Plead 2

9 1 0
                                    

Plead 2: Again

"Bye Mama!" Sigaw ng anak habang papasok sa pampublikong paaralan nito.

Hinahatid palagi ni Shaira ang anak sa paaralan at dumederetso na ito sa maliit ngunit kilalang cafe and bakery na pinagtatrabahuhan niya.

Lingid sa kaalaman ng anak na hindi na sagot ng ama nito ang pang-araw-araw na gastusin nila. Magmula noong palagi nang nagseselos ang kasintahan ng asawa ay binawi na nito ang suporta sa anak at tanging pag-aaral lamang nito ang itinira na hindi pa nagkasya para sa prelihiyosong eskwelahan.

"Magandang umaga po, chef Chad!" Bati niya sa amo na siyang baker din dito.

Dalawa lang sila ni Chad ang nagbebake ng mga tinapay na araw-araw na idenidisplay at ng mga cakes na inoorder for any occasions.

"Good morning, Shai." Bati pabalik nito at muling inasikaso ang tinapay ni nilalagyan nito ng filling.

Seryoso ang amo at walang kahit na ano mang kapilyuhan sa katawan ngunit hindi naman maipagkakaila na mabait ito at maalahanin sa mga empleyado.

Pumasok na siya sa locker room para magbihis ng damit upang makatulong na sa amo.

"Oh, bago na naman 'yang sugat at pasa mo ah? Sinaktan ka na naman ng tiyahin mo?" Narinig niyang wika ni Jenny na siyang waitress dito sa cafe. Kasama niya itong nagbibihis ngunit apron at hairnet lamang ang isinuot nito.

Hindi alam ng mga katrabaho na may asawa siya, ang alam lamang ng lahat na siya ay may anak at naninirahan sa tiyahin na palaging siyang pinagbubuhatan ng kamay.

"Naku, hindi. Nahulog lang ako sa hagdan dala ng katangahan kaya ganito." Dipensa niya.

"Eh, magtigil ka! May nahuhulog bang pantay ang pasa sa pisngi? Naku, bawas bwasan mo iyang pagsisinungaling mo ha? Baka isumbong kita sa nobyo ko at mawalan ka dito ng trabaho." Hirit pa ng katrabaho na siyang ikinatawa nilang dalawa.

Crush kasi ni Jenny si Chad, at kahit na wala pa silang relasyon ay halos ipaglandakan na ng dalaga na nobyo niya na ito.

"Sus, ikaw ang tumigil sa kahibangan mo, Jen." Napatawa siya. "Ni hindi nga alam ng nobyo mo daw na nobyo mo siya!"

Inirapan lang siya ni Jenny at pakembot-kembot na lumabas sa locker room. Napailing nalang siya at napatawa ng mahina. Kahit naman ganito ang mga pinagdadaanan niya ay may karapatan parin siyang tumawa at ipagpatuloy ang buhay hindi ba?

Bente-nuebe palang naman siya at kung hindi sana dahil sa isang aksidente ay masaya sana siya ngayong nagkakacrush at nagpapaka-delusional kagaya ni Jenny. Kay aga niyang iniwan ang pagiging dalaga at lubos niyang pinagsisisihan iyon. Kung sana ay mas maaga niyang naapreciate ang "Freedom" sana ay Malaya pa siya sa buhay ngayon.

Alas-onse emedia na nang matapos sila sa pagbebake ng amo, tamang-tama upang mapuntahan na ang anak at pakainin ito ng tanghalian.

Nagpaalam muna si Shai sa mga katrabaho at nilakad na lamang ang distansya ng cafe papuntang paaralan. Malapit lamang ito at ni hindi man lang siya pinagpawisan.

"Mama!" Kaway ng anak nanakaupo sa palagi nilang pwesto kada tanghalian.

Agad niya itong nilapitan at umupo sa harapan nito.

"Kanina tinanong kami kung sino ang haligi ng tahanan," kwento ng anak kasabay ng pag-irap nito, maldita talaga ito pagdating sa ama. "Ayun, sabi ko si mama ko ang haligi, tawanan ang lahat, ama daw kasi dapat ang sagot. Tawanan, tawanan eh mga bobo naman!"

"Bibig!" Saway niya sa anak habang inihanda na ang pagkain.

Pinagmasdan niya ang anak na malinis at maganda pa ring tingnan kahit tanghalian na. Responsable naman kasi ito hindi kagaya ng mga kaedad niyang ang iba ay mga bata isip pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PleadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon