Nang muli silang makasakay ni Gabriella ng kotse, may isang Tupperware siya ng pancit sa backseat at nangaki siya sa tatay ng dalaga na babalik siya sa linggo dahil papayag lamang ang nanay ni Gabriella na magluto ng lechon kawali jung naroon silang dalawa.
"ang astig ng tatay mo," sabi ni Warren nang muli na siyang nagmamaneho palabas ng subdivision.
"oo makulit yun. Saka halatang gusto ka niya. Gusto karin ng mama ko. Hindi mag-o-offer ng lechon kawali yun kung dika niya gusto."
Sinulyapan niya si Gabriella. "so okay lang sayo na babalik nga tayo sa linggo?"
"sakin eh, ikaw ang may schedule. Ako naman, habang bakasyon, okay lang sakin kahit araw-araw pa akong bumalik dito."
"di hindi ako hihindi. Gusto kong matikman ang lechon kawali ni tita Bianca. Magdala na lang tayo ng dessert."
Inabot ni Gabriella ang braso noya. "gusto mo ba talagang bumalik dito?" mahina nitong tanong.
"are you kidding? Gusto ko na ngang tumira rito," tawa niya. "i love your parents. Naiinggit nga ako. Eh. Sana ganon ako ka close sa sarili kong parents."
"close ka naman yata sa ate mo, diba?"
"iba parin yun." nakahinga nang maluwag si Warren nang makita ang gate palabas ng subdivision. Hindi pa rin siya binibigo ng memorya niya. "bat ka nga pala hindi masyadong kumain kanina? May nararamdaman kaba?"
"masakit tyan ko, eh. Hindi ko alam kung bakit."
sinulyapan niya ang dalaga. "anong klaseng sakit?"
"wala ito. Nalipasan lang ako ng gutom kanina tapos biglang kumain. Ganoon ako, eh."
"sigurado ka, ha."
Tumango si Gabriella bago binago ang usapan.
Nang marating nila ang apartment nito, bumaba silang dalawa ng sasakyan at inihatid niya ito hanggang gate."thank you sa paghatid sakin," nakangiting sabi ni Gabriella habang nakatingala sa kanya.
"You're welcome. Actually, ako ang dapat magpasalamat. I really enjoyed dinner with your parents."
"sa uulitin?" biro ng dalaga.
"sa sunday." itinulak niya pataas sa ilong ni Gabriella ang salamin nito sa mata, hinaplos ang pisngi nito bago bumaba sa balikat at braso nito ang kanyang kamay.
Kinuha niya ang mga kamay nito at pinisil ang mga daliri ni Gabriella."good night, Gabriella," bulong niya.
Ngumiti ang babae. "good night, warren."
Then he bent down ang gave her a soft, gentle kiss on the lips. Iyon ang maaari niyang ibigay rito kung ayaw niya itong takutin. Matapos ang halik, nag-angat siya ng ulo, ngumiti at binitawan ang dalaga bago bumalik sa sasakyan. Buti at nakakalakad pa siya kahit na maigting at tumitibok ang buo niyang katawan. Mabilus siyang nagmaneho paalis.....
YOU ARE READING
IF YOU COULD READ MY HEART
RomanceParang namuo sa sikmura ni Gabriella ang kinain niya nang malamang ang secret crush ni Warren ang rason kung bakit gusto ng guwapong dyslexic na matutong magbasa. Ano ba ang inaasahan niya? Na magkakagusto sa kanya ang binata? Hindi mga nerd na Eng...