Kabanata 1

584 50 29
                                    

I just had sex with Mr. Montecarlo! Of all the people! Pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana. Hindi ko alam pano itataas ang nabuwag na kompiyansa sa sarili ng nakitang di nabubura ang malaswang ngisi niya sa akin.

Agad akong nagngitngit sa inis pero hindi ko pwedeng maipahalata. I don't want to be weird. Lalo na at lahat ng mata ay nakatuon samin. Nasa ere padin ang kamay niya at kita kong nanonood ang parents niya sa likod. Kita ko din ang unti unting pagkunot ng noo ni mommy.

I sighed before I took his hand. Mabilis na nakipagkamay na parang wala lang at agad na binawi.

"Let's go to our table?" The Montecarlo patriarch invited.

"Hintayin natin sina kuya, hon." Si Mrs. Montecarlo na palinga linga. Tila may hinihintay. Ginaya tuloy siya ng asawa na luminga linga din.

Raymond stepped back that made way for mommy to stand beside me. "Ikaw bata ka. Pakikisama lang. Antagal mo pang kunin ang kamay. Nakakahiya." Halos hindi bumubuka ang bibig para hindi mahalatang pinagsasabihan ako. Muli akong bumuntong hininga.

"They're already here. At the exhibit." Dinig kong sabi ni Raymond sa ama. I'm not sure who are we waiting, pero gusto ko ng maupo. Hindi. Gusto ko ng umuwi!

"Ben, Can you call my brother and my niece, please? The event is about to start." The Montecarlo patriarch instructed a man in uniform na agad naman tumango.

"May binili pong painting si President sir. Pupuntahan ko po." Sagot naman nung lalaki at nagpaalam.

Mr. Montecarlo's brows furrowed. "That's the exhibit. Ano ang bibilhin niya doon?" He sounded confused and impatient pero hindi na narinig nung Ben ang pahabol na tanong niya. Bumaba ang tingin nito sa asawa pero nagkibit balikat lang naman ang huli.

Para libangin ang sarili, sinubukan ko ding lumingon sa paligid para maestima ang lugar. People are pooling on this side of the function hall and already looking for their designated tables. May mga ineescort pang VIPs.

I heard ate Emma trying to strike a conversation with the Montecarlo scion while I'm trying to distance myself from their group. Especially that that man is not that conversational at panay pa ang lingon sa gawi ko, tinatago ang kakaibang ngisi. While I'm here trying my best to avoid any eye contact. More so being involved in any conversation!

Saglit pa kaming naghintay pero hindi naman dumating ang pinatawag noong matandang Montecarlo. Sinabi ay mauna na daw kami.

"Siguro mauna na tayo? What do you think?" Pagpepresinta ni mommy. Ako ang nahiya dahil mukhang kamag anak ang hinihintay nitong mga Montecarlo pero siya gusto ng mauna. Bakit kasi hindi tayo ang maghanap ng sarili nating mesa mommy? Bat kailangan pa sumama sa kanila?

"I guess you're right. Can you check with kuya, please? What's holding them off?" Ani Mrs. Montecarlo sa isa pang lalaki na lumapit. May suot itong ID. Tila organizer.

"Pinatawag nga po namin kanina pero ang sabi ay mamaya pa daw po. Saglit at babalikan ko madame." Sagot nito at agad na umalis.

It's so awkward. Si mommy, pilit na nakikipagusap doon sa babaeng Montecarlo. Si ate naman, pilit kinukuha ang atensyon ng lalakeng gusto niya.

"Oh Elisse! Thank you for coming!" Si Mrs. Montecarlo sa isang middle-aged na babaeng dumating kasama ang pamilya. Nakipagbeso ito sakanya. Pinakilala din ni Mrs. Montecarlo si mommy sa kausap. Ganun din sa asawa at anak nitong lalaki.

Inusisa pa ni mommy ang business ng pamilya Rodriguez. Ang ginang, may ari pala ng chains of hotels, Royal MZ suites ata ang pangalan at ang isa may Luxe. Ibang apilido. Hindi ko natandaan ang pangalan. Ang asawa naman niya, ay business partner daw ng mga Montecarlo dahil furnitures naman ang negosyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's always been you (Montecarlo Heir #3)Where stories live. Discover now