Araw na ika-labing walo,
Ramdam na ang pagkatalo.
Nahulog nang walang sumalo,
wasak na yaring pagkatao.Isinusulat ang aklat,
na puno ng dumi at kalat.
Buhay na minamalas, inaalat,
tila ayaw na ngang magmulat.Ikaw lang ang kinausap,
naubos na yaring pinapangarap.
Nawala na ang kinang at kislap,
gumuho na ang hinaharap.Dumoble ang sanlibong duda,
Hindi na kaya ang mga kaba.
Sa sampung naubos na tiwala,
hindi na makatingala pa sa tala.Paano matatapos yaring hinagpis,
hindi na maiguhit ng natitirang lapis.
puso at isipan, biglang nagka wangis,
takot, pag-aalala, lubos na pagtangis.10/18/2023 👣

YOU ARE READING
M.V.R.C.K
RomanceA collection of unsaid thoughts for a favorite person at the moment. This diary was written with much of love and passion for that one person alone. MVRCK is all about love in another life.