Chapter 2

2 0 0
                                    

Ivy's POV:

"Anak gising na, may pasok ka pa diba?"

ito ang mga salitang sumalubong saaking umaga. Ka badtrip school nanaman? To be honest, wala talaga ako pake sa acads sadyang matataas na lang bigla ang mga grades na nakukuha ko kahit di ako nag rereview.

Gusto ko lang din pala asarin yung si Xierra dahil sabi nila siya raw ang top 1 ng klase since grade 7, at ako naman ang top 1 saaming room, not until nilagay kami sa iisang section ni Xierra last school year.

Literal na palitan kami maging top kada quarter.

Honor Students:

1st Quarter:
Xierra Ozora Solacé
Ivy Noelle Sanchez
Emily Santos
Jeliah Marie Dela Cruz
Melissa De Vera

2nd Quarter:
Ivy Noelle Sanchez
Xierra Ozora Solacé
Jeliah Marie Dela Cruz
Melissa De Vera
Emily Santos

3rd Quarter:
Ivy Noelle Sanchez
Xierra Ozora Solacé
Melissa De Vera

4th Quarter:
Xierra Ozora Solacé
Ivy Noelle Sanchez
Jeliah Marie Dela Cruz

Nakakainis talaga na si Xierra yung top 1 sa 4th quarter, at dahil doon, ay siya yung inannounce sa aming Recognition Day na top 1 dahil siya ang no. 1 nung 4th qrtr. Noong tinotal kasi ang grades naming lahat from first quarter to fourth quarter, pareho kami ng average. Kaya raw para makapili sila ay yung "recent" na top 1 na lang daw, tsk.

"Anak bakit tulala ka diyan? hindi mo naman kailangan mag come up kaagad ng idea basta ang mahalaga ay maka isip ka ng paraan-"

"Talaga bang sa tingin mo ang isang tulad ni Ivy na walang pakealam sa ating business ay makaka isip ng paraan?? Hay babae kasi kay malas naman talaga."

sabat ng dad ko.

To be honest hindi ko narinig ang topic dahil nga iba ang nasa utak ko. Pero grabe naman mang maliit ang dad ko? Babae? So? Yes I'm a girl but it doesn't mean I cannot come up with a solution.

"Kahit na, anak kapag naka isip ka ng paraan paano natin maayos tong plagiarism issue ay agad mo saking sabihin ah!"

ahh about doon sa issue namin.

"If you're going to wait for her solution, honey, Lulubog ang ating company. If you don't want us to go bankrupt, let's accept the truth that she will never be our company's CEO."

seryosong sabi nito.

Aba grabe naman siya mang maliit saakin, teka mag iisip ako ng paraan. Think Ivy Noelle, think!!!

AHA !

"Since you don't trust me to come up with a solution, I guess I won't tell you about my suggestion, dad."

Napatigil sa pagkain si dad at tumingin saakin.

"At ano naman yang so called idea mo?"

tanong nito na may halong insulto.

"Let's make an alliance with Solacé Perfume."

maikli kong sagot.

"alliance? really? The fact that I truly believed you would have a brilliant idea makes me laugh. Continue eating, sweetie, before-"

"I apologize for interrupting you, sir, but I think Ivy's suggestion is fantastic. I believe your daughter's suggestion would be successful because many people believe that this situation is not accidental and that both your company and Solacé's are preparing something big. They also believe that you and Solacé Perfume may have an alliance and that this is how you would like to announce it because of this, thus I think your daughter's theory would be successful."

pag sagot ng secretary niya.

"How can we get in touch with Solacé, specifically? How can we persuade them to work with us in order to clear our own name? What will they gain if we succeed in pulling this off given that the majority of people are now on their side?"

"Well sir why don't we invite them to a party? a private one, so we could talk about these matters privately."

"We'll see. I suppose your notion, Ivy, isn't so horrible after all. Why don't we talk about these after we finish eating?"

asus napahiya ka lang dahil pagka tapos mo ako laitlaitin sa harapan ng mga ka work mo ay maganda naman pala talaga yung idea ko after all tsk.

Xierra's POV:

Nag titingin tingin ako ng news at mukha namang majority ay naka side saamin, so sino kaya tong tumatawag saakin? paano niya nakuha number ko??

Aghh kapagod maging ganito ang buhay, walang peace of mind jusko!!

Naka upo lang ako ngayon saaming sofa at nanonood ng news. Grabe kahit sa tv about our company pa rin ang naririnig ko, kainis!

Pinatay ko na lang ang tv ng mapahinga naman utak ako tungkol diyan sa issue!

"Xierra darling, do you have any plans tomorrow with your friends?"

my mom asked.

"Wala naman po, bakit po?"

"Well, we'll discuss kasi wtih Beauty San about this issue, gusto nila tayo makita at maka usap lahat."

"Kasama ako? eh baka ipagkalat nila info ko ah, trusted ba yan eh they copied our work nga."

"Shh grabe ka naman mag salita Xierra, that's bad! We shouldn't judge them just because of this incident, malay mo naman diba coincidence lang talaga or may reasonable reasons sila why they did this."

"Okayy fine I'll go na!"

"That's my girl! dress nicely tomorrow ah."

"Okiee!"

The Next Day 

Xierra's POV:

Okay naman na siguro tong suot ko noh? Hindi naman maraming tao ang makaka kita saakin so whatever!

"Psst Xierra, hurry up! Baka malate tayo, ang pangit naman non kung ganon."

pag mamadali saakin ni mom.

"Okay po ito na !"

Dali dali akong lumabas ng aming bahay at sumakay sa kotse.

Suot ko nga pala ay dress na kulay hot pink kasi hot ako char!

Nandito na kami sa venue at ang shala ng datingan ah akala mo mag ccelebrate lang ng kung ano eh ang totoo ay pag uusapan nila ang issue na naganap lol.

"Welcome Solacé Family"

pag bati naman ng isang butler.

Nag lakad lakad kami at inutusan ako ni mommy na umupo sa no. 15 na table. Agad ko naman ito sinunod at umupo ako.

Meron daw ako dapat imemeet dito eh, yung anak ata nung mag asawang Sanchez.

"Nice to meet you Miss Solacé!"

sabi ng isang pamilyar na boses.

Agad naman akong tumayo at humarap sakanya upang batiin siya.

"Nice meeting you too Miss-"

"IVY!?"







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Expect The Unexpected Where stories live. Discover now