Syamnapu't anim

14 1 0
                                    

Ika-siyamnapu't anim na araw,
tuluyan nang umayaw.
Mundo'y tuluyan nang nagunaw,
katinuan ng isip muntik bumitaw.

Humihikbi ng palihim,
sinisigaw ng puso'y ikaw pa din.
Ngunit kahit ano pa mang laban natin,
kung unang tumutol ay yaring pangitain.

Hindi na gagambalain,
hindi na aabalahin.
Ihihinto na bawat dalangin,
na ikaw sana'y mapasakin.

Sasabayan ang langit sa pagluha,
bubuhos ang ulan sa mga mata.
Bagyong matatamis na salita,
Parang delubyong ayaw na maniwala.

Isipan na mapandikta,
sakit ay umaapaw na.
Hindi na kayang panghawakan pa,
mga kilos mong di mapapatunayan na.

Hiling ko'y kapayapaan,
ng isipan mong tila pagod na.
Ngitngit ko sa buwan ika'y masdan
Habang ako'y nakatitig sa kalangitan, sa kawalan.

-Yang 💚

M.V.R.C.KWhere stories live. Discover now