Heartstrings: Gemini and Sandy 4

6 0 0
                                    

Chapter 4
Nilakasan ko loob ko at nilapitan ko si Bella, galit na galit sya, halos sirain na nya ang cage nya. Pero pag tiningnan mo ung mga mata nya , pero nakikita ko hindi galit kundi fear and confusion. Kaya umupo lang ako sa may tabi ng pinaka- gate ng cage nya, kinausap ko sya, I said sorry kung anong nangyari sa kanya, di man ako sure pero feel ko may trauma nya. Sa kabilang banda kinabahan ang maglola sakin, baka kung anong gagawin sakin ni Bella, kaya pinuntahan nila ako para sawayin. It takes 20 minutes para makarating sila uli doon sa dog's quarter.
My POV; medyo submissive na si Bella sakin, alam ko kasi at sinasabi ko na hindi ko sya sasaktan. And if ever saktan nya ako, self defense lang un, it will be fine then, atleast malaman nya that I'm not going to hurt her. To my surprise she stops barking,tumalikod sya sa gate ng cage making us in back to back position . I can feel her warmth and she's bit shaking. Hinayaan ko lang muna nang ganoon na
ng ilang minuto. Tapos narinig ko tumayo sya at lumakad ng halos kalahating metro from the gate, when I look at her. She's calm na, humiga  facing east from my position, para bang sinabi na ok you can go in, so carefully pumasok ako, umupo sa tabi ng gate, half meter away from Bella. Natakot din naman  ako na baka atakehin nya ako pero ok lang, makuha ko lang loob nya at maniwala sya na hindi ko sya sasaktan.Kinakausap ko lang sya. Pero alam kong hindi un mangyayari na atakehin nya ako  kasi wala naman ako balak na lapitan sya, kung hindi pa sya ready then fine. Try ko ulit next time. So nang dumating ang maglola, nasa loob parin ako ng cage, giving me a signal to come out, pero sabi ko ok lang, nakita ko umiiyak si Mrs. Wang, kasi si Bella pala humiga, di man sya lumapit sakin, atleast may tiwala na sya sakin. I really  wanted to pet her kaso sa case nya it'll scare her lang kaya nanatili lang ako sa kinaupuan ko. Nung nagpaalam ako, she just looks at me. Paglabas ko, niyakap ako ni Mrs. Wang, naririnig nya pala lahat ng sinabi ko  kay bella. She said thank you, kasi si Bella daw maski sa kanya hindi nya nakitang ganun ka-relax while inside her cage. Nalaman ko na rescued dog daw si Bella, sinasaktan and almost dead na noong kinuha nya, naging okay na sana si Bella kaso ung isang assistant ng vet na hired nya, sinasaktan pala sya kapag wala sila at simula noon, hindi na ito nagtiwala kahit kanino except Mrs. Wang. Pinalagyan na nya ng cctv ang quarter to ensure the dog's safety. So naiyak din ako, mas lalong naging buo loob ko na kunin tiwala ni Bella. She's precious, hindi nya kasalanan ang lahat. She hides herself from everyone to protect herself.

That meaningful Sunday ends well, kumain muna silang maglola, at naging balita sa mga maids yong nangyari. Even ung vet and her assistant, di makapaniwala. Bago ako umuwi, dumaan ako sa dogs quarter saying goodbye to them and also Bella na tumahol na naman pero iba n ung tunog, may changes na. While driving, Sir Gemini discusses my driving lesson and an anti-body shot kinabukasan. He was so happy and thankful, dapat daw kasi schedule na for euthanasia si Bella kasi dangerous na even kay Mrs. Wang. But they felt at ease sa nangyari. I felt sad for Bella, sabi ko its not Bella’s fault. So Sir Gemini loves dogs also kaya pala mabait talaga sya. Naiiyak din sya para kay Bella, heaven sent daw ako kay Bella and to them. It was a compliment, the most sincere one. And it ignited fire in me.

The next morning, hindi muna ako tumakbo at maulan kaya sa gym ako nagpunta, spent 45 minutes there at pati si sir maaga din nag-gym. My driving lesson will be at 9am until 12nn.
First day of driving lesson, medyo mahirap pala pero kinaya ko at kakayanin kasi pangarap ko tong matagal na. May mga gabi pa nga na noon na nagbreakdown ako kasi nakikita ko ung ibang taong kakilala  ko is learning to drive at may sasakyan na. Kaya super ginalingan ko talaga. Super bait din ng instructor, he keeps complimenting me. Sabi pa nga nya baka daw mabalitaan nalang nya nagcar race na ako. Hahahaha! Talagang nagspark ung ngiti ko, kasi it's one of the greatest dreams of mine. The whole week passed, I mastered my driving skill. Sir Gemini even let me drive with him during weekends. Iba ung kaba pag si Sir kasama, luxury cars kasi, baka pag nadisgraysa ko, di na ako makauwi ng Pinas sa kakabayad hahahahaha. The next Saturday, while hiking I meet someone who is a taekwondo instructor and basic close combat  fight trainor. He's a private hired bodyguard for celebrities .Napapaisip talaga ako, nilalapitan ako ng swerte, kasi ganito iyong mga gusto kong gawin eh. Sabi nya kung gusto ko daw he will give special training for me all for free kasi  napasaya ko daw sya while hiking. Social butterfly ata to. Sabi ko magpapaalam ako sa boss ko. Sana payagan, Saturdays naman ehhh. Nung sinabi ko kay sir, he said yes. Sabi pa nga nya pag nasa office daw sya I can also train.
Si sir Gemini  ay madalas nang nakain sa bahay, nagrerequest ng ibat-ibang foods. I’m also trying my best to. So far satisfied naman sya, I changed the routine a bit, wala nang notes kasi nakikipagusap narin sya sakin unlike my first weeks.  I even told him about the supplies, like nasasayang. If want nya pwede namin ipamigay sa mga government agencies. Or sa mga kapwa ko maid din na stay out sa work. He smiled and said that it is a good idea. Alam naman daw nya na naeexpire ung ibang supplies pero hindi nya alam kung tinatapon ba ni Mae or ano. Ako naman ayoko na magsalita. Yoko naman siraan ung tao.
Sa sobrang dalas ng pakikikain ni Sir Chen sa bahay, naging close narin kami. Minsan binabasa ko ung mga papers nya. Tapos tinatanong ko about things and all, you know architect stuffs. Mahirap ung work nya talaga, executive secretary sya ehh, kanang kamay ni sir Gemini at driver pa. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba need pang ipagdrive si Sir Gemini, he can drive naman. Minsan sabi ko kay Sir  Chen if may maitulong ako sa kanya, I'm ready. Tulad nalang ng pagreremind every morning kay sir ng schedule nya, ituro nya nalang sakin, para mapagaan ung workload nya. I even asked Sir Chen to have sir Gemini's schedule for a week para mabawasan workload nya, and when we told Sir Gemini about it, pumayag naman saying it's crucial so I have to do it diligently. Kasi pag pumalpak ako si Sir Chen daw mananagot.Ako naman nagpromise to do my best.  Super nagpapasalamat si Sir Chen doon, palagi akong binibigyan ng bonus which is gustong gusto ko. Mukhang pera eh Hahahahaha. So ako na nagreremind kay sir ng schedules nya for the day while he’s eating, he also asks some opinions about things. Pinapabasa nya sakin ung mga  papers nya. Kaya ako na talagang nagbabasa ng papers nya every  now and then, nagkakaroon na ako ng ideas sa terminologies about architecture stuffs. Napakabuting tao talaga ni sir at ung lola nya. When the time came that I get my driver's license, I suggested to be the one to drive him to his office in the morning and after work in the afternoon. Bawas uli sa workload ni Sir Chen, so additional bonus uli. Seriously, I love what I'm doing. Imagine, I can drive now, na dati pangarap ko lang, at hindi pa ordinary cars ang naddrive ko kundi luxury cars.
Then came my first payday, sabi ni sir deposited na daw sa account ko, I said thank you not checking them at that moment. May tatapusin muna ako tapos magsend na ako sa mga bata. Nagulat ako nang nacheck ko kasi 60k sya, ang alam ko kasi 30k lang sahod ko, so kinatok ko sya sa study room nya, natawa pa sya, I deserve it daw. Kasi may isang job pa daw akong dinagdag sa workload ko, ung pagiging asst. ni sir Chen. I said thank you. Kaya lalo kong pinag-igihan ang lahat.  Tumawag ako sa mga anak and said maglipat na sila ng bahay asap. Wired my whole salary, para maayos at mabili nila ang  iba pang needs nila sa new house. Dahil nga nakakaipon naman ako sa mga abot ni Sir Chen at iyong pera na budget weekly for grocery day, kaya ok lang na sagarin ko ung sahod ko. Saturday, nag-attend ako zumba sa isang park that I just discover from FB,and then pasyal sa park, ibang park naman. That's my happiness ehh, gumala at mag-ipon ng pictures and memories.
Sunday, we are on our way to the mansion, excited ako, kasi may mga nabili akong toys and treats sa mga dogs. I go straight to Bella, ganoon lang uli noong nakita nya ako, tumahol sya saglit and tumalikod, letting me in again kaya ganoon ginawa ko I go inside carefully, and sit in the same spot. Bella then lie down and yawns, meaning relax sya sa presence ko, the vet and Mrs.Wang was amazed by Bella and her changes. I'm talking to her again, as if she’s my confidante, she move closer to me, and lie down again, facing me this time. Then nilabas ko ung binili kong toy sa kanya, turtle doll and a chicken rubber. After 30mins being there, nagpaalam na ako kay Bella, iniwan ko ung toys and treats sa inupuan ko. She just looked at me, noong nakalabas na ako, matagal pa siguro syang aamo pero atleast may improvement na. Then I proceed to the other dogs waiting for me, we played for almost 3 hours, hanggang nakatulog ako doon. Nagising ako, tulog din pala ung 9 na dogs sa tabi ko. Tuwang tuwa naman sila Mrs. Wang, para daw kaming mga batang napagod kakalaro. Nagpadala at nagpaset-up na sila ng food sa dog quarter doon kami kakain, nahiya ako kasi tutulog tulog ako habang yong  2 maid nagtatrabaho. May 2 maid kasi na hindi nag-off, so may nagluto.  It was a Chinese cuisine, and I ate a lot. After naming kumain, niyaya ako ni Mrs. Wang magtour sa mansion, nakikipagkwentuhan sya, sarap nya kausap, sa edad na 78 napakaganda at kinis  parin nya. So napakwento din ako about my struggles and all while driving the ebike. 1600 bumalik na kami sa mansion, maaga daw kami uuwi kasi may business dinner si Sir. But before kami nakaalis pinatawag muna ako ni Mrs. Wang. Nagulat ako nang pinapasaok nya ako sa room nya, she gave me jewelry. Ayoko sanang tanggapin kasi nakakahiya or baka mamaya sabihin ninakaw ko, nega ako ehh hahahaha, pero mapilit sya and with the help of sir Gemini, I had no choice tinanggap ko na. Gold necklace un with ring and bracelet, it was a set from Tiffany&Co. Ako na hampaslupa, ordinaryong gold lang ang nahahawakan. At nagpaalam na ako uli sa mga dogs and Bella. Hindi nya ginalaw ung treat and toys pero nilapitan nya. Papasaan ba at magiging ok din si Bella.

And 4months had gone so fast, I signed a contract with sir Gemini, hindi na daw babalik si Mae, kaya 2years contract na iyon. Ako narin talaga nagddrive kay sir sa office and sundo, at kapag Sundays pag pupunta kami sa mansion. Yong mga anak ko sa Pinas nakalipat na sa mas maayos na bahay, may kwarto na na sarili si Viene (second child,unica hija). At may tindahan pa kaya binigyan ko si Recca (my first born son) ng puhunan. Para may kita din apart from remittances. Nakabili din sya ng lumang trike unit na private, pangservice kay Viene and Rush (youngest son) sa school, at kumuha narin sya ng ibang  student na nagpapaservice. Kada buwan kasi, nakakapagpadala ako sa kanila ng 45k plus kay Roy 25k. Di na hirap kahit papaano.
Eventually Bella was somewhat healed na, after 3months. She loves me so much, super naging clingy nya sa akin, and we all let her be. She also start socializing with her siblings. The vet and Mrs. Wang were very happy. Ako naman proud sa sarili ko and Bella that made me missed Marang more. Im so happy for Bella. And whatever is happening in my life right at that moment.
On Saturdays, I can go hiking, training or Zumba. Nalilibot ko yong Macau. Kaya kahit sabihin na maid lang ako. So what?! may utak naman at nagagawa ko naman lahat at sinuwerte naman ako sa boss.
I'm still continuing my studies. And keep learning things. I also learn to cook different cuisine with Sir Gemini's encouragement, saying with my cooking talent sisiw nalang daw iyon sa akin. Minsan kasi nagcrave sya ng  Thai food, tapos naglunch out kami to satisfy his cravings, habang kumakain kami, nilalasahan ko yong pagkain and tinanong yong name ng dish. Kinabukasan sinubukan kong gawin, at noong ipatikim ko kay Sir Chen, nagulat ito kasi kalasa daw talaga ng Gaeng Keow Wan Gai  and Gaeng Daeng na kinain namin. At dahil nga mahilig ang magbestfriend sa Thai food inaral ko talaga. Pero mas madalas parin silang dalawa magrequest ng Pinoy foods.
At dahil siguro naging expose na ako sa architecture parang gusto ko narin magArchitect eh kaso I think I'm too old for that.

Heartstrings in the House of Steel 1: Macau's Architect and His Team"Where stories live. Discover now