Chapter 3: Sa Clinic....

11 0 0
                                    

.........(mulat... Mulat.... Mulat......) Nagdilat na ng mata si JAne. Pagmulat ng kanyang mga mata si Mike ang nakita nya

Jane: Mike?.........Ahm... Bakit ikaw ang nandito? asan si Liza?

Mike: Jane buti naman ngkamalay ka na..... Si Liza pala pumunta sa  bahay nyo para puntahan ang mama mo.

Jane: Ahm.... ganun ba? Salamat Mike ha?

Mike: Naku wala yun Jane basta para sayo.

Jane: Anu yun Mike?

MIke: Ah wala heheheheheh. sabi ko nagmabunting loob lang ako. Nakita ka kasi namin na bigla nalang bumagsak kaya tinulungan ko na lang si Liza na dalhin ka muna dito sa clinic.

Jane: Ah. Salamat ulit ha?

Dumating na ang Mama ni Jane kasama si LIza Sa clinic ng eskwelahan nila. At nasa mukha ng ina nito ang pagaala dahil alam naman nito na may sakit ang anak ngunit nagpumilit pumasok si Jane.

Aling Mely: Oh anak.... sabi ko naman sayo wag ka na munang pumasok eh. Ayan tuloy.

Jane: Okay na naman ako Mama. Ikaw talaga... O.A. magreact. Kaya love kita eh.

Liza: Naku! Nakakainggit naman tong magina na to sige na kau na! hahahaha. Nga pala tita mely, eto nga pala si Mike.....(sabay hila kay Mike na nakaupo sa sulok) Siya po tumulong sakin dalhin si Jane dito sa Clinic.

Mike: Ahm magandang hapon po mam.....(Nginitian nya ito)

Aling Mely: Ah iho..... Salamat sa pagtulong mo ha?

Mike: Wala po yun mam.

Aling Mely: Ah iho siya nga pala. Malapit na ang kaarawan nitong prinsesa ko. Ako na magiimbeta sayo. Punta ka sa birthday ni Jane ha?

Mike: (Nahihiya pero syempre pagkakataon nya na yon para malaman ang bahay nila Jane) Ahhhhmmmm..... Maraming salamat po. Sige po pupunta ako.

Naputol ang kanilang usapan ng pumasok muli ang nurse na nagasikaso kay Jane sa kwarto ng clinic.

Nurse: Mam kayo po ba ang magulang nya?

Aling Mely: Opo ako nga.

Nurse: Pwede na po siguro ilabas si Jane, Napainom na po namin cya ng gamot kanina. At mukhang bumuti naman po sya.

Aling Mely: Salamat ho.

.........Tinulungan ni Aling Mely na makabangon si Jane. Si Liza naman ang nagdala ng gamit ni Jane. At si Mike? Teka asan si Mike? Bigla na lamang itong nawala sa clinic..... Iniisip nalang nila na umuwi na ito at hindi na nakapagpaalam dahil abala sila sa pag asikaso kay Jane.

The Love that I feel from YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon