Unknowingly, I found myself meeting with Remus at the back of the gym every lunch time. Gaya ng unang pagkikita, hindi kami masiyadong nag-uusap. He's just there, sitting in front of me as I ate my lunch. Minsan ay may dalang librong binabasa o kaya ay abala sa cellphone niya.
Ang weird man pero, naramdaman kong hindi ako nag-iisa kapag nandiyan is Remus. Kahit tahimik kami, hindi ko ininda. At least, someone is there.
Kapag natatapos akong kumain at aalis na ay siya ring pagtayo niya at alis kasabay ko. Habang naglalakad pabalik, hindi ko maiwasang hindi magsalita.
"Palagi kang nasa likod ng gym tuwing lunch pero, hindi kita nakikitang kumakain," sabi ko. Ang nakapamulsang si Remus ay nilingon ako.
"Concern ka?" he asked, teasingly.
Kumunot naman ang noo ko. "Nagtatanong lang ako. Kasi kapag napunta ka roon, may dala kang libro o cellphone pero, walang pagkain. Kumakain ka ba?" tanong ko. Remus chuckled.
"Kailangan ko kasing magbantay..." sabi niya at sumulyap sa akin.
"Bantay?" nagtatakang tanong ko. Remus shrugged playfully.
"Binabantayan ko 'yong mga halaman sa likod ng gym," sabi niya pero, nakakunot pa rin ang noo ko. "Inatasan kasi akong magbantay doon kaya ayon... kailangan hindi ko alisin ang mata ko sa binabantayan ko."
I remained silent after that. Hindi na rin ako nakapagtanong pa nang matanaw na ang classroom ko. Remus bids goodbye as he walked away.
Pag-uwi ko ay sumalubong sa akin ang malakas na tawa ni Kiel mula sa sala kaya mabilis akong pumasok. My brother is now one year old. He can walk now but, in a slow pace. Sinasanay na siya nina Mama na maglakad kahit mabagal at nakakapagsalita na rin siya ng ilang words. He can now call Mama, Papa, and even me. Kaya nang nakita ako ay nagpababa siya mula sa kandungan ni Mama at naglakad palapit sa akin. I kneeled until he reached me.
"Ate!" he happily stated and hugged me, making me smile. Hinalikan ko sa noo ang kapatid.
"Hello, baby ko!" bati ko at tumayo bago hinawakan ang kamay niya. Naglakad siya habang hawak ang kamay ko. Nilapitan namin si Mama na nakaupo sa sofa at pinapanood kami.
Nagmano ako kay Mama Kali at binuhat si Kiel para maupo sa tabi niya.
"Kumusta, 'nak?" tanong kaagad ni Mama at kinuha ang bag ko bago pinatong sa tabi ni Kiel. Ang kapatid ko naman ay kinalikot kaagad ang bag ko.
"Ayos lang po. Medyo pagod sa dami ng ginawa pero, kaya naman..." I answered before biting my lower lip.
Tumayo si Mama at nagsabing ihahanda na ang hapunan dahil pauwi na rin daw si Papa. I played with Kiel for a bit before going to my room to change. Nang makapagpalit ay lumabas ako at binalikan ang kapatid kong tahimik na naglalaro sa may sala.
As I watch my brother play, I couldn't help but remember the events back then. How he cried suddenly when I was about to leave for school. Hindi ko akalain na isa palang senyales na may mangyayaring masama ang pag-iyak at pagkapit ng kapatid ko sa akin. It's like he knows I'll be gone that's why he doesn't want me to go.
Muli, nanaig ang kirot sa puso ko nang manumbalik ang ala-ala ng nakaraan. I took a deep breath and just busied myself by playing with Kiel's toy cars.
Bumukas ang pinto at doon ay mabilis na napalingon si Kiel. He cheered when he saw our father.
"Papa!" Kiel exclaimed, raising his arms. Papa Yuri immediately smiled. Naglakad siya patungo kay Kiel at binuhat ang kapatid ko. Ako naman ay tumayo at kinuha ang bitbit na bag ni Papa. He turned to me and kissed my forehead.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...