CHAPTER 10

68 0 0
                                    

PANAY ang kwento sa akin ni Mikaela tungkol sa naging date nilang dalawa ni Elliot. Masasabi kong mukhang seryoso naman si Elliott kay Mikaela base nadin sa kwento niya.


" Sinabi din niya sa akin na ipakilala niya ako sa kanyang parents. Kinakabahan nga ako e," masaya niyang sabi kaya naman kaagad akong ngumiti. " Sandali anong nangyare sa kamay mo? "


" A-Ahm wala lang ito." sabi ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Ayokong sabihin sa kanya na dahil ito sa pagiging wild ni Vance sa kama.


" Namumula ka, beshy." pangaasar niya kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kahihiyan. " Ganon ba ka wild ni Vance kaya nagkapasa ka sa katawan.." natatawa niyang sabi.


" Hello girl's." pareho kaming napalingon ni Mikaela at nakita namin sina Vance, Elliott, Mathias at Bram. Bakit ba ang ga-gwapo nilang lahat.


" Don't look at my girl." paalala ni Vance sa kanyang mga kaibigan at mabilis akong hinila papalapit sa kanya. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig nagtawanan naman ang kanyang mga kaibigan.


" Kung ako ang magkakaroon ng girlfriend hindi ako hindi ako magiging katulad nyo.." sabi ni Bram napatawa kami nung kaltukan siya nina Elliot at Mathias.


" Let's go there. I have something to tell you, baby." nakangiting sabi ni Vance agad naman akong tumango at humawak sa kanyang braso.


NAKARATING kami ni Vance sa tabing dagat nanlimot ako ng mga puting bato habang nakapaa. Dinig ko naman ang mahihinang tawa ni Vance habang nakasunod sa kanya.


" Vance tingnan mo ito!! " tawag ko sa kanya kaagad naman siyang lumapit sakin at humawak sa aking beywang. Pinulot ko ang isang bato na may hugis puso. " Ang cute.."


" Yeah, your cute and beautiful." sabi ni Vance kaya naman napatingin ako sa kanya. Bakit ba ang lakas magpa-kilig ng lalaking ito.


" Tigilan mo nga ako," sabi ko at hinampas siya sa balikat. Nagulat ako ng buhatin niya na parang ikakasal, hindi niya ininda kung mabigat ako.



Ibinaba niya ako at siya naman ay nasa likuran ko at nakayakap sa akin. Magtatakip-silim na kaya naman lumalabas na ang sunsets, napakagandang pagmasdan.



" Huwag mo akong iiwan." napangiti ako dahil nagsalita siya ng purong tagalog. " Dahil papakasalan pa kita, Mina Brielle Gonzales." napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.



" O-Oo naman hindi ako a-alis.." nauutal kong sabi. Hindi kopa alam kung paano ko masasabi na pupunta na ako sa Canada. Iniharap niya ako sa kanya kaya naman nagkatinginan kaming dalawa kitang-kita ko ang kanyang asul na mga mata.



Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang labi ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na lumapat ang kanyang labi. Ilang segundo pa ay naramdaman kona ang malambot niyang labi sa akin.



" EHEMM!!! " pareho kaming napalingon ni Vance at nakita namin ang aming kaibigan. Ngiting-ngiti naman sakin si Mikaela, kaagad akong nagtago sa likuran ni Vance.



" Hindi ganyan ang gawain ng magkapatid Vance Duke Callahan!! " dinig kong sigaw ni Bram. Nang umalis ang apat ay saka ako lumabas sa likuran ni Vance.



" Let's go back," sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko. Magka-hawak kamay kaming bumalik kung saan nakatayo ang ginawa naming tent.



TRUTH OR DARE pare-pareho kaming napatingin kay Bram dahil sa sinabi niya. 8pm na at nakapalibot kami sa apoy na ginawa nila.



" Boring kung hindi tayo maglalaro," nakangusong sabi ni Bram. Tumango nalang kami bilang pagsang-ayon sa kanya. " Spin the bottle na.." unang nagpaikot ng bote si Elliott.




" Truth or dare," tanong ni Bram kay Elliott. Pinili ni Elliot ang dare kaya naman napangiti kaming lahat.




" Kiss mo si Mikaela sa lips," sabi ko sa kanya dahilan para mamula ang mukha ni Mikaela. " Kiss! Kiss! " sabay-sabay naming sabi maliban kay Vance.




Hinalikan ni Elliott sa labi si Mikaela. Tumagal iyon ng ilang minuto kaya naman hinila na nina Bram at Mathias si Elliott.



" Ay sorry na- carried away lang." sabi niya kaya naman natawa kami. Napatingin ako kay Vance dahil siya ang sunod na magpapaikot ng bote.




" Truth or dare." tanong ko sa kanya. Pinili niya ang truth at saka tumingin sa akin. Wala naman sigurong masama kung itatanong ko ito.






" Sino si F-Fatima sa buhay m-mo," nagkandautal-utal kong tanong sa kanya ramdam ko ang tingin nila sa akin. Nakatitig naman sakin si Vance kaya naman agad akong umiwas ng tingin.






" I already told you this last time, do I need to tell you again.." seryoso nitong sabi saglit akong tumango.






" Magpapahangin lang ako," paalam ko sa kanila hindi kona hinintay ang sagot nila dahil umalis na ako.






Wala na akong pakialam kung madilim o may mabangis na hayop sa daraanan ko. Hindi pa'man ako nakakalayo nang may pumigil sa braso ko. Napaiyak naman ako bigla nang makilala ko kung sino iyon.






" V-Vance,"






" Fatima is nothing to me Mina. I love you Mina. You're the one I love the most mi vida.." sabi nito at mabilis na sinakop ang labi ko.






A N N E - K A G A B L E

OBSESSION  2: Vance Duke Callahan Where stories live. Discover now