ng para samin. Sabi nya, iwan ko lang daw ung pagkain nya sa table pero dapat gawin namin 3 minutes before 630am para warm pa yong meal ni sir. After an hour, lumabas na nga si sir and walk straight to the dining table, nagthank you kay Mae for the food and kumain na sya while reading his daily newspaper, yes newspaper, may nagdeliver ng newspaper daily sa house na yon. While he is eating daw, need na naming i-ready yong susuotin at dadalhin nya, may notes narin dun sa closet kung ano-ano ito, may codes bawat coats,shoes, ties doon, so kinuha ni Mae iyong mga yon. Grabe nakakalula ung walk-in closet. Next naman is sa isang room for his accessory naman; watch, belt,socks, handkerchiefs etc na may codes din. Last is hinanda na namin ung bath tub and shower, putting toothpaste on his brush, undies and sando also towels. Minsan daw di naman nagagamit ang tub, but still need parin i-ready everyday. Nang natapos na kami dun, ung attaché case nya dinala na namin sa parking area sa basement ng building, Sir Gemini has his own elevator, ung driver daw ni sir ay ung personal secretary nito, pagdating namin doon, nalula na naman ako sa dami at klase ng cars. I'm a car lover, without one hahahaha. Kaya halos nakilala ko kaagad ang units and brands ng 10 cars na nasa parking na iyon. Halos mamahalin na brand ang mga kotse; Chedeng, Subaru, Porche and Mustang. May nakita akong suv, black Hyundai Palisade na super pogi, ako na BTS fan naalala ung car ni Suga and Jungkook's, a red raptor and a latest Mazda. Napaisip talaga ako na sana maidriveko ko ang mga sasakyan na iyon. Kami ay lumapit sa black Mercedes at iyon daw ang gagmitin ni Sir, sakto din dumating ung lalaking nakabigbike, sya daw yong Secretary ni sir, si sir Chen. Mabait ito at jolly, unlike sir Gemini na cold. Pogi rin ito at may katangkaran like about 5"10. And then umakyat na kami, narealize ko hirap pala si Mae magsalita ng deretsong english while in the elevator and Sir Chen is talking to us. Saktong pagpasok namin sa bahay pababa na si sir, nagsabi lang that he’s going, said thank you for the service, ganoon daw un lagi, kahit cold laging nagpapasalamat. After sir left, naglinis na kami and then do the laundry, ako na naglaba kasi hirap si Mae, dahil nga pregnant sya at handwash ang gusto ng boss. After nun sabi ni Mae time to rest na daw, pwede na kami matulog at natulog nga sya. Sabi ko sya nalang, tinuloy ko pa kasi schooling ko, may mga activities and pasok ako that day, kaya ayon ang ginawa ko habang tulog ang buntis. Nagising sya, nagluluto ako ng ulam sa dirty kitchen, need nya kasi healthy foods, so nagluto ako ng nilagang beef and kaldereta, dahil marami at complete ang ingredients sa ref, and sabi nya luto lang daw ako kahit anong gusto ko kasi madalas na-eexpire lang mga iyon. At lunchtime kumain na kami, nagulat si Mae kasi sobrang masarap daw ang luto ko, tuwang tuwa sya, namiss daw nya ang ganoong luto na. Halata naman kasi na hindi sya marunong magluto. Bukas na ang flight nya, tinanong nya ako kung ready na ba daw ako magisa, ako naman aba born ready to ano!!. Napakadali lang ng gawain tsaka para sa mga anak ko kakayanin. Mabigyan ko sila ng better life and future, laban na laban. Friday morning, Mae is getting ready at 4am, kaya ako na nagready ng needs ni sir. As usual, he just wants coffee and truffles, kaya ni-ready ko na while working on his room, paglabas ni sir sa gym, derecho uli sya sa table and talk with Mae, called a cab and nagusap sila, di na ako nakinig need ko ready ung bath nya. After noon binaba ko yong case nya sa parking, he's going to use his panamera daw, kay doon ko ito pinasok, grabe ang ganda pala talaga ng loob ng sports car. 715am, nasundo na si Mae, at nagbilin lang na kaya ko daw un knowing na by Sunday, first punta ko sa mansion. 730am, paalis na si sir Gemini, he said thank you for his meal, he told me that it taste good daw, way better than Mae’s. I mean ginalingan ko talaga. Malay natin bigla akong i-hire as his other maid along with Mae. So that day is grocery day, pagkaalis ni sir, naglaba na ako sinabay ko na ung akin. After noon, naglinis ako ng buong bahay, dahil hindi naman talaga madumi, mabilis lang ako natapos. Ginagawa ko iyon habang kausap ko mga anak ko. After everything's done, at satisfied na ako sa linis, nagbihis na ako need ko na maggrocery. Kinuha ko na yong lists ng grocery needs na kailangan kong bilhin, nasa bar area ito at may kasamang pera. May karamihan ang list, super puno pa ng ref, may mga tinanggal na akong near expiry kanina habang naglilinis ako. Sabi ni Mae, binibenta nya daw ang mga near expiry items iyon sa mga kabayan namin tuwing day off nya. Pero wala akong balak, kung makakatulong naman or sa mga pulubi why not, ibibigay ko nalang. So naggrocery na ako, with sir black card and a cash equivalent to 5k, pamasahe and eat out daw iyon sabi ni Mae, naiipon daw nya un kasi ung taxi nasa 400 lang. So nasa grocery na ako, mabuti at andoon lahat nang nasa list. So in just least than an hour natapos na ako, may mga pinoy din na sales attendants and cashiers, mga naging kadaldalan ko na while paying, friendly daw ako unlike Mae, kilala nila ung card ni sir Gemini, naloka ako kasi family business pala nila ang supermarket na iyon. So after packing the groceries, 12 na box nakakaloka ehh hindi naman nakakain lahat. At wala din pake si sir kung nakakain b o hindi. Balak kong sabihin sa kanya un sa mga susunod na araw. Paguwi ko inayos ko na ung mga grocery while attending my online classes. Saktong natapos first class ko ng 1pm, kumain muna ako bago tapusin ang grocery. Biglang nagring ang phone, si sir, may darating daw na packages, ayusin ko nalang daw. Di ko alam kung ano un, hahahaha. So pagdating ng package may klase na uli ako, mga kitchenwares pala, Korean made, grabe ang gaganda, exactly my dreams. Inayos ko na sya isa-isa sa lagayan. After class, nagluto ako ng ulam ko, humba and sinigang na hipon. Malapit na kasi ma-expire ung shrimp ang anlalaki pa naman. While cooking, tumawag ulit ako sa mga anak ko, while taking my laundry in at i-plantsa ko narin. Nagpalit din ako ng beddings, kasi laundry day tomorrow kasabay ng mga coats ni sir. Snack time, naisipan kong gumawa ng bibingkang malagkit and brownies at coffee jelly. Sarap magluto ehh, complete ingredients tapos ang ganda at cozy ng lutuan. Natapos ko na gawain ng 4pm. So pahinga na, idlip lang saglit pero hindi naman din nakaidlip talaga. TikTok and Facebook is lifer. Nag-alarm ng 5pm phone ko, parating na si sir. 1714 nakauwi na nga sya, I greeted him, tinanong nya ung package if maganda ba, I said yes, super. Sabi nya gamitin ko daw agad para malaman ung durability. I just said yes sir, I will. Umakyat na sya sa room nya and pagbaba nya, nakabihis na; simple white shirt and cotton pants, derecho sa study room, and ask for a glass of milk. Hinatiran ko sya at tatalikod na sana ako nang nagtanong sya if I can drive daw ba, he also complimented my skill in cleaning, nakakapanibago daw, lalo na daw yong smell sa room nya and sa sala. Bumili kasi ako ng air diffuser to help him sleep and relax after a long day. Ang arte ko di ba? Pero habang nasa grocery kasi ako kanina, napaisip ako na bili ng diffusers kasi wala akong nakita sa bahay. Mabango naman ung bahay, amoy mayaman kumbaga. Pumili ako ng soothing scents for his room and relaxing scents naman sa sala and other parts ng bahay. Kaya sinabi ko sa kanya, at nagpasalamat sya.
So I answered that I can’t but is willing to learn if necessary. Sabi nya ok kung ganoon daw then he’ll enroll me daw sa driving school. Ang saya ko pagkarinig ko noon. I guess matutupad na ang pangatap ko. Marami pa syang tinanong, regarding my family, our life in PH and about sa schooling ko. I became comfortable with him, kahit pala cold sya, ma-sesense mo naman ang sincerity nya. Last nyang tanong is if I can cook daw ba a rice meal, with soup daw if possible, ako na daw bahala kung anong trip ko. 1900 daw nya gusto kumain. So naisip ko na na yong niluto ko nalang na shrimp sinigang and humba papakain ko, kahit ano daw ehhh. Mukhang hindi naman maarte si sir. Clear sa any allergies. So dumirecho na ako sa room ni sir, inayos ung mga coats nya and gamit, nilagay sa lagayan ready for pick up na in the morning, day off ko ng saturdays, kasi Sunday sa mansion kami. 1850 set up ko na yong table, nilagyan ko narin sya ng coffee jelly at brownie na ginawa ko nang umaga, ginalingan ko na ung set up syempe, good shot ba. Hahahahaha. Then tinawag ko na sya, he said yes and went straight to the dining table. Ako naman, pumunta na sa room ko, may tatapusin pa akong activity ehh, magintercom nalang si sir if he’s done or kapag may ibang needs Kaso kakasimula ko palang, biglang nagtawag si sir, naku baka di gusto ung niluto ko hahahaha, lutuan ko nalang ng chicken if in case. Pero palapit palang ako sa lamesa, gulat ako humihigop ng soup, he just complimented the food Sarap daw ng pork and soup, nabusog daw sya, pati ung kakanin kinain, hindi ko naman nilabas, nakita nya siguro sa table, naloka talaga ako. Sabi nya kain narin daw ako, dapat daw sabay na kami kumain para may kausap daw sya. Nagulat man pero ngumiti ako at tumanggi, I said that I'm into intermittent fasting, kaya sabi ko hanggang 6pm lang ako pwede kumain, at ayon nagkwentuhan nalang kami, nagtea nalang ako, while he’s enjoying his coffee jelly. Nakikita ko na na-enjoy nya talaga yong foods. I'm so proud of myself. Pupunta daw ung secretary nya,he invited him, they planned to have a drink tonight while discussing his upcoming schedule s. So after 30mins, dumating na si Sir Chen, may dalang paper bags. Pinabili daw un ni sir. So kinuha ko and to my surprise, damit sya and shoes, gym track suits, para daw pala sakin, nakikita nya pala ako nagjogging kaninang umaga. Lahat ng iyon ay branded, first time ko syempre makapagsuot ng branded at ang saya ko. Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa. So hinanda ko na ung study room nya, doon daw sila iinom, he said JD daw iinumin nila, so nagready ako ng bottle of JD na nasa bar. Nakakalula din ang bar ng bahay na iyon, napakadaming mamahaling alak, specially whiskeys. Nagluto ako ng sisig and Korean chicken as their pulutan, biglang sabi ni sir Gemini na pakainin ko daw si Sir Chen nung kinain nya, nasa dining silang 2, they're talking in Macau dialect, which is about sa pagaaral ko, niyayabang ung luto ko. So ininit at hinainan ko si Sir Chen, at ayon naenjoy din nya like sir Gemini. So after cooking dinala ko na sa study room ung pulutan and drinks nila complete with ice and all, pati na ung papers na pinahanda ni sir. And then pumasok na sila, asking kung ano daw ung mga pagkain na niluto ko, tinikman nila agad, natuwa naman ako at nagustuhan nila, they said thank you and umalis na ako, nagligpit ng pinagkainan and pinaglutuan, sir said bukas ko na daw tapusin ung gawain, magpahinga na ako and said sorry kasi marami daw akong gawain. Di ba? Napakathoughtful. ?

YOU ARE READING
Heartstrings in the House of Steel 1: Macau's Architect and His Team"
RomanceGemini is a well-known tycoon architect in Macau. He is also the only grandson and successor of one of the richest business tycoons in Macau. He is cold but a compassionate boss. Sandy is an ordinary mother of 3 kids. Her husband is an ofw and thei...