CHAPTER 1

154 1 0
                                    

NAPANGANGA ako ng makapasok sa napalaking bahay hindi lang basta bahay kundi exclusive mansions. Napatingin ako kay mama na hindi makapaniwalang nakapasok kami sa mansion ni Tito Dylan Callahan.






" Napakalaki naman ng bahay nyo mahal ko." komento ni mama habang nakatingin sa kumpol ng rosas na nasa isang antigong vase.






" Two months from now honey this house are become ours," nakangiting saad ni Tito Dylan. Nagkakilala si mama at si Tito Dylan sa Cavite nung umattend sa kasal ni ate Saida kapitbahay namin.






" Magandang umag, Senior." bati ng isang ginang kay Tito Dylan. " Nagpahanda po ako ng pagkain para sa inyong mga bisita," tumango naman si Tito.






" Umuwe naba si Vance? " Vance? Siguro anak iyon ni Tito Dylan. Napatingin ako sa may magandang hagdanan. Bumaba duon ang isang lalaking nakasuot ng gray shirts at cargo shorts, magulo ang kulay pula niyang buhok.






" Dad who are they," walang gana tanong ng lalaki. Napaiwas naman ako ng tingin ng lumingon siya sa akin, sobrang kinis ng kanyang mukha at kulay asul ang mga mata.






" This is Merlinda called him Tita Merlinda for respect. And this is her daughter, Mina." pagpapakilala ni Tito Dylan sa amin.






Kahit shirts at cargo shorts ang suot niya ay sobrang gwapo parin niyang tingnan. Nahiya naman ako sa suot kong floral dress at doll shoes, wala naman trabaho si mama para maibili ako ng magandang damit.






" Tss." lumabas na siya ng bahay na parang hindi kami nakita. Sumunod kami kay Tito Dylan dahil inaya niya kami papunta sa kusina.






Nagutom ako ng sobra ng makita ang napakaraming pagkain may ibat-ibang klase. Napakahaba din ng lamesa at may labin-dalawang upuan na may ulit na bulaklak.






" Manang Celia this is my new girl and become my wife soon. Itrato nyo sila na parte na ng ating pamilya, pakihatid nadin si Mina sa kanyang magiging kwarto." tumango naman ang ginang.






".. Mina isasama ko muna ang Mama mo sa rest house namin sa Batangas. Kung may kailangan ka tawagin molang si Manang.." tumango ako. Humalik na ako kay mama habang ginulo naman ni Tito Dylan ang buhok ko.






NANDITO ako ngayon sa kwartong pinagdalhan sakin ni Manang Celia. Kulay white and blue ang kulay ng buong silid maging ang kumot ay bedsheet nito.





Napaupo ako sa malambot na kama at saka inilabas ang family pictures namin. Nakulong si Papa eight years ago hanggang sa nalaman ko nalang na naghiwalay na sila ni mama.






" Masaya kaya tayo ngayon kung hindi gumawa ng krimen si papa? " tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa mukha ni Papa.






First year college lang ang narating ko dahil hindi na kinaya ni mama ang pagpapaaral sa akin. Tumayo ako sa saka binuksan ang malaking bintana nasilaw tuloy ako sa matinding liwanag.






Napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa bench na nasa tabihan ng fountain. Nakasuot siya ng salamin habang nagbabasa ng libro, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong ialis ang tingin ko sa kanya.






" What are you looking at.." kaagad akong tumago sa sobrang gulat ko ay naumpog pa ako sa pader.






KINAGABIHAN ay bumaba ako dahil sa tawag ng isang maid na handa na ang hapunan. Napahawak ako sa aking noo na merong bandaid, nakita ko si kuya Vance na nakaupo sa upuan at kumakain.






" M-Magandang gabi kuya V-Vance." napalingon siya sa akin habang nakataas ang kilay. Hindi ba niya nagustuhan ang pagbati ko sa kanya?






" What did you say ' Kuya '. We're not siblings so don't called me Kuya." sabi nito. Bigla naman akong nakaramdam ng kahihiyan, bakit ko nga ba siya tinawag na Kuya!






Naupo ako sa bakanteng upuan sa tapat niya, kumuha ako ng isang steak. Naiilang ako sa hindi ko maintindihang dahilan pakiramdam ko kasi ay nakatingin siya sa akin.






" Why are you shaking? Don't tell me your scared at me.." napalunok ako dahil sa kanyang tanong. Yumuko naman ako pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.






" K-Kuya V-Vance," pakiramdam may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng dumampi ang kamay niya sa katawan ko.





" Don't called me Kuya." may halong inis na sabi nito. " Vance or Duke are enough," napatango ako ng di'oras dahil sa tanong niya.





Nahiga na ako ngayon sa aking kama. Napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Pilit kong ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.






A N N E - K A G A B L E

OBSESSION  2: Vance Duke Callahan Where stories live. Discover now