Chapter 17

107 4 0
                                    

Nag iisip si Warren ng ipapakain kay Gabriella pagdating nito para sa Wednesday schedule nila nang mag-ring ang kanyang telepono. Napangiti siya nang makita ang larawan ng dalaga sa screen. Hanggang ngayon, dalawang araw matapos ang malalim nilang halikan, nalalasahan parin niya ang mga labi nito.

"Hi, Gabriella!" masaya niyang bati pero hindi si Gabriella ang nasa kabilang linya.

"Warren," sabi ng tinig. "si tita mo ito, mama ni Gabriella. Hindi siya makakapunta mamaya sa lesson ninyo. Nasa hospital kasi kami. Baka ma confine siya."

"po?" napatayo siya sa pag-alala. "ano raw po ang problema?"

"ilang araw na kasing masakit ang sikmura. Hindi namin alam, baka ulcer. Nagpa check up kanina kaya lang gusto na siyang ipa admit ng doktor kasi matindi yung sakit ng tiyan niya."

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanyang silid para magbihis. "saang hospital po? Pupuntahan kona kayo."

"Ah, sige. Sa MIBI." binigyan siya ng direksyon ng babae habang nagbibihis siya.

"sige po, tita. Papunta napo ako
May kailangan po ba kayo?"

"Naku, wala naman. Pauwi na rin naman si tito mo galing sa opisina. Dadaan na muna siya rito bago umuwi para kumuha ng damit kung ma confine nga si Gabriella para mabantayan namin."

"sige po. Papunta napo ako."

Mabilis siyang bumaba sa garahe at pinaandar ang kanyang kotse. Tumawid siya ng EDSA patungong C5.
Alalang alala siya. Sinasabi na nga bat iba ang putla ni Gabriella nang umalis sila mula sa bahay ng mga magulang nito noong isang araw, eh. Kung bakit kasi hindi pa siya nagpumilit na busisiin ito.

Traffic sa C5 pero dahil mabagal ang andar  ng mga sasakyan, hindi siya lumampas sa ospital na sinasabi ng mama ni Gabriella. Pumarada siya sa bakanteng parking space at bumaba ng sasakyan bago nagmadaling nagtungo sa nurses station sa ground floor. Nang ibigay sa kanya ang room number, hindi na niya hinintay ang elevator at nag hagdan na lang siya paakyat.

"baka manganganak ang misis," narinig niyang sabi ng lalaki sa kasama nito nang muntik na niyang mabangga ang dalawa sa pagmamadali niyang umakyat.

Kumatok siya sa silid ni Gabriella at pinagbuksan siya ng ina nito. Humalik siya sa pisngi ng matanda pero agad na nagtungo sa dalagang nakahiga sa kama ang kanyang paningin. Halatang nagliwanag ang mga mata nito. Lumapit siya rito at kinuha ang kamay ni Gabriella.

"anong nangyari?" kunot noo niyang tanong.

"appendicitis," namumula nitong sagot. "hindi ko alam kung paano ako nagkaroon nito pero yun nga raw."

"eh, di ooperahan ka?" nagtungo sa IV line ang mga mata ni Warren.

"oo," sabi ni Gabriella na namasa sa luha ang mga mata. "good luck naman sakin, diba? Buti nga at hindi ako hinimatay nang nilagyan ako ng IV, eh pupunta pa rito yung doktor mamaya para i-explain yung gagawin nilang procedure. Baka masuka ako sa takot."

Pinisil niya ang kamay ng dalaga. "di sasabihin natin na huwag nang idetalye kung paano ka nila hihiwain,"

Pabiro niyang saad at mahinang tumawa nang mamutla ang dalaga."

IF YOU COULD READ MY HEART Where stories live. Discover now